SlideShare a Scribd company logo
Noli Me Tangere powerpoint presentation.pptx
Dr. Jose Rizal
Mga
Tauhan
ng Noli Me
Tangere
Juan Crisostomo
Ibarra y Magsalin
• Anak ni Don Rafael; kasintahan ni
Maria Clara; pangunahing tauhan sa
nobela
Maria Clara
• Kasintahan ni Crisostomo Ibarra;
anak-anakan ni Kapitan Tiago;
anak ni Pia Alba at ng paring si
Padre Damaso
Kapitan Tiago o Don
Santiago de los
Santos
• Ama-amahan ni Maria Clara;
asawa ni Pia Alba
Pia Alba
• Asawa ni Kapitan
Tiago; hinalay ni
Padre Damaso;
ina ni Maria Clara
Tiya Isabel
• Tiya ni Maria Clara
at tumulong sa
pagpapalaki dito;
pinsan ni Kapitan
Tiago
Don Rafael Ibarra
• Ama ni Crisostomo Ibarra; mayaman kung
kaya’t labis na kinainggitan ni Padre Damaso
Don Saturnino
• Lolo ni Crisostomo
Ibarra
Kapitan Heneral
• Pinakamakapangyarihan
g opisyal ng Espanya sa
Pilipinas
Don Pedro
Eibarrimendia
• Ninuno ni Crisostomo Ibarra na
naging dahilan ng matinding
kasawian ng nuno ni Elias
Padre Damaso
Verdolagas
• Ninong ni Maria Clara; humalay kay Pia
Alba; nagpahukay sa bangkay ni Don
Rafael
Padre Bernardo Salvi
• Kurang pumalit kay Padre
Damaso; nagkaroon ng lihim na
pagtingin kay Maria Clara
Padre Hernando De La
Sibyla
• Kura ng Tanawan; palihim na
sumusubaybay kay Crisostomo Ibarra
Pilosopo Tasyo o
Don Anastacio
• Matalino ngunit tingin ng
karamihan ay baliw
Donya Victorina de los
Reyes de Espadaña
• Nagpapanggap na Kastila;
asawa ni Don Tiburcio
Don Tiburcio de
Espadaña
• Isang pilay na Kastilang napadpad sa
Pilipinas; asawa ni Donya Victorina;
nagpanggap na doktor
Donya Consolacion
• Asawa ng alperes; malupit at
masama ang ugali
Alperes
• Asawa ni Donya Consolacion; lider
ng mga gwardiya sibil; kaagaw ng
kura sa kapangyarihan sa San
Diego
Kapitan Pablo
• Kapitan ng mga tulisan;
tinuturing na ama ni
Elias
Don Filipo Lino
• Ama ni Sinang; Bise-
Alkalde
Elias
• Nagligtas kay Crisostomo
Ibarra; anak ng angkang
kaaway ng mga ninuno ni
Ibarra
Sisa
• Inang nabaliw sa
paghahanap sa dalawang
anak; asawa ni Pedro
Pedro
• Iresponsableng
asawa ni Sisa;
mahilig sa sugal
at lasenggo
Crispin
• Bunsong anak ni Sisa;
napagbintangang
nagnakaw; tagapag-
patunog ng kampana sa
simbahan
Basilio
• Panganay na anak ni
Sisa;
napagbintangang
nagnakaw; tagapag-
patunog ng kampana
sa simbahan
Linares
• Umiibig kay Maria
Clara at napiling
mapangasawa nito;
pinsan ng inaanak ni
Padre Damaso
Tinyente
Guevarra
• Tinyente ng gwardiya sibil;
kaibigan ni Don Rafael;
nagkwento kay Crisosotomo
Ibarra tungkol sa sinapit ng
kanyang ama
Lucas
• Taong madilaw;
nagtangkang
pumatay kay
Crisostomo
Ibarra
Albino
• Dating
seminarista;
kasintahan
ni Victoria
Andeng
• Kinakapatid ni
Maria Clara;
mahusay sa
pagluluto
Sinang
• Masayahing
kaibigan ni Maria
Clara; anak ni
Kapitan Basilio
Kapitana Maria
• Pumanig sa pagtatanggol ni
Ibarra sa alaala ng ama;
babaeng makabayan
Kapitan Basilio
• Kapitan sa bayan ng
San Diego
Sanggunia
n
Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata
Kabanat
a 1
Kabanat
a 2
Kabanata
3
Kabanat
a 4
Kabanat
a 5
Kabanat
a 6
Kabanata
7
Kabanat
a 8
Kabanat
a 9
Kabanata
10
Kabanata
11
Kabanat
a 12
Kabanata
13
Kabanat
a 14
Kabanata
15
Kabanat
a 16
Kabanata
17
Kabanata
18
Kabanata
19
Kabanata
20
Kabanata
21
Kabanata
22
Kabanata
23
Kabanata
24
Kabanata
25
Kabanata
26
Kabanata
27
Kabanata
28
Kabanata
29
Kabanata
30
Kabanata
31
Kabanata
32
Kabanata
33
Kabanata
34
Kabanata
35
Kabanata
36
Kabanata
37
Kabanata
38
Kabanata
39
Kabanata
40
Kabanata
41
Kabanata
42
Kabanata
43
Kabanata
44
Kabanata
45
Kabanata
46
Kabanata
47
Kabanata
48
Kabanata 49 Kabanata
50
Kabanata
51
Kabanata
52
Kabanata
53
Kabanata
54
Kabanata
55
Kabanata
56
Kabanata
57
Kabanata
58
Kabanata
59
Kabanata
60
Kabanata
61
Kabanata
62
Kabanata
63
Kabanata
64
Kabanat
a 1
Ang
Pagtitipon
Naghanda ng isang magarbong salusalo si Don Santiago de los Santos o mas kilala bilang
Kapitan Tiago. Dahil mabuting tao at kilala sa buong Maynila, agad na kumalat ang balita
tungkol sa pagtitipong gagawin sa Kalye Anluwagi. Nang gabi ng pagititpon, dumagsa ang mga
bisita na iniistima naman ni Tiya Isabel, pinsan ni Tiago. Kabilang sa mga dumalo ay sina Padre
Sibyla, Tinyente Guevarra, mag-asawang Dr. de Espadaña at Donya Victorina, Padre Damaso, at
isang kararating lamang na dayuhan sa Pilipinas. Matanong ang dayuhan tungkol sa mga Pilipino,
kabilang ang mga Indio. Nang mabanggit ang monopolyo sa tabako, dito nagsalita nang di
maganda si Padre Damaso tungkol sa mga Indio. Hinamak niya ang mga ito at iniba naman ni
Padre Sabyla ang usapan. Napag-usapan ang pagkakaalis ni Padre Damaso bilang kura-paroko
ng San Diego. Sabi ni Damaso, hindi raw dapat nangingialam ang hari ng Espanya sa
pagbibigay-parusa sa mga erehe. Sinabi naman ni Tinyente na nararapat lamang ang parusa.
Inilahad ni Tinyente ang tunay na dahilan na pagkakalipat niya sa iba pang parokya. Ito raw ay
dahil ipinahukay niya ang bangkay ng isang marangal na lalaking napagbintangang isang erehe
dahil ayaw lamang mangumpisal. Nagalit naman si Padre Damaso dahil sa sinabi ng Tinyente.
Lumapit si Padre Sybila upang pakalmahin ang kapuwa prayle. Naaalala rin kasi ni Damaso ang
nawawalang mahahalagang dokumento. Kumalma ang magkabilang panig at umalis na sa
umpukan si Tinyente. Nagpatuloy naman ang talakayan at kuwentuhan ng mga bisita noong
gabi.
Kabanata
2
Si Crisostomo
Ibarra
Sa pangalawang kabanata ng Noli Me Tangere, naka-pokus ang kwento
sa pagpunta ni Kapitan Tiyago at Ibarra sa isang kasaluhan at kasiyahan sa
kanyang bayan. Nakipagkamayan si Kapitan sa lahat ng kanyang bisita at
panauhin, kasali si Padre Damaso, na biglang namutla ng makita si Ibarra.
Pinakilala ni Kapitan si Ibarra bilang anak ng isang kakilala na nag-aral sa Europa.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Padre Damaso pero agad itong tumalikod. Si
Padre Damaso ay matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra. Dahil sa biglang
pagtalikod ni Padre Damaso ay nakaharap siya sa tinyenteng kanina pa
namgmamasid sa kanila ni Ibarra. Nag-usap si Ibarra at si Tinyente sinabing
ikinagagalak nila na makita siya sa kasiyahan na yun. Halos mangiyak-iyak sa
tuwa ang Tinyente habang nag-uusap kay Ibarra. Ayon din sa kanya, kilala ang
ama ni Ibarra sa kanyang lubos na kabaitan. Nang nalaman ito, napawi ng binata
ang masamang hinala nito sa masamang hinala ng pagkamatay ng kanyang
ama.Ng malapit ng maghapunan, inimbita ni Kapitan Tinong si Ibarra ng
pananghalian kinabukasan.
Kabanata
3
Ang
Hapunan
Sa kabanata na ito tungkol sa hapunan na dinayuhan ni Ibarra. Sa pagsasalo na
ito ay nakita niya si Pari Sybyla at Padre Damaso. Kitang-kita sa pagmumukha ni
Pari Sybyla ang kasiyahan niya sa pagdalo, samantala, so Padre Damaso naman ay
mukhang banas na banas. Ang lahat ay nagsisiyahan at giliw na giliw sa pagsasalo.
Pinupuri ng mga bisita ni Kapitan Tiyago ang mga masasarap na pagkain na kanyang
inihanda. Dumalo rin ang Tinyente, na kung saan kinainisan siya ni Donya Victoria dahil
sa pagmamasid nito sa kanyang buhok. Umupo si Ibarra sa may kabisera. Sa kabilang
dulo naman ng lamesa ay nakikipagtalunan ang dalawang pari kung sino ang tatabi
sakanya. Ng inihanda na ang pagkain, nagsimula ng magsalo ang mga panauhin.
Nakipag usap si Ibarra sa mga panauhin at kinwento sakanila kung saan ang kaniyang
kinaroroonan. Nalaman ng mga kausap ni Ibarra ang kanyang mga napuntahan sa mga
nakaraang taon ng kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sinabi niya rin ang
kanyang mga natututunan, bukod sa wika, tulad ng iba’t ibang kasaysayan ng bansa ng
kanyang pinuntahan.
Kabanata
4
Erehe At
Pilibustero
Nagpatuloy si Ibarra sa kanyang paglalakbay. Isang araw, nabatid niya na di
niya na tiyak kung saang destinasyon na siya napadpad. Ito ay hanggang sa
nakaabot siya sa may Binundok ng Liwasan. Nakita niya na wala masyadong
nagbago; ang dating kanyang kinalakihan ay parehong-pareho pa rin sa dati. Inilaan
niya ang kanyang atensyon sa paligid, nagmasid-masid sa kanyang kapaligiran,
habang iniisip ang mga alaala niya sa lugar na yun. Naisalaysay ni Tinyente Guevarra
ang tungkol sa kanyang ama at ang mapait na sinapit nito. Isang taon bago bumalik si
Ibarra sa Pilipinas ay nakatanggap siya ng sulat sa kanyang ama. Binilin ng ama niya
na si Don Rafael sa kanya ng isang sulat na nagsasabing di siya dapat mag abala.
Kinwento ng tinyente kay Ibarra ang lahat ng detalye sa buhay ng kanyang ama. Kung
bakit siya nakulong at maraming galit sa kanya, ang rason ng kanyang pagkabilanggo,
ang mga pinaratang sakanya noong siya ay nasa kulungan, hanggang sa kanyang
pagkalaya sakanyang mga kaso. Sapagkat nung siya ay dapat ng makalabas, siya ay
binawian ng buhay sa loob ng kulungan.
Kabanata
5
Pangarap Sa Gabing
Madilim
Bumaba sa kalesa si Ibarra at nagtungo sa Fonda de Lala. Ito ang tinutuluyan niya
tuwing pupunta ng Maynila. Balisang dumiretso si Ibarra sa nirentahang silid at inisip
ang kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang ama. Tumanaw ito sa bintana at nakita ang
isang maliwanag na tahanan sa kabilang bahagi ng ilog. Mula sa kinaroroonan ay rinig
niya ang mga kubyertos at ang tugtugin ng orkestra. Nagmasid-masid ang binata at
pinanood ang mga nagtatanghal. Nakita niya ang ilang binibini na may mamahaling
suot at mga diyamante at ginto. May mga anghel na nag-aalay ng bulaklak at mga
pastol na nakikiisa sa programa. Kita rin niya sa umpukan ng mga tao ang mga
Pilipino, Kastila, Intsik, at mga prayle. Ngunit ang mas pumukaw ng kaniyang
atensiyon ang binibining si Maria Clara. Nabighani si Ibarra sa angking ganda nito at
hindi maiwaglit ang tingin sa dalaga. Nang makita naman ni Ibarra ang mga batang
Pransiskano na payat at putlain ay nahabag naman ito. Abala naman noon si Padre
Sibyla na makipag-usap sa mga dalaga habang si Donya Victoria naman ay abala sa
pag-aayos ng buhok ng napakarikit na si Maria Clara. Dahil pagod sa maghapon,
madaling nakatulog si Ibarra at nagising kinabukasan na habang si Padre Salvi
naman ay di mawaglit si Maria sa kaniyang isipan.
Ang sentro ng paksa sa kabanatang ito ay umiikot sa katauhan at pag-uugali ng
pangunahing karakter na si Kapitan Tiyago. Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng
isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa
lohika sa tulong ng isang Dominikong kaibigan na kanyang pinaglingkuran. Isang tipikal na
Pilipino kung ilalarawan ang kaanyuan ni kapitan Tiyago. Ang kanyang hugis ng katawan at
maging ang buong pisikal nitong katangian ay hindi maikakaila na siya nga ay isang Indio.
Isang dalaga mula Sta Cruz ang napangasawa ni Kapitan Tiyago, siya ay si Donya Pia.
Pareho silang masipag sa pag-nenegosyo kaya sila ay yumaman at naging kabilang sa mga
prominenteng pamilya sa bayan. Mula noon ay nakagawian na ni Kapitan Tiyago ang
kumilos, manamit at mamuhay na para na ring isang Espanyol. Sagrado at deboto siyang
katoliko na sumasamba sa lahat ng mga santo. Naging sunod-sunuran din siya sa mga
gawain at kagustuhan ng mga banyaga. Ang pagsasama nila nga anim na taon ni Donya Pia
ay nabiyayaan ng isang sanggol na babae, pinangalanan itong si Maria Clara. Nasawi ang
kanyang kabiyak mula sa panganganak kaya si Tiya Isabel na kanyang pinsan ang naging
katuwang niya sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Kabanata
6
Si Kapitan
Tiago
Ang kabanata na ito ay tumalakay sa pag-iibigan at pagharap sa isang
mahalagang responsibilidad sa buhay. Si Tiya Isabel ay isang deboto ng simbahang
katoliko, nakagawian na niya na magsimba tuwing umaga kasama ang pamangkin na si
Maria Clara. Pagkatapos ng misa ng araw na iyon ay nagmamdali na umuwi si Maria,
bagay na ikinagalit ng kanyang tiyahin. Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi
mapakali at aligaga ang dalaga. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang kasintahan
na si Ibarra. Halos pitong taon din ang lumipas na hindi nagkita ang dalawang magsing-
irog. Dumating nga si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa pag-aalala sa
kanilang mga nakaraan mula noong sila ay mga musmos pa lamang. Si Maria ay
nagbalik tanaw mula sa kanyang buhay sa Beaterio habang si Ibarra naman ay sa
kanyang pag-aaral at pakikipagsapalaran sa Europa. Isinumbat ni Maria ang paglayo
ni Ibarra upang mag-aral, ngunit dagli naman itong sinagot ng binata. Lumayo daw
siya para gawin ang mga higit na mahalagang bagay, ang pag-aaral para sa
kabutihan ng hinaharap ng bayan. Naputol ang kanilang usapan nang biglang
maalala ng binata ang kanyang mga yumaong magulang. Dali-dali siyang
nagpaalam at umuwi para makahabol sa nalalapit na undas.
Kabanata
7
Suyuan Sa
Asotea
Sa kabanata na ito, ipinakita ni Rizal ang diskriminasyon sa pagitan ng mga
dayuhan at mga Pilipino. Ipinahayag din niya kung gaano kabilis ang pag-asenso
ng mga Espanyol ay siya namang pagkalugmok sa kahirapan ng Inang Bayan.
Habang lulan ng kanyang karwahe ay binagtas ni Ibarra ang Maynila. Nanlumo at
nalungkot siya dahil sa kanyang mga nasilayan. Halos walang pinagbago at lalo pang
pumangit ang Escolta pagkatapos ng pitong taon na nilisan niya ito. Ang tanawin at
alaala ng kanyang bayan na iniwan ay tuluyan nang napabayaan. Maging ang
kalagayan ng mga tao ay lalo pang lumala, mas lalong dumami ang bilang ng mga
alipin. Kung gaano kagara at kakintab ang mga karwahe ng mga prayle ay siya
namang ingay at langitngit ng gulong ng mga kariton na gamit ng mga pobreng
Pilipino. Ito ang mga eksena na labis na nagpabigat sa damdamin ni Ibarra.
Bahagyang naibsan ang kanyang kalungkutan nang madaanan niya ang
Bagumbayan. Dito ay sumagi sa isip niya ang mga aral ng kanyang dating guro na
pari. Ang mga aral na ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang isapuso ang
pag-aaral at ipamahagi ito lalo na sa mga kabataan na siyang pag-asa ng bayan.
