SlideShare a Scribd company logo
1. _et_p_r_ - Metapora 
2. _im_l_ - Simile 
3. _et_ni_ya - Metonimya 
4. Si_ekd_k_ - Sinekdoke
5. Ha_pe_b_l_ - Hayperbole 
6. _u_em_s_o - Eupemismo 
7. Pe_son_pi_asyo_ 
Personipikasyon
8. P_n_w_ga_ - Panawagan 
9. Pa_i _aya - Pahiraya 
10. _n_ite_is - Antitesis 
11. _ro_y_ - Ironya
12. _ar_d_k_ - Paradoks 
13. O_s_m_r_n 
Oksimoron 
14. _no_a_o_ey_ 
Onomatopeya
Pagsasalin ng Tayutay
Ano ba ang tayutay?
“Ang Tayutay ay isang paglayo sa 
karaniwang kayarian ng wika upang 
makapagbigay ng sariwa, naiiba at 
kasiya-siyang pagpapahayag at 
pagbibigay –katuturan sa tulong ng 
paghahambing ng dalawang bagay 
na magkaiba ngunit napagtutulad sa 
isa’t-isa” 
-Ongoco (Plorante at Laura1988:46)
Ang tayutay ay hindi mabulaklak 
na paggamit ng wika hundi 
masining na pagpapahayag . 
-Ongoco
Kung ang panulaan ay hitik sa mga tayutay, 
kakailanganin ng isan baguhang 
tagapagsalin o ng isang nagbabalak 
magsalin na magkaroon ng mga batayang 
kaalaman sa partikular na aspetong ito ng 
wika.
Sa Simpleng pag papakahulugan 
ang tayutay ay isang anyo ng 
paglalarawan na kaiba sa 
karaniwang paraan ng pananalita; 
maaaring patalinghaga na hindi 
literal ang kahulugan ng mga 
salita.
Uri ng Tayutay 
METAPORA AT SIMILE 
• 3 Batayang Katanungan 
– Ano ba ang Metapora? Ang Simile? Ano ba 
ang mga gamit nito? 
– Paano ba nagkakatulad at nagkakaiba-iba ang 
mga ito? 
– Ano ba ang kaugnayan ng mga ito sa 
pagsasaling-wika?
Ano ba ang Metapora? Ang Simile? 
Ano ba ang mga gamit nito? 
• Mga tayutay na ang isang bagay, tao o hayop, 
ay inihahambing, itinutulad o ipinapalit sa 
ibang bagay, tao o hayop. Ang paggamit ng 
mga tayutay ay nagbibigay ng makulay at 
mabisang pagpapakahulugan sa diwa o 
mensahe na ibig nating ipahatid sa ating 
kapwa.
Ayon kay Newmark (AT 1988:84) 
• “The purpose of metaphors (and similes) is to 
liven up other types of texts, to make them 
more colorful, dramatic, and witty, notoriously 
in journalism.”
Paano ba nagkakatulad at 
nagkakaiba-iba ang mga ito? 
• Kapwa naghahambing ang metapora at 
simile. 
• Nagkakaiba lamang ang mga ito sa dahilang 
sa simile ay gumagamit ng mga kataga o 
pariralang “tulad ng, gaya ng, animo’y, 
parang, para ng, kawangis ng, tila, (ka)sing-,” 
atbp.
Ayon kay Newmark (AT 1988:84) 
• Similes are more precise, more restricted 
and usually less radical, less committed 
than metaphors, since they limit the 
resemblance of the “object” and its 
“image”. Thus they are generally easier to 
translate than metaphors.
Pansinin na malimit na ang 
metapora ay nagagawang simile o 
ang kabaligtaran nito 
• Simile: Si Nelia ay tulad ng isang talang 
maningning. 
• Metapora: Si Nelia ay isang talang 
maningning. 
• Simile: Ang daigdig ay tulad ng isang 
tanghalan. 
• Metapora: Ang daigdig ay isang tanghalan.
Subalit, hindi lahat ng 
paghahambing ay maituturing na 
metapora o simile. 
Halimbawa A: 
• Kasimbigat ng daigdig ang problema ni Rico. 
• Kasimbigat ng problema ni Ben ang problema 
ni Rico. 
Halimbawa B: 
• Si Juan ay tigre sa kanilang lugar. 
• Si Juan ay maton sa kanilang lugar.
Ikatlong dahilan kung bakit hindi 
dapat isalin salita-sa-salita ang mga 
tayutay 
• May posibilidad na magkaiba ang mga salitang 
ginagamit sa pagwawangis o pagtutulad sa 
dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. 
Halimbawa, “there was a storm in the 
parliament yesterday”. Maari, sa pagsasaling-wika 
ay hindi ginagamit ang katumbas ng 
“storm” para sa “heated-debate”. Maaring 
isalin ito nang literal sa ganitong paraan: “May 