Kabanata
8
Mga
Alaala
Sa kabanata na ito lumabas ang pagiging sunod-sunuran ni Kapitan Tiyago sa
kagustuhan ni Padre Damaso, lalo na sa mga usapin tungkol kay Maria Clara.
Nakagayak na ang magtiyahin na Donya Isabel at Maria Clara upang pumunta sa Beaterio
at kunin ang mga naiwang gamit ng huli. Ilang sandali bago sila umalis ay siya namang
pagdating ni Padre Damaso. Magiliw niyang tinanong ang dalaga kung saan sila papunta at
nang kanya itong malaman aybiglang nag-init ang kanyang ulo. Dahil dito dali-dali niya
hinanap si kapitan Tiyago. Naging mainit ang kanilang usapan hanggang sa umabot na
silang dalawa ay nagkasigawan na naging tampulan ng tsismis ng mga pari. Sinabihan niya
ang gobernadorcillo na hindi siya sang-ayon sa nakikita niyang pakikipagmabutihan ni
Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. Hindi daw sila dapat na magkatuluyan dahil si Ibarra ay
isang kaaway. Pinagsabihan din niya si Tiyago na mayroon siyang karapatan sa lahat ng
desisyon patungkol kay Maria Clara dahil siya daw ang kanyang tumatayong pangalawang
ama. Sa pag-alis ni padre Damaso sa kanilang tahanan ay napa-isip ang matanda tungkol
kay Ibarra. Pagkatapos ay pinatay niya ang mga nakasinding kandila na inalay niya sa altar
para sa maayos at ligtas na pagbibyahe ni Ibarra.
Kabanata
9
Mga Bagay-bagay Ukol
Sa Bayan
Sa ika-sampung kabanata ng Noli Me Tangere, isinaad dito ang Bayan ng San
Diego – na siya ring pamagat ng kabanata. Nag-umpisa ang kabanata sa
paglalarawan ni Rizal sa bayan. Napapaligiran ng bukirin ang bayan na siya ring
malapit sa lawa at ilog. Kaya naman maraming mga tao ang manghang-mangha sa
bayan na ito dahil sa magagandang tanawin dito. Mayroon ring gubat na malapit sa
bayan, kung saan nagsimula ang kasaysayan. Sinasabing noong unang panahon ay
may isang matandang Kastila ang nagkaroon ng interes sa isang lupa malapit sa
kagubatan. Bagama’t walang tunay na nagmamay-ari sa lupa ay nagbigay ang
matanda nang kakaunting salapi at mga materyal na bagay tulad ng damit at alahas sa
mga taong naninirahan malapit sa lupain. Ilang araw lang ay natagpuang nagpatiwakal
ang matanda sa gubat. Maraming haka-haka ang umusbong kung bakit iyon nagawa
ng matanda pero walang nakahanap ng tunay na rason. Makalipas ang ilang buwan ay
isang binata naman ang dumating sa bayan na nagpakilalang anak nang yumao. Ang
kanyang pangalan ay Don Saturnino. Nanirahan siya sa Bayan ng San Diego kung
saan siya na rin ay nagkaroon ng pamilya. Ang kanyang anak na si Don Rafael ay siya
namang ama ni Crisostomo Ibarra.
Kabanata
10
Ang Bayan Ng San
Diego
Sa naunang kabanata ay ipinakilala ang Bayan ng San Diego pati na rin ang iilan sa
pamilya ni Crisostomo Ibarra. Sa kabanatang ito ay magsisimula na ang pag-ikot ng
istorya sa bayan. Pinamagatang “Ang Mga Makapangyarihan,” ang kabanatang ito ay ukol
sa mga taong tunay na nangingibabaw sa bayan ng San Diego. Mahigpit ang labanan sa
kapangyarihan at lakas sa bayang ito. Ang tatay ni Crisostomo na si Don Rafael ang
pinakamayaman sa bayan ngunit hindi siya tinaguriang makapangyarihan. Ang kapitan ng
bayan naman at pati na rin si Kapitan Tiyago, bagama’t sila ay nasa posisyong namumuno,
ay hindi pa rin tinatawag na makapangyarihan. Sa kabila nang kanilang mga salapi at
awtoridad, kahit na may iilan pa ring rumerespeto sa kanila, ay masasabing mas marami pa
rin silang nakakalaban sa taumbayan. Ang tunay na kinikilalang makapangyarihan ay ang
bagong parokyano na pumalit kay Padre Damasao – si Padre Salvi at pati na rin ang
pinuno ng mga guwardiya sibil – ang Alperes. Ang dalawang ito ang tinitingala nang lahat at
ang tawag sa kanila ay “casique.” Lingid sa kaalaman ng lahat ay ang dalawang ito ay may
hidwaan ngunit hindi nila ito ipinapakita lalo sa publiko na maaaring makasira sa imahe nila.
Kabanata
11
Ang Mga
Makapangyarihan
Sa ika-lanbindalawang kabanata ng Noli Me Tangere, isinalaysay rito ang dalawang
sepultorero at pinamagatan itong “Araw ng mga Patay.”Ang dalawang sepulturero ay
nasa kalagitnaan ng kanilang paghuhukay sa sementeryo ng bayan. Inilarawan ang
sementeryo bilang napabayaan na dahil walang taga-pangalaga. Sinasabing may isang krus
na nakatirik sa isang bato sa gitna ng libingan. Habang ang dalawang tauhan ay abala sa
kanilang paghuhukay disoras ng gabi ay naisipan nilang kwentuhan ang isa’t-isa tungkol sa
kanilang mga naging karanasan sa trabaho. Ang mas bata at mas bagong sepulturero ay
kanyang sinambit na bagong lipat lamang siya sa bayan dahil hindi niya nakayanan ang mga
utos sa kanya sa dating libingan kung saan siya nagtatrabaho, lalong-lalo na ang paghukay
ng bago pa lamang kakalibing para ilipat ito sa ibang lugar. Ang sepultorerong may higit na
karanasan kaysa sa kanyang kasama ay inilahad naman niya na noon ay may isang
bangkay na dalawampung araw palang naililibing na ipinahukay sa kanya. Sariwa pa aniya
ang bangkay. Iniutos sa kanya na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik ngunit hindi
niya ito nagampanan dahil sa bugso ng ulan. Itinapon niya ang bangkay sa lawa. Napag-
alaman rin na isang prayleng nag-ngangalang Pader Garrote and nag-utos.
Kabanata
12
Araw Ng Mga Patay/Todos Los
Santos
Nagtungo si Ibarra sa sinasabing libingan ng amang si Don Rafael kasama ang
isang matandang utusan. Sinabi ng matanda kay Ibarra na nagpagawa ng nitso si
Kapitan Tyago para sa kanyang ama. Dagdag pa ng matanda, nagtanim daw siya ng
bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus. Nakita ni Ibarra ang sepulturero
at tinanong kung nasaan ang puntod. Agad na naalala ng sepulturero ang tinutukoy nila
Ibarra. Gayunman, sinabi ng tagapaglibing sa dalawa na sinunog niya ang krus at
itinapon naman ang mga labi ni Don Rafael sa lawa alinsunod sa utos ni Padre Garrote.
Hindi maipinta ang mukha ni Ibarra dahil sa pagkabalisang nadarama, habang naluha
naman ang matanda. Hindi niya lubos maisip na mayroong hindi nagbigay ng galang sa
bangkay ng ama. Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre Salvi, tangan ang
kaniyang baston. Bagaman hindi niya pa nakilala ang pari kailanman, kinompronta niya
ito at tinanong kung bakit nilapastangan ang ama. Takot na sumagot si Padre at sinabing
nagkakamali si Ibarra. Itinuro niya ang kapuwa prayle na si Padre Damaso. Natauhan si
Ibarra at agad na nilisan ang kausap na pari kahit hindi pa ito humihingi ng kapatawaran
sa napagbintangang si Padre Salvi.
Kabanata
13
Mga Unang Banta Ng
Unos (Buod)
Kasabay ng pagdalaw ni Ibarra sa puntod ng ama, ay ang pagdalaw din ni Pilosopo
Tasyo sa kaniyang namayapang asawa. Pilosopo Tasyo ang tawag nila kay Don Anastacio.
Mayaman ang pakalat-kalat na matanda sa lansangan. Sadyang matalino ito at mahusay
magsalita. Pinahinto ito ng kaniyang ina sa pag-aaral sa dalubhasaan ng San Jose dahil baka
raw malimot na nito ang Diyos sa sobrang talino. Nais kasi ng ina niya na maging pari ito.
Sinuway ito ni Tasyo at nag-asawa. Gayunman, isang taon matapos ikasal ay namayapa ang
asawa niya. Itinuon na lamang niya ang oras sa pagbabasa at napabayaan ang mga minana.
Madilim ang langit at maraming kidlat sa langit. Ngunit sa halip na matakot, masaya pa si Tasyo
sa lagay ng panahon. Hiling daw kasi niya na magkadelubyo upang malinis ang sangkatauhan.
Nagtungo si Tasyo sa simbahan at nakita ang magkapatid. Sinabihan niya ito na umuwi na
dahil may espesyal na hapunang inihanda ang ina nila. Natuwa man ang magkapatid ay
nanatili sila sa simbahan. Nagpatuloy sa paglalakad ang matanda hanggang narrating ang
bahay nina Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila si Ibarra at ang hinagpis na
nararamdaman nito dahil sa sinapit ng ama. Nauwi sa usapang purgatory ang talakayan. Hindi
man daw naniniwala ang Pilosopo rito ay gabay naman daw ito upang mabuhay nang malinis.
Katulad ng nakagawian, nagpaalam si Tasyo at naglakad kahit madilim ang langit at
nagngingitngit ang kilog at kidlat.
Kabanata
14
Si Pilosopo
Tasyo
Ang kinausap na magkapatid ni Tasyo ay sina Crispin at Basilio. Kahit may banta ng
bagyo, pinatunog pa rin ng dalawa ang kapmana sa kampanaryo ngunit hindi nila ito
napatunog nang tama. Gusto nang makauwi ng dalawa lalo’t sa ibinalita ni Tasyo tungkol sa
hapunang inihanda ng inang si Sisa. Pero patuloy sila sa trabaho sa simbahan.
Napagbintangang nagnakaw si Crispin. Galit siya sa paratang at ipinagdarasal na magkasakit
ang mga prayle. Halagang P32 (dalawang onsa) ang pinababayaran sa magkapatid gayong
dalawang piso lang ang sahod nila kada buwan. Hindi nila mababayaran ang ibinibintang na
ninakaw nila. Nakapagbitiw si Crispin ng mga salitang sana ay tunay na nagnakaw na lamang
umano siya para makapagbayad sa ibinibintang na halaga. Habang nag-uusap ang dalawa,
dumating ang sakristan mayor at sinita ang dalawa sa palyadong pagpapatunog sa kampana.
Sinabihan din sila na hanggang ikasampu pa sila ng gabi sa simbahan, lagpas na sa ika-9 ng
gabing pahintulot upang maglakad sa kalsada. Makikiusap sana si Basilio sa sakristan mayor,
ngunit hinila nito ang umiiyak na si Crispin pababa sa simbahan hanggang lamunin ng dilim.
Hindi makapaniwala si Basilio sa sinasapit na kalupitan ng kapatid. Gumawa ng paraan si
Basilio upang makababa sa kampanaryo. Nang tumila ang ulan, kumuha ng lubid at
nagpadausdos hanggang makarating sa simbahan. Nahanap niya ang silid na pinagdalhan sa
kapatid ngunit sinarado ang pinto
Kabanata
15
Mga
Sakristan
Si Sisa ang ina ng dalawang tauhan sa simbahan na sina Crispin at Basilio.
Naninirahan sila sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan. Mahirap ang pamumuhay
nila. Nakapangasawa siya ng isang tamad, sugarol, at hindi responsableng lalaki. Maliban sa
wala itong pakinabang, nakatatanggap pa si Sisa ng pagmamalupit sa asawa. Martir si Sisa.
Hindi niya alintana ang pananakit at patuloy na sinasamba ang asawa. Isang gabi ay
naghanda si Sisa ng isang espesyal na hapunan gaya ng sinabi ni Tasyo. Bihira itong
mangyari dahil salat sila sa buhay. Naghain siya ng tuyong tawilis at kamatis na paborito ni
Crispin. Tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok para kay Basilio. Gayunman, dahil naipit
sa isang pangyayari sa simbahan, hindi makauuwi ang magkapatid para saluhan ang ina.
Hindi rin matitikman ng magkapatid ang espesyal na hapunan dahil dumating ang asawa ni
Sisa. Inubos ng walang pusong ama ang hapunan at umalis pagkatapos mabusog tangan ang
panabok na manok. Dahil sa ginawa ng asawa, naiyak sa sama ng loob si Sisa. Iniisip niya
ang masasarap na pagkaing para sa dalawang anak. Masakit man sa damdamin, nagluto ng
kanin at nag-ihaw ng tuyo si Sisa para sa mga anak na inaasahang darating. Ngunit lumipas
ang ilang oras at wala pa ring Crispin at Basilio na dumarating. Inaaliw niya ang sarili upang
hindi mainip. Maya-maya pa ay dumating si Basilio at isinisigaw ang pangalan ng ina.
Kabanata
16
Si
Sisa
Nakarating sa bahay nila si Basilio na may sugat sa noo. Mula iyon sa daplis ng bala
mula sa mga guwardiya sibil na humahabol sa kaniya na nais siyang ikulong sa kuwartel.
Ipinaliwanag niya sa ina ang nangyari at sinabing nasa kumbento si Crispin. Papayapa na sana
ang damdamin ni Sisa nang ibunyag ni Basilio na napagbintangang nagnakaw ng dalawang
onsa ang kapatid. Nahabag si Sisa na nangyari sa bunsong anak. Ipinangako naman niya
kay Basilio na walang makaaalam ng tunay na dahilan ng sugat nito sa noo at nakuha lang
ito sa pagkakalaglag sa puno. Nabatid rin ni Basilio na dumating sa kanilang bahay ang
ama. Nawalan siya ng ganang kumain dahil dito. Alam niya ang pagmamalupit na
ginagawa ng ama sa kaniyang ina. Ipinabatid ni Basilio na gusto na niyang mawala na
nang lubusan ang kaniyang ama sa kanilang buhay na ikinalungkot naman ni Sisa. Nais pa
rin kasi niyang mabuo ang kanilang pamilya. Nakatulog si Basilio dahil sa pagod.
Napanaginipan pa rin niya si Crispin na inaalipusta pa rin ng mga pari. Ginising siya ng ina
at sinabi rito na ayaw na niyang bumalik sa simbahan. Magpapastol na lamang daw siya
ng mga hayop sa bukid ni Ibarra. Kapag nasa hustong gulang na raw ay mag-aararo na
lamang sa bukid. Pag-aaralin na lamang daw niya ang kapatid kay Pilosopo Tasyo.
Natigilan naman si Sisa sa ginagawa at muling nalungkot dahil hindi kasama ang ama sa
mga plano ni Basilio.
Kabanata
17
Si
Basilio
Mababasa sa kabanatang ito kung paano nabulag ang mga tao sa mga
maling paniniwala tungkol sa kaligtasan ng mga kaluluwa mula sa
Purgatoryo. Matamlay na tinapos ni Padre Salvi ang tatlong misa na kayang
inalay. Dahil sa kanyang karamdaman ay hindi niya pinansin ang mga hermana
at hermano mayor na naghihintay sa kanya upang siya ay kausapin. Bagkus ay
dali-dali siyang nagtanggal ng kanyang sutana at tumuloy sa kanyang silid. Hindi
na lang kumibo ang mga debuto sa inasal ng pari. Karamihan sa mga ito ay mga
matatanda na siyang naatasang mangasiwa para sa nalalapit na kapistahan. Sa
gitna ng palitan ng kanilang mga kuro-kuro ay napag-usapan nila ang tungkol sa
usapin ng indulhensiya. Ayon sa kanilang paniniwala, ang taong maraming
indulhensiya ang siyang maliligtas ang kaluluwa papunta sa Purgatoryo.
Nagmayabang ang bawat isa tungkol sa dami ng kanilang mga naipon para sa
kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa.
Kabanata
18
Mga Kaluluwang
Naghihirap
Sa kabanata na ito lantarang ipinakita ni Rizal kung gaano kalakas ang
kapangyarihan ng mga prayle para sirain ang kinabukasan ng mga kabataan.
Dalawang lalaki na kapwa nakadamit pangluksa ang tahimik na nagmumuni sa lawa.
Ang mga ito ay sina Ibarra at ang guro. Ikinumpisal ng guro na kasama niya ang
sepulturero at si Tenyente Guevarra sa pagtapon ng bangkay ni Don Rafael sa lawa.
Mula sa kanyang narinig ay hindi nagalit at tumangis si Ibarra. Sa halip, mas lalo
siyang nagka-interes sa pagkatao ng nasabing guro. Sinabi rin ng guro kung
gaano niya ninais na baguhin ang lumang kairalan sa pagtuturo ngunit siya ay
bigo. Habang tumatagal ay nababawasan ang bilang ng mga bata na nag-aaral.
Ang silid aralan na kanilang ginagamit ay isang kwadra. Pinag-aaralan ng mga
bata ang mga litanya ng dasal sa salitang Kastila. Pinakita rin sa kabantang ito
ang marahas na kaparusahan na binibigay sa bawat kamalian ng mga bata. Ayaw
ng guro ang ganitong pamamaraan kaya pilit niya itong binago ng patago.
Ngunit siya ay inalipusta at pinarusahan ni Padre Damaso sa harapan ng kanyang
mga mag-aaral. Nanlumo si Ibarra sa mga tinuran ng guro, ngunit binigyan niya
ito ng pag-asa na balang araw mababago rin ang lahat.
Kabanata
19
Karanasan Ng
Guro
Sa kabanata na ito makikita ang kasamaang dulot ng pagkakaroon ng isang
pinuno na alipin ng mga dayuhan. Kumpleto na ang mga kasapi na nasa
bulwagan para sa gaganaping pulong ng tribunal. Nahati ang mga ito sa dalawang
grupo – ang konsertabatibo ng mga matatanda at ang liberal ng mga nakababata. Ang
bawat paksiyon ay mayroong panukala para sa nalalapit na kapistahan ng bayan. Ang
gusto ng mga konserbatibo ay isang marangya at magarbong kapistahan. Nais nila na
maging masaya ang mga alkalde at prayle sa gaganaping na selebrasyon.Gusto ng
mga konserbatibo na magdaos ng dalawang araw na kapistahan at bubuksan ang
lahat ng bahay pasugalan. Kasabay nito ay ang pagtapon ng mga pagkain sa lawa
alinsunod na rin sa tradisyon ni Sila (isang kilalang diktador na Romano). Ang mga
mungkahing ito ay sinalungat naman ng mga partido liberal. Ang gusto nila ay isang
selebrasyon na ang taong bayan ang mapapasaya at hindi ang mga iilan lamang.
Hangarin din nila na ang matitipid na pondo ay gagamitin na lang sa pagpapatayo ng
mga silid aralan. Hindi ito sinang-ayunan ng mga konserbatibo dahil malulungkot at
magagalit ang mga alkalde at kura kung ganito lang ang gagawin sa kapistahan.
Kabanata
20
Ang Pulong Sa
Tribunal
Kabanata
21
Kasaysayan Ng
Isang Ina
Si Sisa ay isang larawan ng ina na sadyang mahina at marupok kapag nasa
kapahamakan ang kanyang mga anak. Ipinakita ito sa kabantang ito. Mula sa kinatatayuan
ay natanaw ni Sisa ang dalawang sundalo na palabas sa kanilang tahanan. Hindi nila bitbit si
Basilio, tanging ang inahing manok lamang niya ang kanilang nakuha. Tinanong si Sisa kung
nasaan ang kanyang mga anak pati na ang pera na ninakaw ng mga ito. Sinabi niya na hindi pa
niya nakikita ang kanyang mga anak, kasabay ng pagtatanggol na hindi sila mga magnanakaw.
Pinilit ng mga sundalo na isama si Sisa sa bayan upang humarap sa kura. Dito, naranasan niya
ang sobra-sobrang panglalait at pang-aalipusta mula sa mapanghusgang mata ng mga taong
bayan. Pakiramdam niya ay parang mamamatay na siya sa kahihiyan. Nang makarating siya sa
kwartel ng mga sundalo, siya ay paulit-ulit na tinanong. Muli, pinasinungalingan niya lahat ng
mga paratang sa kanila. Dahil dito, hindi naglaon ay nagdesisyon ang kura na pauwiin siya.Sa
kanyang pag-uwi ay nakakita siya ng maliit na pilas ng damit ni Basilio na mayroong bahid ng
dugo. Siya ay labis na nabahala dahil ang lugar na iyon ay malapit sa bangin. Dahil sa mga
pangyayaring ito ay tuluyan nang tinakasan ng bait si Sisa at siya ay namuhay bilang isang
palaboy.
Kabanata
22
Dilim At
Liwanag
Ang kabanatang ito ay tungkol sa pag-uwi ni Maria at ng kanyang Tiya Isabel sa
tahanan ng San Diego dahil sa pistang darating. Ang pag-uwi ni Maria ay naging salita ng
tahanan sapagkat ilang taon rin siyang di nakakapag-uwi sa bayan niyang sinilangan. Si
Maria ay napamahal na sa mga taong bayan dahil sa taglay nitong bait at kagandahan.
Kaibigan at kilala niya halos lahat ng kanyang mga kapitbahay at kababayan. Lahat ng mga
taga San Diego ay nag-aabang sa kanyang pag-uwi dahil labis nilang kinagigiliwan ang
dalaga. Mas pinag-uusapan ang dalaga dahil simula ng pagbalik nito ay napapadalas ang
pagbisita at pagsama ni Ibarra sa kanya. Sapgakat, niyaya ni Ibarra si Maria sa isang piknik
kinabukasan. Natuwa naman si Maria sa kanyang imbitasyon at agad pumayag sa
pamamasyal na inalok ng binata. Ngunit sa pagbabalik ng dalaga sa bayan, di maiwasan ng
mga tao sa San Diego ang kakaibang kilos ni Padre Salvi. Napansin din ng dalaga ang
pagbabago ng kilos ni Padre Salvi at sinabi ito sa kasinatahan at kababata niyang si Ibarra.
Sinabi niya kay Ibarra ang kanyang napansin at nakiusap na kung pwede sila lamang dalawa
ang sasama sa piknik at di na papuntahin ang mga kura. Subalit sa mga nangyayari sa bayan
ng San Diego, pinaintindi ni Ibarra sa dalaga na kailangan nila isama ang kura sa kanilang
mga pasyang lakad, dahil din sa ikabubuti nila. Nahinto ang kanilang kwentuhan ng bigla
namang nagpakita si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa upang sila ay
maiwan at makapag-usap.
Kabanata
23
Ang
Pangingisd
a
Sa kabanata na ito pinapakita ang isa sa mga araw ni Maria sa pag-uwi niya sa
bayan ng San Diego. Kaagapay niya ang mga matatalik niyang kaibigan na sina
Iday, Victoria, Sinang, at Neneng sa may dalampasigan at nagkukuwentuhan at
nagbibiruan. Yun ay madaling araw at may mga ilang kabataan, kadalagahan, at
ilang matatandang babae ang naglalakad papunta sa mga bangka na nakaparada sa
dalampasigan. Sila ay may dala-dalang mga pagkain. Sumakay sila sa bangka. Tig-
iisang bangka ang mga dalaga dahil lulubog ang bangka kung sila lahat ang sasakay.
Bawat dalaga ay may kasamang binata. Si Maria at Ibarra ay magkasama, samantala
si Victoria naman at si Albino.Sinagwan ang dalawang bangka papunta sa dagat ng
isang lalakeng nagngangalang Elias. Siya rin ang nagsilbing piloto ng mga bangka.
Sila ay masayang nagmasid-masid sa lawa. Nagpatugtog naman si Maria at umawit
ng Kundiman. Masaya ang lahat sa piknik ng biglang nakahagilap si Elias ng isang
buwaya. Pinagtulungan ni Elias, Ibarra, at ng ibang binata ang pagpatay sa buwaya.
Pinasalamatan naman ni Elias si Ibarra sa pagsagip ng buhay niya. Ng matiwasay na
ang lahat, nagpatuloy ang magkakaibigan sa pangingisda at sa piknik.
Kabanata
24
Sa
Kagubata
n
Sa kabanatang ito ay nasa kalagitnaan pa rin ng piknik ang magkakaibigan na sila Ibarra, Maria,
Victoria, Iday, Elias, Sinang, at Albino. Sa parehong araw rin na yun ay maaga natapos ang misa ni
Padre Salvi at nakapag-almusal siya agad. Habang nag-aalmusal, bigla siyang nakatanggap ng liham at
biglang nawalan ng gana. Tumungo siya sa gubat. Ng makarating siya doon, pinauwi niya na ang
kanyang sinasakyan. Naglakad siya sa gubat ng nakarinig siya ng mga boses. Dahan-dahan siyang
lumapit sa isang malaking puno. Nakita niya sa may ilog ang tatlong dalaga na sina Maria, Victoria, at
Silang na nagkukwentuhan at nagtatampisaw sa tubig ilog. Maiging nagtago si Padre Salvi upang
pagmasdan ang mga dalaga. Ilang minuto ay napagpasyahan niyang umalis na at hinanap ang mga
kalalakihan. Pagdating ng tanghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpipiknik. Binanggit ni Padre Salvi na
nagkasakit si Padre Damaso kaya di ito nakapagsama. Maya-maya ay dumating si Sisa at napag-usapan
ang mga nawawala niyang anak. Sa pagdidiskusyon nito, napunta sa matinding pagtatalo si Don Felipo
at Padre Salvi. Iniwan ni Ibarra ang dalawa na nagtatalo at pumunta sa mga kaibigan niya na naglalaro
ng Gulong ng Palad. Ng naituro ng Gulong si Ibarra, tinanong sa kanya kung natupad na ba ang
binabalak nito. Agad naman siyang sumang-ayon dahil malapit na itatayo ang bahay-paaralan na
kanyang pinaplano. Inilahad niya ang kasulatan at binigay ito kay Maria at Sinang. Ng makita ito ni Padre
Salvi, agad niya iyong kinuha at pinunit dahil makasalanan ang nasa loob ng kasulatan na yun. Nagalit
ang lahat at pinaalis ang kura. Ilang sandali lg dumating ang Gwardya Sibil at Sarhento at dinakip si
Ibarra at Elias sa pananakit umano kay Padre Damaso.
Kabanata
25
Sa Bahay Ng
Pilosopo
Nagtungo si Ibarra sa tahanan ni Pilosopo Tasyo. Nais niya kasing isangguni ang binabalak
niyang pagtatayo ng paaralan sa kanilang bayan. Nakita niyang abala ang matanda sa sinusulat
nito. Gayunman, si Tasyo na mismo ang huminto sa ginagawa at sinabing ang susunod na henerasyon
pa naman daw ang makauunawa at makikinabang sa kanyang isinusulat. Binuksan ni Ibarra ang
kaniyang plano sa Pilosopo. Sinabi ng matalinong matanda na hindi dapat sa kaniya isinasangguni
ang mga plano, bagkus sa mga makakapangyarihang tao tulad ng mga kaparian sa simbahan.
Sumagot si Ibarra na ayaw na umano niyang mabahiran ng kabuktutan ang maganda niyang hangarin.
Mauunawaan umano siya ng pamahalaan at taumbayan dahil maganda ang kaniyang hangarin.
Sinalungat naman siya ni Tasyo at sinabing mas makapangyarihan pa ang simbahan kaysa
pamahalaan. Kung nais dawn i Ibarra na magtagumpay sa kaniyang mga plano, marapat daw na
padaanin ito sa simbahan na siyang may hawak sa lahat, kabilang ang pamahalaan. Iba naman ang
pananaw ni Ibarra. Pagkat galing sa Europa, naniniwala siya sa kapangyarihan ng pagiging liberal.
Muli naman siyang sinalungat ng matanda at sinabing hindi angkop sa bansa ang kaisipang mula
Europa. Tulad ng isang halaman, kailangan din daw yumuko ni Ibarra sa hangin kapag hitik na ang
bunga nito upang manatiling nakatayo nang matatag. Payo pa ng matanda, hindi karuwagan ang
pagyuko sa kapangyarihan. Hindi man aminin, ngunit napapaisip si Ibarra sa tinuran ng matandang
Pilosopo. Bago umalis, nag-iwan pa si Tasyo ng salita kay Ibarra na kung hindi man siya
magtagumpay sa plano nito, ay may uusbong na sinuman upang magpatuloy ng kaniyang mga
nasimulan.
Kabanata
26
Bisperas Ng
Pista
Abala ang buong San Diego dahil sumapit na ang ika-sampu ng Nobyembre. Hudyat
na ng bisperas ng kapistahan. Kaniya-kaniyang gayak ang mga may-kayang pamilya sa
lugar katulad ng pagdedekorasyon ng kanilang mga tahanan at paglalagay ng mga
palamuti at mamahaling mga kagamitan. Hindi mawawala sa pista ang masasarap na
pagkain tulad ng mga kakanin, minatamis, at mga mamahaling alak mula Europa. Imbitado
rin ang mga mamamayan mula sa kalapit na bayan upang matunghayan ang mga
pagtatanghal. Panay naman ang pagpapaputok, pag-iingay ng batingaw, at pagtatanghal ng
mga musiko upang gawing mas masaya ang pagdiriwang. Siyempre, hindi mawawala ang
misa na pinangunahan ni Padre Damaso. Ang mga magsasaka at ibang manggagawa ay
inialay na ang kanilang pinakamagagandang ani sa kanilang mga amo. Samantala, habang
abala ang lahat sa pista, abala rin si Ibarra sa pagpapatayo ng kaniyang paaralan. Hango
ang disenyo nito sa mga paaralan sa Europa. Hiwalay din ang lalaki sa babae. May malaking
bodega at hardin rin ito. Gastos ni Ibarra ang lahat ng ginasta sa paaralan. Tumanggi siya sa
tulong na alok ng mga mayayaman at mga pari sa pagpapatyo ng paaralan. Marami ang
humanga sa ginawang ito ni Ibarra. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay marami din ang
hindi natuwa at palihim na nagtanim ng sama ng loob sa kaniya.
Kabanata
27
Sa
Pagtatakipsili
m
Si Kapitan Tiago ang isa sa mga may malalaking handaan para sa pista. Sinadya niyang
magparami ng handa dahil nagpapasikat ito kay Ibarra na kaniyang mamanugangin.
Tanyag kasi si Ibarra sa Maynila at nailalathala pa sa mga pahayagan. Iba’t iba ang mga
handa at produktong dumarating sa bahay ni Tiago bago pa man ang bisperas ng pista. At nang
makarating sa tahanan at makita ang anak, binigyan ni Tiago si Maria Clara ng isang agnos na
mayroong diyamante at Esmeralda bilang pasalubong. Dumating na rin si Ibarra para makita ang
mag-ama. Mayroong mga nag-aya kay Maria na mamasyal na pinahintulutan naman ni Tiago.
Inaya rin ni Kapitan si Ibarra na sa kanila na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso
ngunit tumanggi ito. Sumama naman si Ibarra sa katipang si Maria sa pamamasyal kasama ang
mga kaibigan ng dalaga. Nang makarating sa plasa, nakita nina Maria ang isang lalaking
ketongin na umaawit sa tugtog ng kaniyang gitara. Habang pinandidirihan ng lahat ang ketongin,
naawa si Maria dito at iniabot ang pasalubong na mamahaling agnos ng ama. Sa tuwa, lumuhod
sa pasasalamat ang ketongin. Maya-maya pa ay dumating naman si Sisa. Itinuro nito ang
kampanaryo at sinabing naroon ang anak na si Basilio. Itinuro din niya ang kumbento at sinabing
naroon ang anak na si Crispin. Umalis din agad si Sisa, gayundin ang matandang ketongin.
Namulat sa katotohanan si Sisa na napakarami palang mahihirap sa kanilang bayan.
Kabanata
28
Mga
Sulat
Katulad ng inaasahan, nailathala sa mga pahayagan sa Maynila ang magarbong
pagdiriwang ng pista sa San Diego. Napasama sa balita ang marangyang paghahanda sa
pista, ang mga makakapangyarihang tao, mga pagtatanghal, at ang pangangasiwa ng
mga pareng Pransiskano sa pista. Nabalita ang pagkaroon ng prusisyon ng mga santo at
santa sa buong bayan. Nagkaroon din ng mga pagtatanghal tulad ng komedya na labis na
ikinaaliw ng mga pari dahil sa wikang Kastila ito ginawa. Mayroon din namang pagtatanghal
para sa mga Pilipino. Hindi rin nawala ang pagtatanghal ng mga musiko. Mayroong dalawang
bandang nagtanghal noong bisperas ng pista na simbolo ng karangyaan noon. May sayawan
din kung saan nakita ng marami ang pagsayaw ni Kapitan Tiago. Manghang-mangha naman
ang karamihan sa angking kagandahan ni Maria. Gayunman, nababalot ng lungkot si Maria
dahil ilang araw na niyang hindi nasisilayan si Ibarra. May sakit kasi ito. Kaya minarapat ng
kasintahan niyang sulatan ang binata. Ayon sa sulat ni Maria na inihatid ni Andeng sa kanilang
bahay, patuloy daw ang pagdadasal ng dalaga para sa katipan. Ipinagtirik pa ni Maria si Ibarra
ng kandila sa simbahan para sa paggaling nito. Ikinuwento rin ni Maria ang sapilitang
pagtugtog at pagsayaw niya sa sayawan na siya namang ikinayamot niya. Sinabi rin ni Maria
na imbitahan siya ni Ibarra sa oras na bubuksan na ang kaniyang ipinagawang paaralan.
Kabanata
29
Ang
Umaga
Sa mismong araw ng kapistahan, abala ang mga tao sa San Diego. Nagising sila nang
maaga dahil sa tunog ng kapamana at mga paputok. Naggayak ang mga maykayang
mamamayan ng kanilang pinakamagagarang damit at pinakamahal na mga alahas at
palamuti. Kapansin-pansin naman na hindi nagpalit ng kasuotan si Pilosopo Tasyo. Binati
siya ng tinyente ngunit sinagot siya ni Tasyo. Sinabi nito na paglulustay lamang ng pera at
oras ang kasiyahang katulad ng pista. Isang uri lamang daw ito ng pagpapakitang tao.