bagyo sa batasan kahapon”. Katanggap-tanggap 
naman ang saling ito pero…
Pero… 
• Mas angkop na salin ang hindi na sa paraang 
metapora kundi sa tahas o tuwirang 
pakahulugan na lamang sa nasabing tayutay, 
tulad ng “nagkaroon ng balitaktakan (o 
mainitang debate) sa batasan kahapon o 
kaya, “Naging lubhang mainit ang pagtatalo 
sa batasan kahapon.”
Pagsusuri ng Metapora at Simile 
Apat na Bahagi ng Metapora o 
Simile ayon kay Larson 
• Paksa (Topic) – ang paksa ng unang 
proposisyon (di matalinghaga) sa ibang 
salita, ang bagay na pinag-uusapan. 
• Larawan (Image) - ang paksa ng ikalawang 
proposisyon (matalinghaga); sa ibang salita, 
ang inihahambing o itinitulad.
• Punto ng pagkakatulad (point of similarity) 
– nagpapakita kung saan partikular na 
aspekto nagkakatulad ang paksa 
(topic/subject/object) at larawan (image). 
• Di matalinghagang katumbas (nonfigurative 
equivalent) – kapag ang proposisyon na 
nagtataglay ng paksa ay isang “EVENT 
proposition” o may galaw o pangyayari. 
“COMMENT” ay di matalinghagang 
katumbas.
Narito ang kanyang mga 
halimbawa at mga pagsusuri: 
• The moon is like blood. 
• The righteous judge will give you the crown of 
life. 
Sa unang halimbawa, ang ibinigay lamang ay ang 
paksa at ang larawan ng simile – “moon” at “like 
blood”. 
Walang “event proposition” o pandiwa, o galaw o 
pangyayari. Ang punto ng pagkakatulad, ayon sa 
kanya, ay malinaw – ang “red”
Mga Proposisyon at Analisis 
Mga Proposisyon: 
1. The moon is (red). 
2. Blood is (red). 
Analisis: 
Topic “moon” 
Image “blood” 
Point of similarity “red”
Samantalang… 
• Sa ikalawang pangngungusap, The righteous 
judge will give you the crown of life, ang 
metapora ay may event proposition o may 
pandiwa o galaw o pangyayari, kaya dapat 
matukoy ang apat na bahagi nito. 
Mga proposisyon: 
1. (The officials) give (the victorious athlete) a 
crown. 
2. (God), who judges righteously, will give you 
(eternal life).
Analisis 
Topic - “God who judges righteously” 
Image - officials 
Point of similarity - receive a reward for doing 
well 
Non figurative meaning - will give you eternal 
life
Limang paraan ng pagsasalin ng 
metapora ayon kay Larson 
1. Panatilihin sa salin ang mga metapora o simile; sa 
ibang salita isalin nang literal kung natural o 
idyomatiko pa rin at nauunawaan nang maayos ng 
mga mambabasa. 
Halimbawa: 
Metapora 
“mantle of darkness” – “lambong ng kadiliman” 
“Your life is an open book to me” – “Ang buhay mo ay 
isang bukas na aklat sa akin”
Limang paraan ng pagsasalin ng 
metapora ayon kay Larson 
1. Panatilihin sa salin ang mga metapora o simile; sa 
ibang salita isalin nang literal kung natural o 
idyomatiko pa rin at nauunawaan nang maayos ng 
mga mambabasa. 
Halimbawa: 
Simile 
“ cheeks like roses” – “mga pisnging tulad ng 
rosas” 
“ Women are changeable as the weather” – 
“Ang mga babae ay pabago-bago tulad ng 
panahon”
Limang paraan ng pagsasalin ng 
metapora ayon kay Larson 
2. Gawing simile ang salin ng metapora o ang kabaliktaran 
nito. 
Halimbawa: 
Metapora 
“The world is a stage.” – “Ang daigdig ay isang tanghalan” 
Simile 
“The world is like a stage” – “Ang daigdig ay animoy isang 
tanghalan”
Limang paraan ng pagsasalin ng 
metapora ayon kay Larson 
3. Metapora na tinumbasan ng metapora rin. 
Halimbawa: 
• “still wet behind the ears”– “may gatas pa sa labi” 
• “dressed to kill” – “nakapamburol” 
• “hand-to-mouth existence”– “buhay na sangkahig-santuka” 
• “she butters up her boss”– nilalangisan niya ang 