Dagdag pa niya, mas maraming dapat pagtuunan ng pansin na mas mahahalagang bagay
kaysa sa pista. Sumang-ayon naman si Don Filipo sa sinabi ng matanda. Gayunman, wala
siyang lakas ng loob na sumalungat sa mga pari. May sakit naman si Padre Damaso na
dapat magmimisa sa araw na iyon. Tumanggi na siya sa pagbibigay ng sermon ngunit pinilit
siya ng ibang pari dahil siya lamang umano ang nakapagbibigay ng aral sa mga taga-San
Diego. Dahil doon, agad na nagpapahid ng langis at nagpahilot si Damaso upang
guminhawa ang pakiramdam. Saktong alas-otso ng umaga nang magsimula ang prosisyon
ng mga santo. Kahit sa pagprusisyon, mababatid ang pagkakaiba-iba ng antas ng mga
mamamayan. Sa suot na abito ay malalaman agad kung sino ang mararangya at
hindi.Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago. Naroon ang alkalde, si
Kapitan Tiago, si Maria Clara, at si Ibarra.
Kabanata
30
Sa
Simbaha
n
Dahil araw ng pista, punong-puno ng tao ang simbahan. Dahil siksikan,
nararamdaman ng lahat ang init sa loob. Gayunman, walang patid ang dagsa ng mga tao
na nagbabayad rin ng halagang dalawang daan at limampung piso. May paniniwala kasi
noon na marapat nang magbayad ng malaking halaga para sa misa kaysa sa mga panooring
komedya. Maaari ka raw kasing dalhin sa langit ng misa, di katulad ng mga komedya na sa
impyerno raw ang tungo. Matagal bago nakapagsimula ang misa. Wala pa kasi ang alkalde
na sinadyang magpahuli upang mapansin ng lahat. Ilang sandali pa ay dumating na ito, suot
ang limang medalya na sumisimbolo sa kaniyang posisyon. Ito na rin ang naging hudyat para
magmisa si Padre Damaso kahit hindi maganda ang pakiramdam. Kasama niya sa harap ng
altar ang dalawang sakristan at iba pang pari katulad ni Padre Sabyla. Pagpanhik ni Padre
Damaso sa pulpito, nag-umpisa ang sermon niya. Gayunman, tanging masasakit na salita at
panlalait ang sinabi ni Padre Damaso sa kapuwa pari si Padre Martin na siyang nagmisa sa
bisperas ng pista na si Padre Manuel Martin. Aniya, higit na mas mahusay naman siyang
magmisa kaysa kay Padre Martin. Inutusan naman ni Damaso ang kasamang prayle na
buksan ang kuwaderno upang makakuha na ng tala at opisyal na umpisahan ang misa para
sa kapistahan.
Kabanata
31
Ang
Sermon
Sa kabanatang ito inilarawan ni Rizal ang mga taong nagpapakabanal
sa likod ng kanilang mga masasamang gawain sa loob mismo ng
simbahan. Isang malaking kamalig ang inayusan upang magsilbing
simbahan para sa misa ng kapistahan. Maagang nagsidatingan ang mga
panauhin at opisyal ng bayan upang masilayan ang buong misa at makinig
sa banal na salita. Maging ang mga ordinaryong tao ay hindi rin nagpahuli
upang makinig sa sermon na ibibigay ng predikador. Mayroong nakalaan na
lugar at upuan ang mga prominenteng tao habang nakasalampak naman sa
sahig ang mga mahihirap. Buong tiyaga na hinintay ng lahat ang matagal na
pagdating ng panauhing pandangal ng misa. Ito ay walang iba kundi si
Padre Damaso. Sa paglalakad ng pari papunta sa altar ay isa-isa niyang
binati ang mga taong malalapit sa kanya. Binati rin niya si Ibarra, kinindatan
niya ito at sinabihan na hindi daw niya ito nakakaligtaan sa lahat ng kanyang
panalangin.
Kabanata
32
Ang
Panghugo
s
Sa kabanatang ito matutunghayan kung paano gamitin ni Padre
Damaso ang kanyang posisyon at at simbahan para takutin at
alipustahin ang mga Indio. Gamit ang wikang Kastila, Latin at konting
Tagalog, nagbigay ng sermon si Padre Damaso. Itinuon ng pari ang kanyang
mensahe tungkol sa mga kaluluwa sa Purgatoryo. Maging ang mga
makasalanang Indio, araw ng paghuhukom,at ang ang hindi magandang
asal ng mga taga Maynila ay kanyang binigyang pansin at diin din. Dahil sa
kanyang itinuro, tumayo ang isang batang Manilenyo at tuluyang lumabas
ng simbahan. Si Ibarra naman ay buong tapang na nagtitimpi sa isang sulok
dahil alam niya na siya ang isa sa mga pinatataman ng pari. Anumang
gawing sigaw at kumpas ni Padre Damaso ay hindi pa rin niya napigilan ang
mga tao na makatulog sa haba ng kanyang litanya. Sadyang madami ang
nawalang ng interes na makaintindi sa kanya. Marami sa mga panauhin ang
umuwing nadismanya dahil sa hindi naintindihang sermon ng pari.
Kabanata
33
Malayang
Kaisipan
Sa kabanatang ito, unti-unting tinatanggalan ng maskara ni Rizal ang mga
taong mayroong masamang hangarin kay Ibarra. Pinapakita niya ang
kanilang mga patago at masamang mga hangarin. Maagang inihanda ang
kabriya para sa espesyal na seremonya na gaganapin sa bayan. Kasabay
dumating ng bandang musiko ang alkalde, mga ibang pinuno ng bayan, at mga
prayle maliban kay Padre Damaso. Sa okasyong ito pinasinayanan ang lugar
kung saan ipapatayo ang bagong paaralan. Kasama si Ibarra sa mga panauhin
dahil isa siya sa mga nagpadaulo ng nasabing proyekto. Pagkatapos
mabasbasan at maihulog ang panulukang bato ay isa-isang naglagay ng
kusarang halo ang mga panauhin. Inumpisahan ito ng alkalde hanggang
makarating ang turno ni Ibarra. Bago bumaba sa hukay si Ibarra upang ilagay
ang bato ay biglang nakalas ang mga kawayan ng kabriya at dumagundong ang
lupa sa hukay. Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Ibarra. Dito sumagi sa isip ni
Ibarra ang babala na ibinigay ni Elias sa kanya.
Kabanata
34
Ang
Pananghalia
n
Ipinakita sa kabanata na ito ang buong kuwento sa likod ng
trahedyang nangyari sa seremonyas ng panulukang-bato. Katatapos
gumayak ni Senyor Crisostomo Ibarra nang dumating ang hindi inaasahang
panauhin. Ito ay ang misteryosong si Elias. Hindi pa man nakapagsasalita ang
huli ay ipinaabot na kaagad ni Ibarra ang kanyang pasasalamat. “Kulang pa
po iyon” mapagkumbabang ganti naman ni Elias. Sa hindi kalaunan ay nag-
umpisa na siyang magkwento tungkol sa mga nalalaman niya sa binata.
Pinaalalahanan niya si Ibarra na mag-ingat sa mga kaaway na nakapaligid
lagi sa kanya. Sinabi din niya na hindi aksidente ang nangyaring pagkalas ng
kabriya. Sa halip, ito ay sadyang nakalaan para sa kanyang tiyak na
kapahamakan. Tinutulungan ni Elias si Ibarra bilang pagtanaw sa lahat ng
kabutihan ng yumaong si Don Rafael. Dahil sa mga ikinumpisal ni Elias ay
tinanong niya ito kung kailan sila magkikita muli. Marahan naman itong
sinagot ni Elias na “andito lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko”.
Kabanata
35
Ang Usap-
Usapan
Sa ika-35 na kabanata ipinakita ang labis na kasamaan sa puso ni
Padre Damaso. Ito ang naging dahilan upang umabot sa sukdulan
ang galit ng binatang si Ibarra. Napuno ng sigla at kasiyahan ang
idinaos na piging sa bayan. At kagaya ng karaniwang pangyayari ang
mga dumalo ay nahahati sa dalawang grupo. Ang samahan ng mga
matatandang babae at lalaki at ang grupo ng liberal. Napawi ang
masayang usapan nang biglang dumating ang pamosong Pransiskanong
pari. Sa bungad na salita pa lamang ng pari ay hindi na kagandahan ang
lumabas sa bibig nito. Walang habas niyang inalipusta ang pagkatao ni
Ibarra maging ang alaala ng kanyang yumaong ama na si Don Rafael.
Dahil dito, ang nanahimik at nagtitimping si Ibarra ay tumayo at
sinunggaban si Padre Damaso. Dala ng kanyang edad at mabigat na
pangangatawan hindi na nakuhang lumaban ng pari. Kung hindi inawat
ni Maria Clara ang kaguluhan, marahil ay tuluyan nang napatay ni Ibarra
si Padre Damaso.
Kabanata
36
Ang Unang
Suliranin
Sa kabanatang ito ay ipinakita ang tapang ni Ibarra na siyang unti-
unting gumising sa diwa ng kanyang mga kasamahan sa liberal. Mabilis
na kumalat ang nangyaring kaguluhan sa bayan. Nahati ang saloobin at
paniniwala ng mga taong bayan. Mula sa panig ng mga nakababata ay labis
ang paghanga nila sa katapangan na ginawa ni Ibarra. Masaya sila at
nakaganti na rin sila sa pagsampal ng pari sa isang binatang Manilenyo.
Samantala, ang mga nakatatandang babae ay nagkaroon ng agam-agam at
takot. Baka daw magaya sa pag-uugali ni Ibarra ang kanilang mga anak
kapag ipinadala rin nila ang mga ito sa Europa. Ang mga iba naman kagaya
ni Kapitana Maria ay buong tapang na ipinagtatanggol si Ibarra. Ang
pangyayaring ito ang nagbigay ng hudyat sa grupo ni Don Filipo (samahan
ng liberal) upang sila ay magkaisa at manindigan. Hinikayat niya ang
kanyang mga kasapi upang magkaisa kagaya ng ginagawa ng mga
saserdote.
Kabanata
37
Ang Kapitan-
Heneral
Nang dumating ang Kapitan Heneral, hinanap niya agad si Ibarra. Ngunit
ang nakita niya ang binatang taga-Maynila na lumabas habang nagmimisa si
Padre Damaso na naging dahilan para pagalitan siya nito. Kinausap ni Kapitan
ang binata na kanina pa balisa. Nang matapos ang kuwentuhan nila, nakangiti na
ang binata, senyales ng kabutihan ng Kapitan. Pagkatapos ay dumating ang mga
pari ngunit wala si Padre Damaso. Nagbigay galang sila sa Heneral. Naroon din
sina Maria at Tiago at napansin ng Kapitan. Pinapurihan niya si Maria dahil sa
pamamagitang ginawa nang makabangga sina Ibarra at Damaso. Maya-maya pa,
dumating na si Ibarra. Ipinaalala naman ni Padre Salvi na exkomunikado na si
Ibarra ngunit di siya pinansin nito. Nag-usap sina Ibarra at Kapitan at pinuri siya nito
sa ginawang pagtatanggol sa alaala ng ama. Nang matapos mag-usap, binilinan ng
Kapitan na papuntahin ni Ibarra si Tiago para kausapin din. Nag-usap ang dalawa
habang si Ibarra naman ay nagtungo kay Maria. Gayunman, hindi sila nakapag-
usap dahil papunta na sa dulaan ang dalaga.
Kabanata
38
Ang
Prusisyon
Ang mga paputok at batingaw ang hudyat na nag-umpisa na ang
prusisyon. Nakasilip ang marami na may hawak na parol. Kasama sa
paglalakad sina Kapitan Heneral, Kapitan Tiago, alkalde, alperes, at
mga kagawad. Nangunguna sa prusisyon ang mga sakristan kasunod ang
mga guro, mag-aaral, at mga agwasil na nagpapanatili nang maayos na
pila. Ipinrusisyon ang santo nina San Juan Bautista, San Francisco, Santa
Maria Magdalema, San Diego de Alcala, at poon ng Birheng Maria. Nang
marating ang kubol na ipinagawa ng Kapitan Heneral sa tapat ng kanilang
bahay na pagdarausan ng tulang papuri o loa sa pinatakasi ng bayan,
huminto ang karo. Isang batang may pakpak ang lumabas at sinimulan ang
pagpupuri sa wikang Latin, Espanyol, at Tagalog. Sumunod naman ay
umawit si Maria Clara ng Ave Maria. Nabighani ang lahat sa tinig ng dalaga
lalo na si Ibarra. Napukaw lang ang atensiyon nito nang kausapin siya ng
Kapitan Heneral tungkil sa pagkawala nina Crispin at Basilio.
Kabanata
39
Si Donya
Consolacion
Kabiyak ng dating kawal at ngayon ay isang alperes si Donya Consolacion.
Gusto niyang magmukhang taga-Europa kaya panay ang paglalagay ng
kolorete sa mukha at pagsasalita ng wikang Kastila. Sa kaniyang paningin, ay
siya ang pinakamagandang babae sa San Diego at mas maganda pa kay Maria
Clara. Dating labandera lamang ang ginang at umangat sa buhay dahil sa alperes.
Gayunman, mababakas pa rin sa kaniya ang kawalan ng edukasyon. Noong araw
ng prusisyon, iniutos ng Donya na isara ang kanilang bahay dahil hindi ito
pinayagang magsimba ng asawa niya. Hindi maganda ang trato sa kaniya ng
kabiyak na ikinahihiya siya at lantarang minamaliit. Nainis siya nang marinig ang
pag-awit ni Sisa na nakakulong sa kuwartel. Inutusan niya sa wikang Kastila si Sisa
na umakyat ngunit di siya sinunod nito. Nagalit ang Donya at kinuha ang latigo ng
asawa at inihampas kay Sisa. Inutusan itong kumanta at sumayaw, at kapag hindi
sumusunod ay latay ang inaabot ni kay Consolacion. Nahubaran pa si Sisa dahil sa
pagmamalupit ng Donya. Nakita ito ng asawa at inutusan ang mga kawal na bihisan
at pakainin si Sisa kasabay ng paggamot sa mga sugat dahil ihaharap pa ito kay
Ibarra bukas.
Kabanata
40
Ang Karapatan At
Lakas (Buod)
Nang sumapit ang ika-10 ng gabi, nag-umpisa na ang pagpapaputok ng
kuwitis. Hudyat din ito na umpisa na ang dula. Naroon si Tinyente at Pilosopo
Tasyo na nag-uusap tungkol sa pag-ayaw ni Don Felipo sa kaniyang
tungkulin. Dumating ang mga tanyag na tao sa San Diego at nag-umpisa na ang
palabas sa pangunguna nina Chananay at Marianito ng “Crispino dela Comare.”
Lahat ay abalang manood sa dula maliban kay Padre Salvi na si Maria ang
pinanonood. Dumating naman si Ibarra na ikinagalit ng Padre. Ipinag-utos nit
okay Don Filipo na paalisin ang binata pero di niya iyon magawa dahil ang-abuloy
nang malaki si Ibarra. Dahil sa inis, ang pari na lang ang umalis. Nagsabi si Ibarra
na aalis sandali. Maya-maya ay may lumapit na guwardiya sibil kay Don Filipo na
ipinahihinto ang dula dahil di raw makatulog ang alperes at si Donya Consolacion.
Di pumayag ang Don. Pinagtangkaang pigilin ang musiko ng dula at nag-umpisa
ang gulo dahil doon. Nakabalik na si Ibarra at hinagkan si Maria. Naibalita naman
agad kay Salvi ang nangyari. Nagkapangitain si Padre Salvi tungkol kay Maria na
nawalan ng malay at agad siyang bumaba sa kumbento pero walang tao.
Kabang-kaba ang pari.
Noli Me Tangere powerpoint presentation.pptx
Free
Resources:
Free
Resources:
Free
Resources:
Free
Resources:
Free
Resources:

More Related Content

PPTX
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
PPTX
NOLI ME 1-7.pptxSFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFF
PPTX
408946426-Kabanata-3-at-4-Noli-Me-Tangere-pptx-1.pptx
PPTX
408946426-Kabanata-3-at-4-Noli-Me-Tangere-pptx.pptx
DOCX
hazell
PPTX
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
PPTX
NOLI-ME-TANGERE.pptx
PDF
report-140510065622-phpapp02 (1).pdf
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
NOLI ME 1-7.pptxSFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFF
408946426-Kabanata-3-at-4-Noli-Me-Tangere-pptx-1.pptx
408946426-Kabanata-3-at-4-Noli-Me-Tangere-pptx.pptx
hazell
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
NOLI-ME-TANGERE.pptx
report-140510065622-phpapp02 (1).pdf

Similar to Noli Me Tangere powerpoint presentation.pptx (20)

PPTX
KABANATA 8
PPTX
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
DOCX
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
PPTX
FILIPINO NOLI ME TANGERE BY JOSE RIZAL.pptx
DOCX
NOLI KABANATA 1 TO 49
DOCX
Noli KABANATA 1 TO 49
DOCX
Noli Me Tangere (Filipino
PPTX
Mga Pangunahing Tauhan sa Noli Me Tangere.pptx
PPTX
Nailathala ang noli me tangere (1887)
DOCX
Buod ng noli me tangere
PPTX
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
DOCX
Kabanata
PPTX
PPTX
Kabanata 37
PPTX
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere Power Point Presentation
PDF
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
DOCX
Tungkol kay jose rizal
DOCX
Nolimetangere
PPTX
Buod ng Noli 49- 64
PPTX
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
KABANATA 8
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FILIPINO NOLI ME TANGERE BY JOSE RIZAL.pptx
NOLI KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49
Noli Me Tangere (Filipino
Mga Pangunahing Tauhan sa Noli Me Tangere.pptx
Nailathala ang noli me tangere (1887)
Buod ng noli me tangere
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Kabanata
Kabanata 37
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere Power Point Presentation
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
Tungkol kay jose rizal
Nolimetangere
Buod ng Noli 49- 64
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Ad

More from MarawehsMdj (6)

PPTX
ENG8_Q1_WEEK8_LESSON3 powerpoint presentation.pptx
DOCX
DLL WEEK daily lesson plan for grade 8.docx
PPTX
poem powerpoint presentation in Crea.pptx
PPTX
zoom powerpoint presentation ppt (1) moon.pptx
PPTX
reading exercise the magical rainbow.pptx
PPTX
reading comprehension exercise powerpoint.pptx
ENG8_Q1_WEEK8_LESSON3 powerpoint presentation.pptx
DLL WEEK daily lesson plan for grade 8.docx
poem powerpoint presentation in Crea.pptx
zoom powerpoint presentation ppt (1) moon.pptx
reading exercise the magical rainbow.pptx
reading comprehension exercise powerpoint.pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
ANG PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT IN VALUES 8
DOCX
GMRC 5 Q111111111111111111111111111111111
PDF
Buwan ng Wika 2025 HeadDress Part 1 - 4.pdf
PPTX
Aralin 4 - Indarapatra at Sulayman; Tekstong Biswal; Kasaysayan ng Epiko
PPTX
Grade 5 Quarter 1 Week 6 PowerPT in GMRC
PPTX
kasaysayanngwikangpambansa-171112183006.pptx
PDF
Values Education Learning Answer Sheet Quarter 1 Week 7
PPTX
Pagtitipid_PowerPoint Presentation in values education 8
PPTX
AP8 Q1 Week 3-5 Kabihasnang Olmec.pptx
DOCX
DLL MATATAG _FILIPINO 5 Q1 W3.docx jul1 print.docx
PPTX
Week 1 Kahulugan ng Ekonomiks.pptxxxxxxx
PPTX
530590956-Mga-uri-ng-diin-at-tuldik.pptx
PPTX
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
PDF
south korea kasaysayan , pamahalaan, kaugalian at tradisyon Brochure
PPTX
Pahayag sa Pagbibigay ng PananawPPT.pptx
PDF
Ang-Wikang-Filipino-Sa-Panahon-Ng-Hapon.
PPTX
G5Q1W7 PPT FILIPINO (MATATAG)@Sir Ims.pptx
PPTX
Q1-WEEK-2-Ugnayan-ng-Heograpiya-at-Kultura.pptx
PPTX
Tatlong Uri ng Pangngalang Pambalana - Tahas, Basal at Lansakan
PPTX
PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT PRESENTATION IN VALUES EDUCATION 8
ANG PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT IN VALUES 8
GMRC 5 Q111111111111111111111111111111111
Buwan ng Wika 2025 HeadDress Part 1 - 4.pdf
Aralin 4 - Indarapatra at Sulayman; Tekstong Biswal; Kasaysayan ng Epiko
Grade 5 Quarter 1 Week 6 PowerPT in GMRC
kasaysayanngwikangpambansa-171112183006.pptx
Values Education Learning Answer Sheet Quarter 1 Week 7
Pagtitipid_PowerPoint Presentation in values education 8
AP8 Q1 Week 3-5 Kabihasnang Olmec.pptx
DLL MATATAG _FILIPINO 5 Q1 W3.docx jul1 print.docx
Week 1 Kahulugan ng Ekonomiks.pptxxxxxxx
530590956-Mga-uri-ng-diin-at-tuldik.pptx
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
south korea kasaysayan , pamahalaan, kaugalian at tradisyon Brochure
Pahayag sa Pagbibigay ng PananawPPT.pptx
Ang-Wikang-Filipino-Sa-Panahon-Ng-Hapon.
G5Q1W7 PPT FILIPINO (MATATAG)@Sir Ims.pptx
Q1-WEEK-2-Ugnayan-ng-Heograpiya-at-Kultura.pptx
Tatlong Uri ng Pangngalang Pambalana - Tahas, Basal at Lansakan
PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT PRESENTATION IN VALUES EDUCATION 8

Noli Me Tangere powerpoint presentation.pptx

  • 3. Mga Tauhan ng Noli Me Tangere Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin • Anak ni Don Rafael; kasintahan ni Maria Clara; pangunahing tauhan sa nobela Maria Clara • Kasintahan ni Crisostomo Ibarra; anak-anakan ni Kapitan Tiago; anak ni Pia Alba at ng paring si Padre Damaso Kapitan Tiago o Don Santiago de los Santos • Ama-amahan ni Maria Clara; asawa ni Pia Alba Pia Alba • Asawa ni Kapitan Tiago; hinalay ni Padre Damaso; ina ni Maria Clara Tiya Isabel • Tiya ni Maria Clara at tumulong sa pagpapalaki dito; pinsan ni Kapitan Tiago Don Rafael Ibarra • Ama ni Crisostomo Ibarra; mayaman kung kaya’t labis na kinainggitan ni Padre Damaso Don Saturnino • Lolo ni Crisostomo Ibarra Kapitan Heneral • Pinakamakapangyarihan g opisyal ng Espanya sa Pilipinas Don Pedro Eibarrimendia • Ninuno ni Crisostomo Ibarra na naging dahilan ng matinding kasawian ng nuno ni Elias Padre Damaso Verdolagas • Ninong ni Maria Clara; humalay kay Pia Alba; nagpahukay sa bangkay ni Don Rafael Padre Bernardo Salvi • Kurang pumalit kay Padre Damaso; nagkaroon ng lihim na pagtingin kay Maria Clara Padre Hernando De La Sibyla • Kura ng Tanawan; palihim na sumusubaybay kay Crisostomo Ibarra Pilosopo Tasyo o Don Anastacio • Matalino ngunit tingin ng karamihan ay baliw Donya Victorina de los Reyes de Espadaña • Nagpapanggap na Kastila; asawa ni Don Tiburcio Don Tiburcio de Espadaña • Isang pilay na Kastilang napadpad sa Pilipinas; asawa ni Donya Victorina; nagpanggap na doktor Donya Consolacion • Asawa ng alperes; malupit at masama ang ugali Alperes • Asawa ni Donya Consolacion; lider ng mga gwardiya sibil; kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego Kapitan Pablo • Kapitan ng mga tulisan; tinuturing na ama ni Elias Don Filipo Lino • Ama ni Sinang; Bise- Alkalde Elias • Nagligtas kay Crisostomo Ibarra; anak ng angkang kaaway ng mga ninuno ni Ibarra Sisa • Inang nabaliw sa paghahanap sa dalawang anak; asawa ni Pedro Pedro • Iresponsableng asawa ni Sisa; mahilig sa sugal at lasenggo Crispin • Bunsong anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw; tagapag- patunog ng kampana sa simbahan Basilio • Panganay na anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw; tagapag- patunog ng kampana sa simbahan Linares • Umiibig kay Maria Clara at napiling mapangasawa nito; pinsan ng inaanak ni Padre Damaso Tinyente Guevarra • Tinyente ng gwardiya sibil; kaibigan ni Don Rafael; nagkwento kay Crisosotomo Ibarra tungkol sa sinapit ng kanyang ama Lucas • Taong madilaw; nagtangkang pumatay kay Crisostomo Ibarra Albino • Dating seminarista; kasintahan ni Victoria Andeng • Kinakapatid ni Maria Clara; mahusay sa pagluluto Sinang • Masayahing kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio Kapitana Maria • Pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama; babaeng makabayan Kapitan Basilio • Kapitan sa bayan ng San Diego Sanggunia n
  • 4. Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata Kabanat a 1 Kabanat a 2 Kabanata 3 Kabanat a 4 Kabanat a 5 Kabanat a 6 Kabanata 7 Kabanat a 8 Kabanat a 9 Kabanata 10 Kabanata 11 Kabanat a 12 Kabanata 13 Kabanat a 14 Kabanata 15 Kabanat a 16 Kabanata 17 Kabanata 18 Kabanata 19 Kabanata 20 Kabanata 21 Kabanata 22 Kabanata 23 Kabanata 24 Kabanata 25 Kabanata 26 Kabanata 27 Kabanata 28 Kabanata 29 Kabanata 30 Kabanata 31 Kabanata 32 Kabanata 33 Kabanata 34 Kabanata 35 Kabanata 36 Kabanata 37 Kabanata 38 Kabanata 39 Kabanata 40 Kabanata 41 Kabanata 42 Kabanata 43 Kabanata 44 Kabanata 45 Kabanata 46 Kabanata 47 Kabanata 48 Kabanata 49 Kabanata 50 Kabanata 51 Kabanata 52 Kabanata 53 Kabanata 54 Kabanata 55 Kabanata 56 Kabanata 57 Kabanata 58 Kabanata 59 Kabanata 60 Kabanata 61 Kabanata 62 Kabanata 63 Kabanata 64
  • 5. Kabanat a 1 Ang Pagtitipon Naghanda ng isang magarbong salusalo si Don Santiago de los Santos o mas kilala bilang Kapitan Tiago. Dahil mabuting tao at kilala sa buong Maynila, agad na kumalat ang balita tungkol sa pagtitipong gagawin sa Kalye Anluwagi. Nang gabi ng pagititpon, dumagsa ang mga bisita na iniistima naman ni Tiya Isabel, pinsan ni Tiago. Kabilang sa mga dumalo ay sina Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, mag-asawang Dr. de Espadaña at Donya Victorina, Padre Damaso, at isang kararating lamang na dayuhan sa Pilipinas. Matanong ang dayuhan tungkol sa mga Pilipino, kabilang ang mga Indio. Nang mabanggit ang monopolyo sa tabako, dito nagsalita nang di maganda si Padre Damaso tungkol sa mga Indio. Hinamak niya ang mga ito at iniba naman ni Padre Sabyla ang usapan. Napag-usapan ang pagkakaalis ni Padre Damaso bilang kura-paroko ng San Diego. Sabi ni Damaso, hindi raw dapat nangingialam ang hari ng Espanya sa pagbibigay-parusa sa mga erehe. Sinabi naman ni Tinyente na nararapat lamang ang parusa. Inilahad ni Tinyente ang tunay na dahilan na pagkakalipat niya sa iba pang parokya. Ito raw ay dahil ipinahukay niya ang bangkay ng isang marangal na lalaking napagbintangang isang erehe dahil ayaw lamang mangumpisal. Nagalit naman si Padre Damaso dahil sa sinabi ng Tinyente. Lumapit si Padre Sybila upang pakalmahin ang kapuwa prayle. Naaalala rin kasi ni Damaso ang nawawalang mahahalagang dokumento. Kumalma ang magkabilang panig at umalis na sa umpukan si Tinyente. Nagpatuloy naman ang talakayan at kuwentuhan ng mga bisita noong gabi.
  • 6. Kabanata 2 Si Crisostomo Ibarra Sa pangalawang kabanata ng Noli Me Tangere, naka-pokus ang kwento sa pagpunta ni Kapitan Tiyago at Ibarra sa isang kasaluhan at kasiyahan sa kanyang bayan. Nakipagkamayan si Kapitan sa lahat ng kanyang bisita at panauhin, kasali si Padre Damaso, na biglang namutla ng makita si Ibarra. Pinakilala ni Kapitan si Ibarra bilang anak ng isang kakilala na nag-aral sa Europa. Tinangkang kamayan ni Ibarra si Padre Damaso pero agad itong tumalikod. Si Padre Damaso ay matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra. Dahil sa biglang pagtalikod ni Padre Damaso ay nakaharap siya sa tinyenteng kanina pa namgmamasid sa kanila ni Ibarra. Nag-usap si Ibarra at si Tinyente sinabing ikinagagalak nila na makita siya sa kasiyahan na yun. Halos mangiyak-iyak sa tuwa ang Tinyente habang nag-uusap kay Ibarra. Ayon din sa kanya, kilala ang ama ni Ibarra sa kanyang lubos na kabaitan. Nang nalaman ito, napawi ng binata ang masamang hinala nito sa masamang hinala ng pagkamatay ng kanyang ama.Ng malapit ng maghapunan, inimbita ni Kapitan Tinong si Ibarra ng pananghalian kinabukasan.
  • 7. Kabanata 3 Ang Hapunan Sa kabanata na ito tungkol sa hapunan na dinayuhan ni Ibarra. Sa pagsasalo na ito ay nakita niya si Pari Sybyla at Padre Damaso. Kitang-kita sa pagmumukha ni Pari Sybyla ang kasiyahan niya sa pagdalo, samantala, so Padre Damaso naman ay mukhang banas na banas. Ang lahat ay nagsisiyahan at giliw na giliw sa pagsasalo. Pinupuri ng mga bisita ni Kapitan Tiyago ang mga masasarap na pagkain na kanyang inihanda. Dumalo rin ang Tinyente, na kung saan kinainisan siya ni Donya Victoria dahil sa pagmamasid nito sa kanyang buhok. Umupo si Ibarra sa may kabisera. Sa kabilang dulo naman ng lamesa ay nakikipagtalunan ang dalawang pari kung sino ang tatabi sakanya. Ng inihanda na ang pagkain, nagsimula ng magsalo ang mga panauhin. Nakipag usap si Ibarra sa mga panauhin at kinwento sakanila kung saan ang kaniyang kinaroroonan. Nalaman ng mga kausap ni Ibarra ang kanyang mga napuntahan sa mga nakaraang taon ng kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sinabi niya rin ang kanyang mga natututunan, bukod sa wika, tulad ng iba’t ibang kasaysayan ng bansa ng kanyang pinuntahan.
  • 8. Kabanata 4 Erehe At Pilibustero Nagpatuloy si Ibarra sa kanyang paglalakbay. Isang araw, nabatid niya na di niya na tiyak kung saang destinasyon na siya napadpad. Ito ay hanggang sa nakaabot siya sa may Binundok ng Liwasan. Nakita niya na wala masyadong nagbago; ang dating kanyang kinalakihan ay parehong-pareho pa rin sa dati. Inilaan niya ang kanyang atensyon sa paligid, nagmasid-masid sa kanyang kapaligiran, habang iniisip ang mga alaala niya sa lugar na yun. Naisalaysay ni Tinyente Guevarra ang tungkol sa kanyang ama at ang mapait na sinapit nito. Isang taon bago bumalik si Ibarra sa Pilipinas ay nakatanggap siya ng sulat sa kanyang ama. Binilin ng ama niya na si Don Rafael sa kanya ng isang sulat na nagsasabing di siya dapat mag abala. Kinwento ng tinyente kay Ibarra ang lahat ng detalye sa buhay ng kanyang ama. Kung bakit siya nakulong at maraming galit sa kanya, ang rason ng kanyang pagkabilanggo, ang mga pinaratang sakanya noong siya ay nasa kulungan, hanggang sa kanyang pagkalaya sakanyang mga kaso. Sapagkat nung siya ay dapat ng makalabas, siya ay binawian ng buhay sa loob ng kulungan.
  • 9. Kabanata 5 Pangarap Sa Gabing Madilim Bumaba sa kalesa si Ibarra at nagtungo sa Fonda de Lala. Ito ang tinutuluyan niya tuwing pupunta ng Maynila. Balisang dumiretso si Ibarra sa nirentahang silid at inisip ang kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang ama. Tumanaw ito sa bintana at nakita ang isang maliwanag na tahanan sa kabilang bahagi ng ilog. Mula sa kinaroroonan ay rinig niya ang mga kubyertos at ang tugtugin ng orkestra. Nagmasid-masid ang binata at pinanood ang mga nagtatanghal. Nakita niya ang ilang binibini na may mamahaling suot at mga diyamante at ginto. May mga anghel na nag-aalay ng bulaklak at mga pastol na nakikiisa sa programa. Kita rin niya sa umpukan ng mga tao ang mga Pilipino, Kastila, Intsik, at mga prayle. Ngunit ang mas pumukaw ng kaniyang atensiyon ang binibining si Maria Clara. Nabighani si Ibarra sa angking ganda nito at hindi maiwaglit ang tingin sa dalaga. Nang makita naman ni Ibarra ang mga batang Pransiskano na payat at putlain ay nahabag naman ito. Abala naman noon si Padre Sibyla na makipag-usap sa mga dalaga habang si Donya Victoria naman ay abala sa pag-aayos ng buhok ng napakarikit na si Maria Clara. Dahil pagod sa maghapon, madaling nakatulog si Ibarra at nagising kinabukasan na habang si Padre Salvi naman ay di mawaglit si Maria sa kaniyang isipan.