kanyang boss”
Limang paraan ng pagsasalin ng 
metapora ayon kay Larson 
4. Isalin nang literal ang metapora o simile at sundan 
o samahan ng paliwanag o elaborasyon. 
Halimbawa: 
• “From a distance, the road in the mountain is a 
snake/like a snake.” 
• “Mula sa malayo, ang kalsada sa bundok ay isang 
ahas/parang ahas. Liku-liko. 
• “Mula sa malayo, ang kalsada sa bundok ay liku-likong 
parang ahas.
• “He is an ox/like an ox.” 
• Siya’y parang baka. Napakalakas niya.” 
• Napakalakas niya. Para siyang baka.”
Limang paraan ng pagsasalin ng 
metapora ayon kay Larson 
5. Isalin ang diwa ng metapora sa paraang hindi na 
metaporikal; sa ibang salita, tahas o tuwirang pahayag 
na lamang. 
Halimbawa: 
“bring home the bacon” – “iuwi ang tagumpay” 
“lend me your ears” - “manainga kayo”, “pakinggan niyo 
ako” o “makinig tayo (sa akin)” 
“bossom friends” – “magkaibang matalik” 
“fruit of his loins” – “kanyang inapo/lahi”
Limang paraan ng pagsasalin ng 
metapora ayon kay Larson 
1. Transferring the image. 
2. Finding the equivalent image. 
3. Converting the metaphor to a simile. 
4. converting
Metonimya (Pagpapalit-tawag) 
• Ito ay isang uri ng tayutay kung saan ang 
tawag sa isang bagay ay ipinapalit o 
inihahalili bilang talinhagang pantawag sa 
isang bagay na ipinahihiwatig. 
• Meto – salitang griyego “change” 
• Onym – “name”
• (1) Pamalit sagisag 
Halimbawa: 
“The DECS suspended the teachers who 
went on strike” 
salin: “Sinuspindi ng DECS ang mga 
nagwewelgang mga guro”
-ang talagang sumuspindi sa mga gurong 
nagwelga ay si Dr. Carino, kalihim ng DECS. 
Ang DECS ay sagisag na ipinalit sa kalihim na 
si Dr. Carino
(2) Wakas para sa simula; simula 
para sa bunga 
Halimbawa: 
• Dahil sa masamang barkada at 
pagbubulakbol, kalabasa ang kanyang 
naiuwi noong graduation day.
(3) Lalagyan sa halip na ang 
nakalagay 
Halimbawa: 
“the kettle is boiling” 
• Ipinaliwanag niya na hindi ang kettle ang 
kumukulo kundi ang tubig na nakasilid dito 
sapagkat ang kettle ay hindi kumukulo.
Ang Sinekdoke (Pagpapalit 
Saklaw) 
• -Ito ay isang uri ng Tayutay na tumutukoy 
sa relasyon ng bahagi at kabuuan (part 
whole) na kung saan ang bahagi ay 
kumakatawan sa kabuuan o kabaligtaran 
nito.
Halimbawa: 
“Give us this day our daily bread.” (Larson:113) 
ang “bread” na ipinalit, paliwanag ni Larson ay 
bahagi lamang ng pinalitang “ food.” Ang 
panalangin, ay talagang tumutukoy sa “pagkain” 
at hindi sa salitang “ tinapay” lamang. 
“Only 8 hardy souls showed up for work.” (ipinalit 
ang “ souls” sa “persons.”)
Pagsasalin ng Metonomiya at 
Sinekdoke 
Sa bahaging ito’y mapapansin na ang 
Metonomiya at Sinekdoke ay malaking-malaki 
ang pagkakahawig sapagkat kapawa 
naglalahad ng pagpapalit. Ang totoo, malimit 
na di na gaanong pinapansin ngayon an 
pagkakaiba ng dalawa. Ito ang dahilan kung 
bakit magkapangkat ang dalawa .
Ayon kay Larson (MBT:114), tatlo 
ang paraang magagamit sa 
pagsasalin ng metonomiya at 
sinekdoke. 
Una, Ang metonomiya o sinekdoke ay 
maaring isalin sa paraang tahas, tuwiran o 
payak, sa ibang salita, hindi pa-tayutay.
Mga Halimbawa: 
• “The Kettle is Boiling” 
salin: “Kumukulo ang tubig” 
“ He has a good head” 
salin: “Matalino siya” 
• “Martin Beni lives by his gloves” 
salin: Pagboboksing ang ikinabubuhay ni 
Martin Beni”
Ikalawa, pagpapanatili sa 
orihinal na metonomiya o sinekdoke 
ngunit sinundan ng paliwanag o 
elaborasyon. 
Halimbawa: 
• “The Government reintroduced the 
electric chair.” 
• Ayon kay larson ito ay maaring maging ganito: 