  • 10. Ang sentro ng paksa sa kabanatang ito ay umiikot sa katauhan at pag-uugali ng pangunahing karakter na si Kapitan Tiyago. Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa lohika sa tulong ng isang Dominikong kaibigan na kanyang pinaglingkuran. Isang tipikal na Pilipino kung ilalarawan ang kaanyuan ni kapitan Tiyago. Ang kanyang hugis ng katawan at maging ang buong pisikal nitong katangian ay hindi maikakaila na siya nga ay isang Indio. Isang dalaga mula Sta Cruz ang napangasawa ni Kapitan Tiyago, siya ay si Donya Pia. Pareho silang masipag sa pag-nenegosyo kaya sila ay yumaman at naging kabilang sa mga prominenteng pamilya sa bayan. Mula noon ay nakagawian na ni Kapitan Tiyago ang kumilos, manamit at mamuhay na para na ring isang Espanyol. Sagrado at deboto siyang katoliko na sumasamba sa lahat ng mga santo. Naging sunod-sunuran din siya sa mga gawain at kagustuhan ng mga banyaga. Ang pagsasama nila nga anim na taon ni Donya Pia ay nabiyayaan ng isang sanggol na babae, pinangalanan itong si Maria Clara. Nasawi ang kanyang kabiyak mula sa panganganak kaya si Tiya Isabel na kanyang pinsan ang naging katuwang niya sa pagpapalaki kay Maria Clara. Kabanata 6 Si Kapitan Tiago
  • 11. Ang kabanata na ito ay tumalakay sa pag-iibigan at pagharap sa isang mahalagang responsibilidad sa buhay. Si Tiya Isabel ay isang deboto ng simbahang katoliko, nakagawian na niya na magsimba tuwing umaga kasama ang pamangkin na si Maria Clara. Pagkatapos ng misa ng araw na iyon ay nagmamdali na umuwi si Maria, bagay na ikinagalit ng kanyang tiyahin. Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi mapakali at aligaga ang dalaga. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang kasintahan na si Ibarra. Halos pitong taon din ang lumipas na hindi nagkita ang dalawang magsing- irog. Dumating nga si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa pag-aalala sa kanilang mga nakaraan mula noong sila ay mga musmos pa lamang. Si Maria ay nagbalik tanaw mula sa kanyang buhay sa Beaterio habang si Ibarra naman ay sa kanyang pag-aaral at pakikipagsapalaran sa Europa. Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra upang mag-aral, ngunit dagli naman itong sinagot ng binata. Lumayo daw siya para gawin ang mga higit na mahalagang bagay, ang pag-aaral para sa kabutihan ng hinaharap ng bayan. Naputol ang kanilang usapan nang biglang maalala ng binata ang kanyang mga yumaong magulang. Dali-dali siyang nagpaalam at umuwi para makahabol sa nalalapit na undas. Kabanata 7 Suyuan Sa Asotea
  • 12. Sa kabanata na ito, ipinakita ni Rizal ang diskriminasyon sa pagitan ng mga dayuhan at mga Pilipino. Ipinahayag din niya kung gaano kabilis ang pag-asenso ng mga Espanyol ay siya namang pagkalugmok sa kahirapan ng Inang Bayan. Habang lulan ng kanyang karwahe ay binagtas ni Ibarra ang Maynila. Nanlumo at nalungkot siya dahil sa kanyang mga nasilayan. Halos walang pinagbago at lalo pang pumangit ang Escolta pagkatapos ng pitong taon na nilisan niya ito. Ang tanawin at alaala ng kanyang bayan na iniwan ay tuluyan nang napabayaan. Maging ang kalagayan ng mga tao ay lalo pang lumala, mas lalong dumami ang bilang ng mga alipin. Kung gaano kagara at kakintab ang mga karwahe ng mga prayle ay siya namang ingay at langitngit ng gulong ng mga kariton na gamit ng mga pobreng Pilipino. Ito ang mga eksena na labis na nagpabigat sa damdamin ni Ibarra. Bahagyang naibsan ang kanyang kalungkutan nang madaanan niya ang Bagumbayan. Dito ay sumagi sa isip niya ang mga aral ng kanyang dating guro na pari. Ang mga aral na ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang isapuso ang pag-aaral at ipamahagi ito lalo na sa mga kabataan na siyang pag-asa ng bayan. Kabanata 8 Mga Alaala
  • 13. Sa kabanata na ito lumabas ang pagiging sunod-sunuran ni Kapitan Tiyago sa kagustuhan ni Padre Damaso, lalo na sa mga usapin tungkol kay Maria Clara. Nakagayak na ang magtiyahin na Donya Isabel at Maria Clara upang pumunta sa Beaterio at kunin ang mga naiwang gamit ng huli. Ilang sandali bago sila umalis ay siya namang pagdating ni Padre Damaso. Magiliw niyang tinanong ang dalaga kung saan sila papunta at nang kanya itong malaman aybiglang nag-init ang kanyang ulo. Dahil dito dali-dali niya hinanap si kapitan Tiyago. Naging mainit ang kanilang usapan hanggang sa umabot na silang dalawa ay nagkasigawan na naging tampulan ng tsismis ng mga pari. Sinabihan niya ang gobernadorcillo na hindi siya sang-ayon sa nakikita niyang pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. Hindi daw sila dapat na magkatuluyan dahil si Ibarra ay isang kaaway. Pinagsabihan din niya si Tiyago na mayroon siyang karapatan sa lahat ng desisyon patungkol kay Maria Clara dahil siya daw ang kanyang tumatayong pangalawang ama. Sa pag-alis ni padre Damaso sa kanilang tahanan ay napa-isip ang matanda tungkol kay Ibarra. Pagkatapos ay pinatay niya ang mga nakasinding kandila na inalay niya sa altar para sa maayos at ligtas na pagbibyahe ni Ibarra. Kabanata 9 Mga Bagay-bagay Ukol Sa Bayan
  • 14. Sa ika-sampung kabanata ng Noli Me Tangere, isinaad dito ang Bayan ng San Diego – na siya ring pamagat ng kabanata. Nag-umpisa ang kabanata sa paglalarawan ni Rizal sa bayan. Napapaligiran ng bukirin ang bayan na siya ring malapit sa lawa at ilog. Kaya naman maraming mga tao ang manghang-mangha sa bayan na ito dahil sa magagandang tanawin dito. Mayroon ring gubat na malapit sa bayan, kung saan nagsimula ang kasaysayan. Sinasabing noong unang panahon ay may isang matandang Kastila ang nagkaroon ng interes sa isang lupa malapit sa kagubatan. Bagama’t walang tunay na nagmamay-ari sa lupa ay nagbigay ang matanda nang kakaunting salapi at mga materyal na bagay tulad ng damit at alahas sa mga taong naninirahan malapit sa lupain. Ilang araw lang ay natagpuang nagpatiwakal ang matanda sa gubat. Maraming haka-haka ang umusbong kung bakit iyon nagawa ng matanda pero walang nakahanap ng tunay na rason. Makalipas ang ilang buwan ay isang binata naman ang dumating sa bayan na nagpakilalang anak nang yumao. Ang kanyang pangalan ay Don Saturnino. Nanirahan siya sa Bayan ng San Diego kung saan siya na rin ay nagkaroon ng pamilya. Ang kanyang anak na si Don Rafael ay siya namang ama ni Crisostomo Ibarra. Kabanata 10 Ang Bayan Ng San Diego
  • 15. Sa naunang kabanata ay ipinakilala ang Bayan ng San Diego pati na rin ang iilan sa pamilya ni Crisostomo Ibarra. Sa kabanatang ito ay magsisimula na ang pag-ikot ng istorya sa bayan. Pinamagatang “Ang Mga Makapangyarihan,” ang kabanatang ito ay ukol sa mga taong tunay na nangingibabaw sa bayan ng San Diego. Mahigpit ang labanan sa kapangyarihan at lakas sa bayang ito. Ang tatay ni Crisostomo na si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan ngunit hindi siya tinaguriang makapangyarihan. Ang kapitan ng bayan naman at pati na rin si Kapitan Tiyago, bagama’t sila ay nasa posisyong namumuno, ay hindi pa rin tinatawag na makapangyarihan. Sa kabila nang kanilang mga salapi at awtoridad, kahit na may iilan pa ring rumerespeto sa kanila, ay masasabing mas marami pa rin silang nakakalaban sa taumbayan. Ang tunay na kinikilalang makapangyarihan ay ang bagong parokyano na pumalit kay Padre Damasao – si Padre Salvi at pati na rin ang pinuno ng mga guwardiya sibil – ang Alperes. Ang dalawang ito ang tinitingala nang lahat at ang tawag sa kanila ay “casique.” Lingid sa kaalaman ng lahat ay ang dalawang ito ay may hidwaan ngunit hindi nila ito ipinapakita lalo sa publiko na maaaring makasira sa imahe nila. Kabanata 11 Ang Mga Makapangyarihan
  • 16. Sa ika-lanbindalawang kabanata ng Noli Me Tangere, isinalaysay rito ang dalawang sepultorero at pinamagatan itong “Araw ng mga Patay.”Ang dalawang sepulturero ay nasa kalagitnaan ng kanilang paghuhukay sa sementeryo ng bayan. Inilarawan ang sementeryo bilang napabayaan na dahil walang taga-pangalaga. Sinasabing may isang krus na nakatirik sa isang bato sa gitna ng libingan. Habang ang dalawang tauhan ay abala sa kanilang paghuhukay disoras ng gabi ay naisipan nilang kwentuhan ang isa’t-isa tungkol sa kanilang mga naging karanasan sa trabaho. Ang mas bata at mas bagong sepulturero ay kanyang sinambit na bagong lipat lamang siya sa bayan dahil hindi niya nakayanan ang mga utos sa kanya sa dating libingan kung saan siya nagtatrabaho, lalong-lalo na ang paghukay ng bago pa lamang kakalibing para ilipat ito sa ibang lugar. Ang sepultorerong may higit na karanasan kaysa sa kanyang kasama ay inilahad naman niya na noon ay may isang bangkay na dalawampung araw palang naililibing na ipinahukay sa kanya. Sariwa pa aniya ang bangkay. Iniutos sa kanya na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik ngunit hindi niya ito nagampanan dahil sa bugso ng ulan. Itinapon niya ang bangkay sa lawa. Napag- alaman rin na isang prayleng nag-ngangalang Pader Garrote and nag-utos. Kabanata 12 Araw Ng Mga Patay/Todos Los Santos
  • 17. Nagtungo si Ibarra sa sinasabing libingan ng amang si Don Rafael kasama ang isang matandang utusan. Sinabi ng matanda kay Ibarra na nagpagawa ng nitso si Kapitan Tyago para sa kanyang ama. Dagdag pa ng matanda, nagtanim daw siya ng bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus. Nakita ni Ibarra ang sepulturero at tinanong kung nasaan ang puntod. Agad na naalala ng sepulturero ang tinutukoy nila Ibarra. Gayunman, sinabi ng tagapaglibing sa dalawa na sinunog niya ang krus at itinapon naman ang mga labi ni Don Rafael sa lawa alinsunod sa utos ni Padre Garrote. Hindi maipinta ang mukha ni Ibarra dahil sa pagkabalisang nadarama, habang naluha naman ang matanda. Hindi niya lubos maisip na mayroong hindi nagbigay ng galang sa bangkay ng ama. Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre Salvi, tangan ang kaniyang baston. Bagaman hindi niya pa nakilala ang pari kailanman, kinompronta niya ito at tinanong kung bakit nilapastangan ang ama. Takot na sumagot si Padre at sinabing nagkakamali si Ibarra. Itinuro niya ang kapuwa prayle na si Padre Damaso. Natauhan si Ibarra at agad na nilisan ang kausap na pari kahit hindi pa ito humihingi ng kapatawaran sa napagbintangang si Padre Salvi. Kabanata 13 Mga Unang Banta Ng Unos (Buod)
  • 18. Kasabay ng pagdalaw ni Ibarra sa puntod ng ama, ay ang pagdalaw din ni Pilosopo Tasyo sa kaniyang namayapang asawa. Pilosopo Tasyo ang tawag nila kay Don Anastacio. Mayaman ang pakalat-kalat na matanda sa lansangan. Sadyang matalino ito at mahusay magsalita. Pinahinto ito ng kaniyang ina sa pag-aaral sa dalubhasaan ng San Jose dahil baka raw malimot na nito ang Diyos sa sobrang talino. Nais kasi ng ina niya na maging pari ito. Sinuway ito ni Tasyo at nag-asawa. Gayunman, isang taon matapos ikasal ay namayapa ang asawa niya. Itinuon na lamang niya ang oras sa pagbabasa at napabayaan ang mga minana. Madilim ang langit at maraming kidlat sa langit. Ngunit sa halip na matakot, masaya pa si Tasyo sa lagay ng panahon. Hiling daw kasi niya na magkadelubyo upang malinis ang sangkatauhan. Nagtungo si Tasyo sa simbahan at nakita ang magkapatid. Sinabihan niya ito na umuwi na dahil may espesyal na hapunang inihanda ang ina nila. Natuwa man ang magkapatid ay nanatili sila sa simbahan. Nagpatuloy sa paglalakad ang matanda hanggang narrating ang bahay nina Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila si Ibarra at ang hinagpis na nararamdaman nito dahil sa sinapit ng ama. Nauwi sa usapang purgatory ang talakayan. Hindi man daw naniniwala ang Pilosopo rito ay gabay naman daw ito upang mabuhay nang malinis. Katulad ng nakagawian, nagpaalam si Tasyo at naglakad kahit madilim ang langit at nagngingitngit ang kilog at kidlat. Kabanata 14 Si Pilosopo Tasyo
  • 19. Ang kinausap na magkapatid ni Tasyo ay sina Crispin at Basilio. Kahit may banta ng bagyo, pinatunog pa rin ng dalawa ang kapmana sa kampanaryo ngunit hindi nila ito napatunog nang tama. Gusto nang makauwi ng dalawa lalo’t sa ibinalita ni Tasyo tungkol sa hapunang inihanda ng inang si Sisa. Pero patuloy sila sa trabaho sa simbahan. Napagbintangang nagnakaw si Crispin. Galit siya sa paratang at ipinagdarasal na magkasakit ang mga prayle. Halagang P32 (dalawang onsa) ang pinababayaran sa magkapatid gayong dalawang piso lang ang sahod nila kada buwan. Hindi nila mababayaran ang ibinibintang na ninakaw nila. Nakapagbitiw si Crispin ng mga salitang sana ay tunay na nagnakaw na lamang umano siya para makapagbayad sa ibinibintang na halaga. Habang nag-uusap ang dalawa, dumating ang sakristan mayor at sinita ang dalawa sa palyadong pagpapatunog sa kampana. Sinabihan din sila na hanggang ikasampu pa sila ng gabi sa simbahan, lagpas na sa ika-9 ng gabing pahintulot upang maglakad sa kalsada. Makikiusap sana si Basilio sa sakristan mayor, ngunit hinila nito ang umiiyak na si Crispin pababa sa simbahan hanggang lamunin ng dilim. Hindi makapaniwala si Basilio sa sinasapit na kalupitan ng kapatid. Gumawa ng paraan si Basilio upang makababa sa kampanaryo. Nang tumila ang ulan, kumuha ng lubid at nagpadausdos hanggang makarating sa simbahan. Nahanap niya ang silid na pinagdalhan sa kapatid ngunit sinarado ang pinto Kabanata 15 Mga Sakristan
  • 20. Si Sisa ang ina ng dalawang tauhan sa simbahan na sina Crispin at Basilio. Naninirahan sila sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan. Mahirap ang pamumuhay nila. Nakapangasawa siya ng isang tamad, sugarol, at hindi responsableng lalaki. Maliban sa wala itong pakinabang, nakatatanggap pa si Sisa ng pagmamalupit sa asawa. Martir si Sisa. Hindi niya alintana ang pananakit at patuloy na sinasamba ang asawa. Isang gabi ay naghanda si Sisa ng isang espesyal na hapunan gaya ng sinabi ni Tasyo. Bihira itong mangyari dahil salat sila sa buhay. Naghain siya ng tuyong tawilis at kamatis na paborito ni Crispin. Tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok para kay Basilio. Gayunman, dahil naipit sa isang pangyayari sa simbahan, hindi makauuwi ang magkapatid para saluhan ang ina. Hindi rin matitikman ng magkapatid ang espesyal na hapunan dahil dumating ang asawa ni Sisa. Inubos ng walang pusong ama ang hapunan at umalis pagkatapos mabusog tangan ang panabok na manok. Dahil sa ginawa ng asawa, naiyak sa sama ng loob si Sisa. Iniisip niya ang masasarap na pagkaing para sa dalawang anak. Masakit man sa damdamin, nagluto ng kanin at nag-ihaw ng tuyo si Sisa para sa mga anak na inaasahang darating. Ngunit lumipas ang ilang oras at wala pa ring Crispin at Basilio na dumarating. Inaaliw niya ang sarili upang hindi mainip. Maya-maya pa ay dumating si Basilio at isinisigaw ang pangalan ng ina. Kabanata 16 Si Sisa