• “The Government reintroduced the execution 
by using the electric chair.”
• salin: “ Ibinalik ng pamahalaan ang 
silya elektrika” 
Ang maaaring kasama na elaborasyon ay: 
“Ibinalik ng pamahalaan ang hatol na 
bitay sa pamamagitan ng silya elektrika” 
“ Ibinalik ng pamahalaan ang inialis na 
bitay sa pamamagitan ng silya elektrika.
Ikatlo, Pagtutumbas ng kahulugang 
metonomiya (o sinekdoke) sa salin: 
Halimbawa: 
“Still wet behind the ears” at “May gatas pa 
sa labi”
Kung ang lahat ng salik ay patas 
maaaring ang dalawang idyoma ay 
magkatulad na magkatulad ang kahulugan o 
mensaheng nais ipabatid. 
Kung ang makikinig sa unang pahayag ay 
amerikano at sa ikalawang pahjayag ay 
Pilipino.
Hindi katanggap-tanggap sa Filipino ang literal 
na salin na: 
“Still wet behind the ears” 
salin: “basa pa sa likod ng mga tainga” 
Gayundin ang: 
“May gatas pa sa labi” 
“Still has milk on the lips”
Hyperbole 
Eksaherasyon o pagmamalabis. Madali 
lng ang pagpapaliwanag ni Webster tungkol 
sa tayutay na ito: “ Exaggeration for effect, not 
to be taken literally.” Sa ibang salita, ang 
hyperbole ay isang eksaheradong pahayag na 
sinasadyang gamitin ng nagsasalita o 
sumusulat upang mapag-ibayo ang 
katindihan o epekto ng diwa o mensaheng 
kanyang ibig ipahatid.
• Isang halimbawa ng isang taludtod ng tulang “ 
Ang Bundok” ni Fidel M. Quilatco (Hiyas 
1:1965:133) na nagpapahayag ng magandang 
halimbawa ng Hyperbole. 
Lupang itinambak ng kamay ng Diyos 
Ano’t nang lumao’y nakitang umumbok! 
Higante ba tilang sa pagkakatulog 
Ay hindi napansing ginubat ang likod; 
Minsa’y nakatayong… langit: inaabot 
Minsa’y nakadapang… dagat: niyayapos!
Eksaherado ang lahat ng pahayag ngunit 
napakaganda ng nagiging bisa o larawang-diwang 
nabubuo sa guniguni o isipan ng 
mambabasa. 
“Florante at Laura” 
kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin. 
Mahal ka ring lubha dini sa panimdim; 
at kung mangyayari hanggang sa malibing 
ang mga buto ko, kita’y sisintahin.
Pansinin na ang Hyperbole ay malaki ang 
pagkakahawig sa Metapora sapagkat kapwa tigib ng 
eksaherasyon, gayundin sa simile o di kaya’y 
metonomiya sinekdoke. 
Sa aklat ni Larson(MBT:117-19) ay mahahalaw natin 
ang sumusunod na halimbawa: “They turned the world 
upside down” “Im frozen to death”, “ who put all the 
sugar in the world in this coffee?” 
Sa pagsasalin ng Hyperbole , dapat mapanatili sa 
salin ang eksaheradong bisa ng mensaheng ibig ikintal 
ng awtor sa isip ng mambabasa.
Halimbawa sa tuluyan: 
“Kumukulo ang dugo ko sa taong iyan” 
“Bumaha ng dugo sa dami ng namatay sa 
laban” 
“tinging makalaglag matsing” 
“nagkabuhol-buhol ang hininga” 
“Pasan ang daigdig” 
“gangga-ulo ng pusa ang subo dahil sa gutom”
Eupemismo (Euphemism) 
Ito’y paggamit ng matalinghagang salita 
o pahayag bilang pamalit sa iabg salita o 
pahayag na nakakasakit ng damdamin o 
malaswang pakinngan.
Personipikasyon 
Ito’y matatawag ding padiwangtao, ayon 
sa ibang awtor. 
Nagbibigay-buhay o nagbibigay-katauhan ito 
sa mga bagay na walang buhay; sa ibang salita, 
inililipat ang katangian ng tao sa mga 
karaniwang bagay.
Halimbawa: 
Pinasan ng magsasaka ang kanyang matapat 
na araro. 
Kumakaway ang mga dahon sa ihip ng hangin. 
Nagbabalita ng papalapit na pasko ang 
malamig na hangin. 
Sinalunga ng mangingisda ang nagngangalit 
na mga alon.
The sea is mad. 
Answer the phone. 
• Pansinin na sa mga pangungusap na ito ay 
bibigyan natin ng “buhay” ang hangin, ang 
langit, ang sea, at ang telephone.
Narito pa ang isang mula naman sa sinulat 