  • 21. Nakarating sa bahay nila si Basilio na may sugat sa noo. Mula iyon sa daplis ng bala mula sa mga guwardiya sibil na humahabol sa kaniya na nais siyang ikulong sa kuwartel. Ipinaliwanag niya sa ina ang nangyari at sinabing nasa kumbento si Crispin. Papayapa na sana ang damdamin ni Sisa nang ibunyag ni Basilio na napagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa ang kapatid. Nahabag si Sisa na nangyari sa bunsong anak. Ipinangako naman niya kay Basilio na walang makaaalam ng tunay na dahilan ng sugat nito sa noo at nakuha lang ito sa pagkakalaglag sa puno. Nabatid rin ni Basilio na dumating sa kanilang bahay ang ama. Nawalan siya ng ganang kumain dahil dito. Alam niya ang pagmamalupit na ginagawa ng ama sa kaniyang ina. Ipinabatid ni Basilio na gusto na niyang mawala na nang lubusan ang kaniyang ama sa kanilang buhay na ikinalungkot naman ni Sisa. Nais pa rin kasi niyang mabuo ang kanilang pamilya. Nakatulog si Basilio dahil sa pagod. Napanaginipan pa rin niya si Crispin na inaalipusta pa rin ng mga pari. Ginising siya ng ina at sinabi rito na ayaw na niyang bumalik sa simbahan. Magpapastol na lamang daw siya ng mga hayop sa bukid ni Ibarra. Kapag nasa hustong gulang na raw ay mag-aararo na lamang sa bukid. Pag-aaralin na lamang daw niya ang kapatid kay Pilosopo Tasyo. Natigilan naman si Sisa sa ginagawa at muling nalungkot dahil hindi kasama ang ama sa mga plano ni Basilio. Kabanata 17 Si Basilio
  • 22. Mababasa sa kabanatang ito kung paano nabulag ang mga tao sa mga maling paniniwala tungkol sa kaligtasan ng mga kaluluwa mula sa Purgatoryo. Matamlay na tinapos ni Padre Salvi ang tatlong misa na kayang inalay. Dahil sa kanyang karamdaman ay hindi niya pinansin ang mga hermana at hermano mayor na naghihintay sa kanya upang siya ay kausapin. Bagkus ay dali-dali siyang nagtanggal ng kanyang sutana at tumuloy sa kanyang silid. Hindi na lang kumibo ang mga debuto sa inasal ng pari. Karamihan sa mga ito ay mga matatanda na siyang naatasang mangasiwa para sa nalalapit na kapistahan. Sa gitna ng palitan ng kanilang mga kuro-kuro ay napag-usapan nila ang tungkol sa usapin ng indulhensiya. Ayon sa kanilang paniniwala, ang taong maraming indulhensiya ang siyang maliligtas ang kaluluwa papunta sa Purgatoryo. Nagmayabang ang bawat isa tungkol sa dami ng kanilang mga naipon para sa kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa. Kabanata 18 Mga Kaluluwang Naghihirap
  • 23. Sa kabanata na ito lantarang ipinakita ni Rizal kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng mga prayle para sirain ang kinabukasan ng mga kabataan. Dalawang lalaki na kapwa nakadamit pangluksa ang tahimik na nagmumuni sa lawa. Ang mga ito ay sina Ibarra at ang guro. Ikinumpisal ng guro na kasama niya ang sepulturero at si Tenyente Guevarra sa pagtapon ng bangkay ni Don Rafael sa lawa. Mula sa kanyang narinig ay hindi nagalit at tumangis si Ibarra. Sa halip, mas lalo siyang nagka-interes sa pagkatao ng nasabing guro. Sinabi rin ng guro kung gaano niya ninais na baguhin ang lumang kairalan sa pagtuturo ngunit siya ay bigo. Habang tumatagal ay nababawasan ang bilang ng mga bata na nag-aaral. Ang silid aralan na kanilang ginagamit ay isang kwadra. Pinag-aaralan ng mga bata ang mga litanya ng dasal sa salitang Kastila. Pinakita rin sa kabantang ito ang marahas na kaparusahan na binibigay sa bawat kamalian ng mga bata. Ayaw ng guro ang ganitong pamamaraan kaya pilit niya itong binago ng patago. Ngunit siya ay inalipusta at pinarusahan ni Padre Damaso sa harapan ng kanyang mga mag-aaral. Nanlumo si Ibarra sa mga tinuran ng guro, ngunit binigyan niya ito ng pag-asa na balang araw mababago rin ang lahat. Kabanata 19 Karanasan Ng Guro
  • 24. Sa kabanata na ito makikita ang kasamaang dulot ng pagkakaroon ng isang pinuno na alipin ng mga dayuhan. Kumpleto na ang mga kasapi na nasa bulwagan para sa gaganaping pulong ng tribunal. Nahati ang mga ito sa dalawang grupo – ang konsertabatibo ng mga matatanda at ang liberal ng mga nakababata. Ang bawat paksiyon ay mayroong panukala para sa nalalapit na kapistahan ng bayan. Ang gusto ng mga konserbatibo ay isang marangya at magarbong kapistahan. Nais nila na maging masaya ang mga alkalde at prayle sa gaganaping na selebrasyon.Gusto ng mga konserbatibo na magdaos ng dalawang araw na kapistahan at bubuksan ang lahat ng bahay pasugalan. Kasabay nito ay ang pagtapon ng mga pagkain sa lawa alinsunod na rin sa tradisyon ni Sila (isang kilalang diktador na Romano). Ang mga mungkahing ito ay sinalungat naman ng mga partido liberal. Ang gusto nila ay isang selebrasyon na ang taong bayan ang mapapasaya at hindi ang mga iilan lamang. Hangarin din nila na ang matitipid na pondo ay gagamitin na lang sa pagpapatayo ng mga silid aralan. Hindi ito sinang-ayunan ng mga konserbatibo dahil malulungkot at magagalit ang mga alkalde at kura kung ganito lang ang gagawin sa kapistahan. Kabanata 20 Ang Pulong Sa Tribunal
  • 25. Kabanata 21 Kasaysayan Ng Isang Ina Si Sisa ay isang larawan ng ina na sadyang mahina at marupok kapag nasa kapahamakan ang kanyang mga anak. Ipinakita ito sa kabantang ito. Mula sa kinatatayuan ay natanaw ni Sisa ang dalawang sundalo na palabas sa kanilang tahanan. Hindi nila bitbit si Basilio, tanging ang inahing manok lamang niya ang kanilang nakuha. Tinanong si Sisa kung nasaan ang kanyang mga anak pati na ang pera na ninakaw ng mga ito. Sinabi niya na hindi pa niya nakikita ang kanyang mga anak, kasabay ng pagtatanggol na hindi sila mga magnanakaw. Pinilit ng mga sundalo na isama si Sisa sa bayan upang humarap sa kura. Dito, naranasan niya ang sobra-sobrang panglalait at pang-aalipusta mula sa mapanghusgang mata ng mga taong bayan. Pakiramdam niya ay parang mamamatay na siya sa kahihiyan. Nang makarating siya sa kwartel ng mga sundalo, siya ay paulit-ulit na tinanong. Muli, pinasinungalingan niya lahat ng mga paratang sa kanila. Dahil dito, hindi naglaon ay nagdesisyon ang kura na pauwiin siya.Sa kanyang pag-uwi ay nakakita siya ng maliit na pilas ng damit ni Basilio na mayroong bahid ng dugo. Siya ay labis na nabahala dahil ang lugar na iyon ay malapit sa bangin. Dahil sa mga pangyayaring ito ay tuluyan nang tinakasan ng bait si Sisa at siya ay namuhay bilang isang palaboy.
  • 26. Kabanata 22 Dilim At Liwanag Ang kabanatang ito ay tungkol sa pag-uwi ni Maria at ng kanyang Tiya Isabel sa tahanan ng San Diego dahil sa pistang darating. Ang pag-uwi ni Maria ay naging salita ng tahanan sapagkat ilang taon rin siyang di nakakapag-uwi sa bayan niyang sinilangan. Si Maria ay napamahal na sa mga taong bayan dahil sa taglay nitong bait at kagandahan. Kaibigan at kilala niya halos lahat ng kanyang mga kapitbahay at kababayan. Lahat ng mga taga San Diego ay nag-aabang sa kanyang pag-uwi dahil labis nilang kinagigiliwan ang dalaga. Mas pinag-uusapan ang dalaga dahil simula ng pagbalik nito ay napapadalas ang pagbisita at pagsama ni Ibarra sa kanya. Sapgakat, niyaya ni Ibarra si Maria sa isang piknik kinabukasan. Natuwa naman si Maria sa kanyang imbitasyon at agad pumayag sa pamamasyal na inalok ng binata. Ngunit sa pagbabalik ng dalaga sa bayan, di maiwasan ng mga tao sa San Diego ang kakaibang kilos ni Padre Salvi. Napansin din ng dalaga ang pagbabago ng kilos ni Padre Salvi at sinabi ito sa kasinatahan at kababata niyang si Ibarra. Sinabi niya kay Ibarra ang kanyang napansin at nakiusap na kung pwede sila lamang dalawa ang sasama sa piknik at di na papuntahin ang mga kura. Subalit sa mga nangyayari sa bayan ng San Diego, pinaintindi ni Ibarra sa dalaga na kailangan nila isama ang kura sa kanilang mga pasyang lakad, dahil din sa ikabubuti nila. Nahinto ang kanilang kwentuhan ng bigla namang nagpakita si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa upang sila ay maiwan at makapag-usap.
  • 27. Kabanata 23 Ang Pangingisd a Sa kabanata na ito pinapakita ang isa sa mga araw ni Maria sa pag-uwi niya sa bayan ng San Diego. Kaagapay niya ang mga matatalik niyang kaibigan na sina Iday, Victoria, Sinang, at Neneng sa may dalampasigan at nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Yun ay madaling araw at may mga ilang kabataan, kadalagahan, at ilang matatandang babae ang naglalakad papunta sa mga bangka na nakaparada sa dalampasigan. Sila ay may dala-dalang mga pagkain. Sumakay sila sa bangka. Tig- iisang bangka ang mga dalaga dahil lulubog ang bangka kung sila lahat ang sasakay. Bawat dalaga ay may kasamang binata. Si Maria at Ibarra ay magkasama, samantala si Victoria naman at si Albino.Sinagwan ang dalawang bangka papunta sa dagat ng isang lalakeng nagngangalang Elias. Siya rin ang nagsilbing piloto ng mga bangka. Sila ay masayang nagmasid-masid sa lawa. Nagpatugtog naman si Maria at umawit ng Kundiman. Masaya ang lahat sa piknik ng biglang nakahagilap si Elias ng isang buwaya. Pinagtulungan ni Elias, Ibarra, at ng ibang binata ang pagpatay sa buwaya. Pinasalamatan naman ni Elias si Ibarra sa pagsagip ng buhay niya. Ng matiwasay na ang lahat, nagpatuloy ang magkakaibigan sa pangingisda at sa piknik.
  • 28. Kabanata 24 Sa Kagubata n Sa kabanatang ito ay nasa kalagitnaan pa rin ng piknik ang magkakaibigan na sila Ibarra, Maria, Victoria, Iday, Elias, Sinang, at Albino. Sa parehong araw rin na yun ay maaga natapos ang misa ni Padre Salvi at nakapag-almusal siya agad. Habang nag-aalmusal, bigla siyang nakatanggap ng liham at biglang nawalan ng gana. Tumungo siya sa gubat. Ng makarating siya doon, pinauwi niya na ang kanyang sinasakyan. Naglakad siya sa gubat ng nakarinig siya ng mga boses. Dahan-dahan siyang lumapit sa isang malaking puno. Nakita niya sa may ilog ang tatlong dalaga na sina Maria, Victoria, at Silang na nagkukwentuhan at nagtatampisaw sa tubig ilog. Maiging nagtago si Padre Salvi upang pagmasdan ang mga dalaga. Ilang minuto ay napagpasyahan niyang umalis na at hinanap ang mga kalalakihan. Pagdating ng tanghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpipiknik. Binanggit ni Padre Salvi na nagkasakit si Padre Damaso kaya di ito nakapagsama. Maya-maya ay dumating si Sisa at napag-usapan ang mga nawawala niyang anak. Sa pagdidiskusyon nito, napunta sa matinding pagtatalo si Don Felipo at Padre Salvi. Iniwan ni Ibarra ang dalawa na nagtatalo at pumunta sa mga kaibigan niya na naglalaro ng Gulong ng Palad. Ng naituro ng Gulong si Ibarra, tinanong sa kanya kung natupad na ba ang binabalak nito. Agad naman siyang sumang-ayon dahil malapit na itatayo ang bahay-paaralan na kanyang pinaplano. Inilahad niya ang kasulatan at binigay ito kay Maria at Sinang. Ng makita ito ni Padre Salvi, agad niya iyong kinuha at pinunit dahil makasalanan ang nasa loob ng kasulatan na yun. Nagalit ang lahat at pinaalis ang kura. Ilang sandali lg dumating ang Gwardya Sibil at Sarhento at dinakip si Ibarra at Elias sa pananakit umano kay Padre Damaso.
  • 29. Kabanata 25 Sa Bahay Ng Pilosopo Nagtungo si Ibarra sa tahanan ni Pilosopo Tasyo. Nais niya kasing isangguni ang binabalak niyang pagtatayo ng paaralan sa kanilang bayan. Nakita niyang abala ang matanda sa sinusulat nito. Gayunman, si Tasyo na mismo ang huminto sa ginagawa at sinabing ang susunod na henerasyon pa naman daw ang makauunawa at makikinabang sa kanyang isinusulat. Binuksan ni Ibarra ang kaniyang plano sa Pilosopo. Sinabi ng matalinong matanda na hindi dapat sa kaniya isinasangguni ang mga plano, bagkus sa mga makakapangyarihang tao tulad ng mga kaparian sa simbahan. Sumagot si Ibarra na ayaw na umano niyang mabahiran ng kabuktutan ang maganda niyang hangarin. Mauunawaan umano siya ng pamahalaan at taumbayan dahil maganda ang kaniyang hangarin. Sinalungat naman siya ni Tasyo at sinabing mas makapangyarihan pa ang simbahan kaysa pamahalaan. Kung nais dawn i Ibarra na magtagumpay sa kaniyang mga plano, marapat daw na padaanin ito sa simbahan na siyang may hawak sa lahat, kabilang ang pamahalaan. Iba naman ang pananaw ni Ibarra. Pagkat galing sa Europa, naniniwala siya sa kapangyarihan ng pagiging liberal. Muli naman siyang sinalungat ng matanda at sinabing hindi angkop sa bansa ang kaisipang mula Europa. Tulad ng isang halaman, kailangan din daw yumuko ni Ibarra sa hangin kapag hitik na ang bunga nito upang manatiling nakatayo nang matatag. Payo pa ng matanda, hindi karuwagan ang pagyuko sa kapangyarihan. Hindi man aminin, ngunit napapaisip si Ibarra sa tinuran ng matandang Pilosopo. Bago umalis, nag-iwan pa si Tasyo ng salita kay Ibarra na kung hindi man siya magtagumpay sa plano nito, ay may uusbong na sinuman upang magpatuloy ng kaniyang mga nasimulan.
  • 30. Kabanata 26 Bisperas Ng Pista Abala ang buong San Diego dahil sumapit na ang ika-sampu ng Nobyembre. Hudyat na ng bisperas ng kapistahan. Kaniya-kaniyang gayak ang mga may-kayang pamilya sa lugar katulad ng pagdedekorasyon ng kanilang mga tahanan at paglalagay ng mga palamuti at mamahaling mga kagamitan. Hindi mawawala sa pista ang masasarap na pagkain tulad ng mga kakanin, minatamis, at mga mamahaling alak mula Europa. Imbitado rin ang mga mamamayan mula sa kalapit na bayan upang matunghayan ang mga pagtatanghal. Panay naman ang pagpapaputok, pag-iingay ng batingaw, at pagtatanghal ng mga musiko upang gawing mas masaya ang pagdiriwang. Siyempre, hindi mawawala ang misa na pinangunahan ni Padre Damaso. Ang mga magsasaka at ibang manggagawa ay inialay na ang kanilang pinakamagagandang ani sa kanilang mga amo. Samantala, habang abala ang lahat sa pista, abala rin si Ibarra sa pagpapatayo ng kaniyang paaralan. Hango ang disenyo nito sa mga paaralan sa Europa. Hiwalay din ang lalaki sa babae. May malaking bodega at hardin rin ito. Gastos ni Ibarra ang lahat ng ginasta sa paaralan. Tumanggi siya sa tulong na alok ng mga mayayaman at mga pari sa pagpapatyo ng paaralan. Marami ang humanga sa ginawang ito ni Ibarra. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay marami din ang hindi natuwa at palihim na nagtanim ng sama ng loob sa kaniya.
  • 31. Kabanata 27 Sa Pagtatakipsili m Si Kapitan Tiago ang isa sa mga may malalaking handaan para sa pista. Sinadya niyang magparami ng handa dahil nagpapasikat ito kay Ibarra na kaniyang mamanugangin. Tanyag kasi si Ibarra sa Maynila at nailalathala pa sa mga pahayagan. Iba’t iba ang mga handa at produktong dumarating sa bahay ni Tiago bago pa man ang bisperas ng pista. At nang makarating sa tahanan at makita ang anak, binigyan ni Tiago si Maria Clara ng isang agnos na mayroong diyamante at Esmeralda bilang pasalubong. Dumating na rin si Ibarra para makita ang mag-ama. Mayroong mga nag-aya kay Maria na mamasyal na pinahintulutan naman ni Tiago. Inaya rin ni Kapitan si Ibarra na sa kanila na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso ngunit tumanggi ito. Sumama naman si Ibarra sa katipang si Maria sa pamamasyal kasama ang mga kaibigan ng dalaga. Nang makarating sa plasa, nakita nina Maria ang isang lalaking ketongin na umaawit sa tugtog ng kaniyang gitara. Habang pinandidirihan ng lahat ang ketongin, naawa si Maria dito at iniabot ang pasalubong na mamahaling agnos ng ama. Sa tuwa, lumuhod sa pasasalamat ang ketongin. Maya-maya pa ay dumating naman si Sisa. Itinuro nito ang kampanaryo at sinabing naroon ang anak na si Basilio. Itinuro din niya ang kumbento at sinabing naroon ang anak na si Crispin. Umalis din agad si Sisa, gayundin ang matandang ketongin. Namulat sa katotohanan si Sisa na napakarami palang mahihirap sa kanilang bayan.