ng makatang si Ildefonso Santos. 
Ang Araw,pagsikat 
Ay may gintong dala, 
Ako’y tinawag 
Ang sabi’y “Bangon na” 
Sa katanghalian 
Ang araw ay galit, 
Ako’y nilalagyan 
Ng apoy sa dibdib. 
Ang araw kung hapo’y 
Madugo’t sugatan, 
Sa akin ang bulong, 
“Magdasal,Magdasal.”
Panawagan 
Kahawig din ito ng personipikasyon dito, ang 
mga bagay na walang buhay ay waring may 
buhay at kinakausap. 
Halimbawa: 
O Buwan! Bumaba ka’t ako ay aliwin
• Ang “Florante at Laura” ni Balagtas ay 
saganang-sagana sa mga tayutay na 
panawagan, lalo na sa bahaging si Florante 
ay nakagapos sa isang puno higera sa 
kagubatan. 
Halimbawa: 
“Ang lahat ng ito,maawaing langit, 
Iyong tinutungha’y ano’t natitiis?”
Pahiraya 
Kahawig din ito ng personipikasyon at ng 
panawagan sapagkat dito, ang isang hinihiraya o 
isang taong wala sa harap ay waring nagsasalita 
at kinakausap. 
Halimbawa: 
Hayun, magkaakbay 
Ako’t saka ikaw, 
At nagtatampisaw 
Sa tubig na kristal.
Parabula,Pabula, Alegorya 
sumasaklaw ang mga ito sa tatlong uri ng 
salaysay na kalimitan ay nagbibigay-aral. 
PARABULA 
Ang parabula ay humahango sa banal na 
kasulatan, tulad ng “Ang Alibughang Anak” 
(The Prodigal Son)
Pabula 
Gumagamit naman ng mga hayop na 
pinapakilos at pinagsasalita na ang tuon ay 
ang mga kasalanan at kahinaan ng tao. 
Halimbawa: 
Ang usa at ang pagong” 
At iba pang pabula ni Esopo.
Alegorya 
Nagsasalaysay na kung saan ang tao, 
bagay at mga pangyayari ay nagtataglay ng 
naiibang kahulugan na karaniwan ay 
nagbibigay din ng makabuluhang aral sa 
buhay.
Antitesis at Epigram 
• Malaki ang pagkakahawig ng antetisis 
at ng epigram sa isa’t isa sapagkat 
kapwa nagpapahayag ng 
magkasalungat na bagay. 
• Naiiba lamang ang epigram sa dahilang 
ito’y may kaiklian at katalinghagaan.
Halimbawa ng antitesis: (hango sa 
Retorika ni Sebastian:123) 
Mahiram pakisamahan ang isang taong 
katulad niya…sala sa lamig, sala sa init, ayaw 
ng katahimikan at kasayahan, nayayamot sa 
hangal. Aywan ko kung sa anong uri ng 
nilalang siya napapabilang.
Halimbawa ng Epigram 
• Ang lakas ng mga babae’y nasa kanilang 
kahinaan. 
• Ang kagandaha’y nasa kapangitan. 
Mula sa Florante at Laura: 
Katiwala ako’t ang iyong kariktan, 
Kapilas ng langit anaki’y matibay, 
Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam 
Na ang paglililo’t nasa kagandahan.
Ironya o Pag-uyam 
ito ay nagpapahayag ng kabalintunaan, 
ng pangungutya, panunuya o pang-uuyam 
sa pamamagitan ng mga salita o pahayag na 
kapg kinuha ang paimbabaw na kahulugan 
ay waring pamumuri sa tinutukoy. 
Sa ibang salita, kabaliktaran ang kahulugan 
ng sinasabi.
Halimbawa: 
Kapg tinignan mo ang bestida ngayon ng 
mga dalaga, iisipin mong mga matipid 
sila kaysa mga dalga noong araw.
Paradoks 
Isang paraan ng pagpapahayag na sa 
biglang-isip ay waring taliwas sa katotohanan 
o sa sentido komun, ngunit kapg sinuring 
mabuti ay malilirip na mayroon palang 
matatag na batayan. 
Halimbawa: 
Isa, saka isa ay isa at hindi dalawa. 
(pagpapakasal o pag-aasawa)
Oksimoron 
paghahalo ng dalawang salitang 
magkasalungat na nagiging katanggap-tanggap 
sa nakaririnig o nakababasa. 
Halimbawa: 
Nakakabinging katahimikan ang kanyang 
nadama. 
Nang siya ay nasok sa silid na yaon na 
kinaburulan ng libong pangarap at mga pag-asa.
Onomatopeya 
Paggamit ng salitang kahawig o katunog ng 
nginangalanan. 
Halimbawa: 
At habang siya’y nakaluhod 
at taimtim na nagdarasal 
ang tunog ng batingaw na umaalingawngaw 
sa tulong niyang guniguni’y 
dambuhalang pumupukaw.
Pagsasalin ng tayutay fil 111 new 123

More Related Content

PPTX
Sumisibol na gramatika sa Filipino
Menard Fabella
 
PPTX
Komposisyong Personal - Filipino
KJ Zamora
 
PPTX
Ang sining ng pagkukuwento
shekainalea
 
PDF
teorya sa pagsasalin.pdf
FrancisMaeManguilimo1
 
PPTX
Paghahanda ng mga Kagamitang Panturo report.pptx
JadeVillegasRicafren
 
PPTX
pananaw na sikolohikal
myrepearl
 
PPTX
Ang masining na pagpapahayag
Xian Ybanez
 
PPTX
Istruktura ng wikang filipino
Airez Mier
 
Sumisibol na gramatika sa Filipino
Menard Fabella
 
Komposisyong Personal - Filipino
KJ Zamora
 
Ang sining ng pagkukuwento
shekainalea
 
teorya sa pagsasalin.pdf
FrancisMaeManguilimo1
 
Paghahanda ng mga Kagamitang Panturo report.pptx
JadeVillegasRicafren
 
pananaw na sikolohikal
myrepearl
 
Ang masining na pagpapahayag
Xian Ybanez
 
Istruktura ng wikang filipino
Airez Mier
 

What's hot (20)

PDF
Modyul 17 pagsasaling wika
dionesioable
 
PPTX
Anim na Antas ng Pagtatanong Ayon sa Ikalawang Antas ng Cognitive Domain ni B...
Mckoi M
 
PPTX
Kasaysayan ng maikling kwento
chrisbasques
 
PPTX
Pahayagang pangkampus
Lex Rivas
 
PPTX
Kontemporaryong Panitikan
Christine Baga-an
 
PPT
Pagsasalita
Cath Evangelista
 
PPTX
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
Chuckry Maunes
 
PPTX
Morpema
Reina Mikee
 
PPTX
Mga kritikong pilipino at dayuhan
Jessa Marie Amparado
 
PPTX
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Cool Kid
 
PPTX
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
Avigail Gabaleo Maximo
 
PPT
Rehiyon VI -Kanlurang Visayas
Divine Dizon
 
PPTX
Nobela (christinesusana)
Ceej Susana
 
PPTX
Mga pagbabagong morpoponemiko
arnielapuz
 
PPTX
Dula ppt
Rosmar Pinaga
 
PPTX
Pamahayan/ Pahayagan
Eleizel Gaso
 
PDF
PAGBUO NG PAGSUSULIT
LhaiDiazPolo
 
PPTX
MORPOLOHIYA
clauds0809
 
PPT
Fil1 morpema
Fely Vicente
 
PPTX
Tayutay
Lorren Piñera
 
Modyul 17 pagsasaling wika
dionesioable
 
Anim na Antas ng Pagtatanong Ayon sa Ikalawang Antas ng Cognitive Domain ni B...
Mckoi M
 
Kasaysayan ng maikling kwento
chrisbasques
 
Pahayagang pangkampus
Lex Rivas
 
Kontemporaryong Panitikan
Christine Baga-an
 
Pagsasalita
Cath Evangelista
 
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
Chuckry Maunes
 
Morpema
Reina Mikee
 
Mga kritikong pilipino at dayuhan
Jessa Marie Amparado
 
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Cool Kid
 
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
Avigail Gabaleo Maximo
 
Rehiyon VI -Kanlurang Visayas
Divine Dizon
 
Nobela (christinesusana)
Ceej Susana
 
Mga pagbabagong morpoponemiko
arnielapuz
 
Dula ppt
Rosmar Pinaga
 
Pamahayan/ Pahayagan
Eleizel Gaso
 
PAGBUO NG PAGSUSULIT
LhaiDiazPolo
 
MORPOLOHIYA
clauds0809
 
Fil1 morpema
Fely Vicente
 
Ad

Similar to Pagsasalin ng tayutay fil 111 new 123 (20)