  • 32. Kabanata 28 Mga Sulat Katulad ng inaasahan, nailathala sa mga pahayagan sa Maynila ang magarbong pagdiriwang ng pista sa San Diego. Napasama sa balita ang marangyang paghahanda sa pista, ang mga makakapangyarihang tao, mga pagtatanghal, at ang pangangasiwa ng mga pareng Pransiskano sa pista. Nabalita ang pagkaroon ng prusisyon ng mga santo at santa sa buong bayan. Nagkaroon din ng mga pagtatanghal tulad ng komedya na labis na ikinaaliw ng mga pari dahil sa wikang Kastila ito ginawa. Mayroon din namang pagtatanghal para sa mga Pilipino. Hindi rin nawala ang pagtatanghal ng mga musiko. Mayroong dalawang bandang nagtanghal noong bisperas ng pista na simbolo ng karangyaan noon. May sayawan din kung saan nakita ng marami ang pagsayaw ni Kapitan Tiago. Manghang-mangha naman ang karamihan sa angking kagandahan ni Maria. Gayunman, nababalot ng lungkot si Maria dahil ilang araw na niyang hindi nasisilayan si Ibarra. May sakit kasi ito. Kaya minarapat ng kasintahan niyang sulatan ang binata. Ayon sa sulat ni Maria na inihatid ni Andeng sa kanilang bahay, patuloy daw ang pagdadasal ng dalaga para sa katipan. Ipinagtirik pa ni Maria si Ibarra ng kandila sa simbahan para sa paggaling nito. Ikinuwento rin ni Maria ang sapilitang pagtugtog at pagsayaw niya sa sayawan na siya namang ikinayamot niya. Sinabi rin ni Maria na imbitahan siya ni Ibarra sa oras na bubuksan na ang kaniyang ipinagawang paaralan.
  • 33. Kabanata 29 Ang Umaga Sa mismong araw ng kapistahan, abala ang mga tao sa San Diego. Nagising sila nang maaga dahil sa tunog ng kapamana at mga paputok. Naggayak ang mga maykayang mamamayan ng kanilang pinakamagagarang damit at pinakamahal na mga alahas at palamuti. Kapansin-pansin naman na hindi nagpalit ng kasuotan si Pilosopo Tasyo. Binati siya ng tinyente ngunit sinagot siya ni Tasyo. Sinabi nito na paglulustay lamang ng pera at oras ang kasiyahang katulad ng pista. Isang uri lamang daw ito ng pagpapakitang tao. Dagdag pa niya, mas maraming dapat pagtuunan ng pansin na mas mahahalagang bagay kaysa sa pista. Sumang-ayon naman si Don Filipo sa sinabi ng matanda. Gayunman, wala siyang lakas ng loob na sumalungat sa mga pari. May sakit naman si Padre Damaso na dapat magmimisa sa araw na iyon. Tumanggi na siya sa pagbibigay ng sermon ngunit pinilit siya ng ibang pari dahil siya lamang umano ang nakapagbibigay ng aral sa mga taga-San Diego. Dahil doon, agad na nagpapahid ng langis at nagpahilot si Damaso upang guminhawa ang pakiramdam. Saktong alas-otso ng umaga nang magsimula ang prosisyon ng mga santo. Kahit sa pagprusisyon, mababatid ang pagkakaiba-iba ng antas ng mga mamamayan. Sa suot na abito ay malalaman agad kung sino ang mararangya at hindi.Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago. Naroon ang alkalde, si Kapitan Tiago, si Maria Clara, at si Ibarra.
  • 34. Kabanata 30 Sa Simbaha n Dahil araw ng pista, punong-puno ng tao ang simbahan. Dahil siksikan, nararamdaman ng lahat ang init sa loob. Gayunman, walang patid ang dagsa ng mga tao na nagbabayad rin ng halagang dalawang daan at limampung piso. May paniniwala kasi noon na marapat nang magbayad ng malaking halaga para sa misa kaysa sa mga panooring komedya. Maaari ka raw kasing dalhin sa langit ng misa, di katulad ng mga komedya na sa impyerno raw ang tungo. Matagal bago nakapagsimula ang misa. Wala pa kasi ang alkalde na sinadyang magpahuli upang mapansin ng lahat. Ilang sandali pa ay dumating na ito, suot ang limang medalya na sumisimbolo sa kaniyang posisyon. Ito na rin ang naging hudyat para magmisa si Padre Damaso kahit hindi maganda ang pakiramdam. Kasama niya sa harap ng altar ang dalawang sakristan at iba pang pari katulad ni Padre Sabyla. Pagpanhik ni Padre Damaso sa pulpito, nag-umpisa ang sermon niya. Gayunman, tanging masasakit na salita at panlalait ang sinabi ni Padre Damaso sa kapuwa pari si Padre Martin na siyang nagmisa sa bisperas ng pista na si Padre Manuel Martin. Aniya, higit na mas mahusay naman siyang magmisa kaysa kay Padre Martin. Inutusan naman ni Damaso ang kasamang prayle na buksan ang kuwaderno upang makakuha na ng tala at opisyal na umpisahan ang misa para sa kapistahan.
  • 35. Kabanata 31 Ang Sermon Sa kabanatang ito inilarawan ni Rizal ang mga taong nagpapakabanal sa likod ng kanilang mga masasamang gawain sa loob mismo ng simbahan. Isang malaking kamalig ang inayusan upang magsilbing simbahan para sa misa ng kapistahan. Maagang nagsidatingan ang mga panauhin at opisyal ng bayan upang masilayan ang buong misa at makinig sa banal na salita. Maging ang mga ordinaryong tao ay hindi rin nagpahuli upang makinig sa sermon na ibibigay ng predikador. Mayroong nakalaan na lugar at upuan ang mga prominenteng tao habang nakasalampak naman sa sahig ang mga mahihirap. Buong tiyaga na hinintay ng lahat ang matagal na pagdating ng panauhing pandangal ng misa. Ito ay walang iba kundi si Padre Damaso. Sa paglalakad ng pari papunta sa altar ay isa-isa niyang binati ang mga taong malalapit sa kanya. Binati rin niya si Ibarra, kinindatan niya ito at sinabihan na hindi daw niya ito nakakaligtaan sa lahat ng kanyang panalangin.
  • 36. Kabanata 32 Ang Panghugo s Sa kabanatang ito matutunghayan kung paano gamitin ni Padre Damaso ang kanyang posisyon at at simbahan para takutin at alipustahin ang mga Indio. Gamit ang wikang Kastila, Latin at konting Tagalog, nagbigay ng sermon si Padre Damaso. Itinuon ng pari ang kanyang mensahe tungkol sa mga kaluluwa sa Purgatoryo. Maging ang mga makasalanang Indio, araw ng paghuhukom,at ang ang hindi magandang asal ng mga taga Maynila ay kanyang binigyang pansin at diin din. Dahil sa kanyang itinuro, tumayo ang isang batang Manilenyo at tuluyang lumabas ng simbahan. Si Ibarra naman ay buong tapang na nagtitimpi sa isang sulok dahil alam niya na siya ang isa sa mga pinatataman ng pari. Anumang gawing sigaw at kumpas ni Padre Damaso ay hindi pa rin niya napigilan ang mga tao na makatulog sa haba ng kanyang litanya. Sadyang madami ang nawalang ng interes na makaintindi sa kanya. Marami sa mga panauhin ang umuwing nadismanya dahil sa hindi naintindihang sermon ng pari.
  • 37. Kabanata 33 Malayang Kaisipan Sa kabanatang ito, unti-unting tinatanggalan ng maskara ni Rizal ang mga taong mayroong masamang hangarin kay Ibarra. Pinapakita niya ang kanilang mga patago at masamang mga hangarin. Maagang inihanda ang kabriya para sa espesyal na seremonya na gaganapin sa bayan. Kasabay dumating ng bandang musiko ang alkalde, mga ibang pinuno ng bayan, at mga prayle maliban kay Padre Damaso. Sa okasyong ito pinasinayanan ang lugar kung saan ipapatayo ang bagong paaralan. Kasama si Ibarra sa mga panauhin dahil isa siya sa mga nagpadaulo ng nasabing proyekto. Pagkatapos mabasbasan at maihulog ang panulukang bato ay isa-isang naglagay ng kusarang halo ang mga panauhin. Inumpisahan ito ng alkalde hanggang makarating ang turno ni Ibarra. Bago bumaba sa hukay si Ibarra upang ilagay ang bato ay biglang nakalas ang mga kawayan ng kabriya at dumagundong ang lupa sa hukay. Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Ibarra. Dito sumagi sa isip ni Ibarra ang babala na ibinigay ni Elias sa kanya.
  • 38. Kabanata 34 Ang Pananghalia n Ipinakita sa kabanata na ito ang buong kuwento sa likod ng trahedyang nangyari sa seremonyas ng panulukang-bato. Katatapos gumayak ni Senyor Crisostomo Ibarra nang dumating ang hindi inaasahang panauhin. Ito ay ang misteryosong si Elias. Hindi pa man nakapagsasalita ang huli ay ipinaabot na kaagad ni Ibarra ang kanyang pasasalamat. “Kulang pa po iyon” mapagkumbabang ganti naman ni Elias. Sa hindi kalaunan ay nag- umpisa na siyang magkwento tungkol sa mga nalalaman niya sa binata. Pinaalalahanan niya si Ibarra na mag-ingat sa mga kaaway na nakapaligid lagi sa kanya. Sinabi din niya na hindi aksidente ang nangyaring pagkalas ng kabriya. Sa halip, ito ay sadyang nakalaan para sa kanyang tiyak na kapahamakan. Tinutulungan ni Elias si Ibarra bilang pagtanaw sa lahat ng kabutihan ng yumaong si Don Rafael. Dahil sa mga ikinumpisal ni Elias ay tinanong niya ito kung kailan sila magkikita muli. Marahan naman itong sinagot ni Elias na “andito lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko”.
  • 39. Kabanata 35 Ang Usap- Usapan Sa ika-35 na kabanata ipinakita ang labis na kasamaan sa puso ni Padre Damaso. Ito ang naging dahilan upang umabot sa sukdulan ang galit ng binatang si Ibarra. Napuno ng sigla at kasiyahan ang idinaos na piging sa bayan. At kagaya ng karaniwang pangyayari ang mga dumalo ay nahahati sa dalawang grupo. Ang samahan ng mga matatandang babae at lalaki at ang grupo ng liberal. Napawi ang masayang usapan nang biglang dumating ang pamosong Pransiskanong pari. Sa bungad na salita pa lamang ng pari ay hindi na kagandahan ang lumabas sa bibig nito. Walang habas niyang inalipusta ang pagkatao ni Ibarra maging ang alaala ng kanyang yumaong ama na si Don Rafael. Dahil dito, ang nanahimik at nagtitimping si Ibarra ay tumayo at sinunggaban si Padre Damaso. Dala ng kanyang edad at mabigat na pangangatawan hindi na nakuhang lumaban ng pari. Kung hindi inawat ni Maria Clara ang kaguluhan, marahil ay tuluyan nang napatay ni Ibarra si Padre Damaso.
  • 40. Kabanata 36 Ang Unang Suliranin Sa kabanatang ito ay ipinakita ang tapang ni Ibarra na siyang unti- unting gumising sa diwa ng kanyang mga kasamahan sa liberal. Mabilis na kumalat ang nangyaring kaguluhan sa bayan. Nahati ang saloobin at paniniwala ng mga taong bayan. Mula sa panig ng mga nakababata ay labis ang paghanga nila sa katapangan na ginawa ni Ibarra. Masaya sila at nakaganti na rin sila sa pagsampal ng pari sa isang binatang Manilenyo. Samantala, ang mga nakatatandang babae ay nagkaroon ng agam-agam at takot. Baka daw magaya sa pag-uugali ni Ibarra ang kanilang mga anak kapag ipinadala rin nila ang mga ito sa Europa. Ang mga iba naman kagaya ni Kapitana Maria ay buong tapang na ipinagtatanggol si Ibarra. Ang pangyayaring ito ang nagbigay ng hudyat sa grupo ni Don Filipo (samahan ng liberal) upang sila ay magkaisa at manindigan. Hinikayat niya ang kanyang mga kasapi upang magkaisa kagaya ng ginagawa ng mga saserdote.
  • 41. Kabanata 37 Ang Kapitan- Heneral Nang dumating ang Kapitan Heneral, hinanap niya agad si Ibarra. Ngunit ang nakita niya ang binatang taga-Maynila na lumabas habang nagmimisa si Padre Damaso na naging dahilan para pagalitan siya nito. Kinausap ni Kapitan ang binata na kanina pa balisa. Nang matapos ang kuwentuhan nila, nakangiti na ang binata, senyales ng kabutihan ng Kapitan. Pagkatapos ay dumating ang mga pari ngunit wala si Padre Damaso. Nagbigay galang sila sa Heneral. Naroon din sina Maria at Tiago at napansin ng Kapitan. Pinapurihan niya si Maria dahil sa pamamagitang ginawa nang makabangga sina Ibarra at Damaso. Maya-maya pa, dumating na si Ibarra. Ipinaalala naman ni Padre Salvi na exkomunikado na si Ibarra ngunit di siya pinansin nito. Nag-usap sina Ibarra at Kapitan at pinuri siya nito sa ginawang pagtatanggol sa alaala ng ama. Nang matapos mag-usap, binilinan ng Kapitan na papuntahin ni Ibarra si Tiago para kausapin din. Nag-usap ang dalawa habang si Ibarra naman ay nagtungo kay Maria. Gayunman, hindi sila nakapag- usap dahil papunta na sa dulaan ang dalaga.
  • 42. Kabanata 38 Ang Prusisyon Ang mga paputok at batingaw ang hudyat na nag-umpisa na ang prusisyon. Nakasilip ang marami na may hawak na parol. Kasama sa paglalakad sina Kapitan Heneral, Kapitan Tiago, alkalde, alperes, at mga kagawad. Nangunguna sa prusisyon ang mga sakristan kasunod ang mga guro, mag-aaral, at mga agwasil na nagpapanatili nang maayos na pila. Ipinrusisyon ang santo nina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalema, San Diego de Alcala, at poon ng Birheng Maria. Nang marating ang kubol na ipinagawa ng Kapitan Heneral sa tapat ng kanilang bahay na pagdarausan ng tulang papuri o loa sa pinatakasi ng bayan, huminto ang karo. Isang batang may pakpak ang lumabas at sinimulan ang pagpupuri sa wikang Latin, Espanyol, at Tagalog. Sumunod naman ay umawit si Maria Clara ng Ave Maria. Nabighani ang lahat sa tinig ng dalaga lalo na si Ibarra. Napukaw lang ang atensiyon nito nang kausapin siya ng Kapitan Heneral tungkil sa pagkawala nina Crispin at Basilio.
  • 43. Kabanata 39 Si Donya Consolacion Kabiyak ng dating kawal at ngayon ay isang alperes si Donya Consolacion. Gusto niyang magmukhang taga-Europa kaya panay ang paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita ng wikang Kastila. Sa kaniyang paningin, ay siya ang pinakamagandang babae sa San Diego at mas maganda pa kay Maria Clara. Dating labandera lamang ang ginang at umangat sa buhay dahil sa alperes. Gayunman, mababakas pa rin sa kaniya ang kawalan ng edukasyon. Noong araw ng prusisyon, iniutos ng Donya na isara ang kanilang bahay dahil hindi ito pinayagang magsimba ng asawa niya. Hindi maganda ang trato sa kaniya ng kabiyak na ikinahihiya siya at lantarang minamaliit. Nainis siya nang marinig ang pag-awit ni Sisa na nakakulong sa kuwartel. Inutusan niya sa wikang Kastila si Sisa na umakyat ngunit di siya sinunod nito. Nagalit ang Donya at kinuha ang latigo ng asawa at inihampas kay Sisa. Inutusan itong kumanta at sumayaw, at kapag hindi sumusunod ay latay ang inaabot ni kay Consolacion. Nahubaran pa si Sisa dahil sa pagmamalupit ng Donya. Nakita ito ng asawa at inutusan ang mga kawal na bihisan at pakainin si Sisa kasabay ng paggamot sa mga sugat dahil ihaharap pa ito kay Ibarra bukas.
  • 44. Kabanata 40 Ang Karapatan At Lakas (Buod) Nang sumapit ang ika-10 ng gabi, nag-umpisa na ang pagpapaputok ng kuwitis. Hudyat din ito na umpisa na ang dula. Naroon si Tinyente at Pilosopo Tasyo na nag-uusap tungkol sa pag-ayaw ni Don Felipo sa kaniyang tungkulin. Dumating ang mga tanyag na tao sa San Diego at nag-umpisa na ang palabas sa pangunguna nina Chananay at Marianito ng “Crispino dela Comare.” Lahat ay abalang manood sa dula maliban kay Padre Salvi na si Maria ang pinanonood. Dumating naman si Ibarra na ikinagalit ng Padre. Ipinag-utos nit okay Don Filipo na paalisin ang binata pero di niya iyon magawa dahil ang-abuloy nang malaki si Ibarra. Dahil sa inis, ang pari na lang ang umalis. Nagsabi si Ibarra na aalis sandali. Maya-maya ay may lumapit na guwardiya sibil kay Don Filipo na ipinahihinto ang dula dahil di raw makatulog ang alperes at si Donya Consolacion. Di pumayag ang Don. Pinagtangkaang pigilin ang musiko ng dula at nag-umpisa ang gulo dahil doon. Nakabalik na si Ibarra at hinagkan si Maria. Naibalita naman agad kay Salvi ang nangyari. Nagkapangitain si Padre Salvi tungkol kay Maria na nawalan ng malay at agad siyang bumaba sa kumbento pero walang tao. Kabang-kaba ang pari.