PPTX
Noeme Silvano.pptx
NoelTancinco
 
DOCX
Tayutay
girlie serantes
 
PPTX
3.pptxTayutay_Quiz3.pptxTayutay_Quiz3.pptxTayutay_Quiz
EvalindaCalluengCana
 
PPTX
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..
LoriemelDulayBugaoan
 
PPTX
PAGSASALIN-TAYUTAY-SULAPAS_103750.pptx
GLYDALESULAPAS1
 
PPTX
Pagtutulad, Pagwawangis, Pagsasatao
Cool Kid
 
PPTX
G8 Tayutay.pptx tungkol sa iba't ibang uri ng tayutay
AngelicaMagdaraogBon
 
PPT
Ang mga Matatalinghagang salita - Tayutay
MaeAnnToqueroEstela1
 
DOCX
pakikipagkapwa
almeron
 
PPTX
Mga uri ng Tayutay
The Seed Montessori School
 
PPTX
Tayutay
Anthony Denila
 
PPTX
Report in filipino 3
Pauline Cellona
 
PPTX
Tayutay 160920014343 (1)
Shalom Learning Center of Roxas Isabela Inc.
 
DOCX
Teacher bahahahhaahhahahhahahahahhahahshs
w4knu67
 
PPTX
Mga sawikain o idyuma
Beberly Fabayos
 
PPTX
PPT_Mother ToungeB3_Week 6 Grade 3 _Q1.pptx
MaryGraceRafaga3
 
PPTX
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptx
NoryKrisLaigo
 
PPTX
Group 3 tayutay
Denzel Mathew Buenaventura
 
PPTX
Ang mga TAYUTAY powerpoint presentation.pptx
maryloumacadangdang1
 
PPTX
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
sharmmeng
 
Noeme Silvano.pptx
NoelTancinco
 
3.pptxTayutay_Quiz3.pptxTayutay_Quiz3.pptxTayutay_Quiz
EvalindaCalluengCana
 
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..
LoriemelDulayBugaoan
 
PAGSASALIN-TAYUTAY-SULAPAS_103750.pptx
GLYDALESULAPAS1
 
Pagtutulad, Pagwawangis, Pagsasatao
Cool Kid
 
G8 Tayutay.pptx tungkol sa iba't ibang uri ng tayutay
AngelicaMagdaraogBon
 
Ang mga Matatalinghagang salita - Tayutay
MaeAnnToqueroEstela1
 
pakikipagkapwa
almeron
 
Mga uri ng Tayutay
The Seed Montessori School
 
Report in filipino 3
Pauline Cellona
 
Teacher bahahahhaahhahahhahahahahhahahshs
w4knu67
 
Mga sawikain o idyuma
Beberly Fabayos
 
PPT_Mother ToungeB3_Week 6 Grade 3 _Q1.pptx
MaryGraceRafaga3
 
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptx
NoryKrisLaigo
 
Ang mga TAYUTAY powerpoint presentation.pptx
maryloumacadangdang1
 
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
sharmmeng
 
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
MichelleCandelario
 
DOCX
Saligan ng Teritoryo ng Pilipinas - Aralin sa G4
pongonmarielle
 
PPTX
PPT-GMRC-W2-L1-2526BATAYANG IMPORMASYON SA SARILI
JamaicaAlmonteDelaCr
 
PPTX
Mga Tungkulin ng Bawat Bata. POWERPOINTp
JohnFabul
 
PPTX
Last Topic Pangwakas na Awtput for Filipino 9.pptx
justinemcampana426
 
DOCX
MEANINGFLYERSKAHULUGANLAYUNINKATANGIANHAKBANGKAHALAGAHAN
maeayhana
 
PDF
kasaysayan ng lipunang pilipino: Araw ng kalayaan.pdf
AustinLiamAndres
 
PDF
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 LESSON 3 KALAYAAN.pdf
KlarisReyes1
 
PPTX
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
AliciaJamandron1
 
PPTX
ARALIN 3- PANITIKAN- ANG NINGNING AT ANG LIWANAG.pptx
ndumdum
 
PPTX
ARALIN 3- SANAYSAY, URI, AT MGA ELEMENTO NITO.pptx
ndumdum
 
PPTX
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 Q1 WEEK 5-6 KALAYAAN.pptx
KlarisReyes1
 
PPTX
ESP10 ANG TUNAY NA KALAYAAN.pptxTunay na kalay
beverlyngalvan
 
PPTX
pagsusuringakdangpampanitikan-170226112154.pptx
KlarisReyes1
 
PPTX
quarter 1 week 8, araling panlipunan mattg curriculum
miajeabautista2
 
PPTX
Tekstong Biswal Filipino 8 powerpointcdnjncj
marryrosegardose
 
PPTX
ARALIN 3 Pagpapahalaga at Virtue bilang batayan ng sariling Pagpapasiya, Pagk...
FlorabelTemplonuevoB
 
PPTX
Sestimang panlipunan ng sinaunang greece .pptx
dazianray
 
PPTX
WEEK 4 matatag curriculum araling panlipunan
miajeabautista2
 
PPTX
414586383-Dekretong-Edukasyon-Ng-1863.pptx
jaysonoliva1
 
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
MichelleCandelario
 
Saligan ng Teritoryo ng Pilipinas - Aralin sa G4
pongonmarielle
 
PPT-GMRC-W2-L1-2526BATAYANG IMPORMASYON SA SARILI
JamaicaAlmonteDelaCr
 
Mga Tungkulin ng Bawat Bata. POWERPOINTp
JohnFabul
 
Last Topic Pangwakas na Awtput for Filipino 9.pptx
justinemcampana426
 
MEANINGFLYERSKAHULUGANLAYUNINKATANGIANHAKBANGKAHALAGAHAN
maeayhana
 
kasaysayan ng lipunang pilipino: Araw ng kalayaan.pdf
AustinLiamAndres
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 LESSON 3 KALAYAAN.pdf
KlarisReyes1
 
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
AliciaJamandron1
 
ARALIN 3- PANITIKAN- ANG NINGNING AT ANG LIWANAG.pptx
ndumdum
 
ARALIN 3- SANAYSAY, URI, AT MGA ELEMENTO NITO.pptx
ndumdum
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 Q1 WEEK 5-6 KALAYAAN.pptx
KlarisReyes1
 
ESP10 ANG TUNAY NA KALAYAAN.pptxTunay na kalay
beverlyngalvan
 
pagsusuringakdangpampanitikan-170226112154.pptx
KlarisReyes1
 
quarter 1 week 8, araling panlipunan mattg curriculum
miajeabautista2
 
Tekstong Biswal Filipino 8 powerpointcdnjncj
marryrosegardose
 
ARALIN 3 Pagpapahalaga at Virtue bilang batayan ng sariling Pagpapasiya, Pagk...
FlorabelTemplonuevoB
 
Sestimang panlipunan ng sinaunang greece .pptx
dazianray
 
WEEK 4 matatag curriculum araling panlipunan
miajeabautista2
 
414586383-Dekretong-Edukasyon-Ng-1863.pptx
jaysonoliva1
 

Pagsasalin ng tayutay fil 111 new 123

  • 1. 1. _et_p_r_ - Metapora 2. _im_l_ - Simile 3. _et_ni_ya - Metonimya 4. Si_ekd_k_ - Sinekdoke
  • 2. 5. Ha_pe_b_l_ - Hayperbole 6. _u_em_s_o - Eupemismo 7. Pe_son_pi_asyo_ Personipikasyon
  • 3. 8. P_n_w_ga_ - Panawagan 9. Pa_i _aya - Pahiraya 10. _n_ite_is - Antitesis 11. _ro_y_ - Ironya
  • 4. 12. _ar_d_k_ - Paradoks 13. O_s_m_r_n Oksimoron 14. _no_a_o_ey_ Onomatopeya
  • 6. Ano ba ang tayutay?
  • 7. “Ang Tayutay ay isang paglayo sa karaniwang kayarian ng wika upang makapagbigay ng sariwa, naiiba at kasiya-siyang pagpapahayag at pagbibigay –katuturan sa tulong ng paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba ngunit napagtutulad sa isa’t-isa” -Ongoco (Plorante at Laura1988:46)
  • 8. Ang tayutay ay hindi mabulaklak na paggamit ng wika hundi masining na pagpapahayag . -Ongoco
  • 9. Kung ang panulaan ay hitik sa mga tayutay, kakailanganin ng isan baguhang tagapagsalin o ng isang nagbabalak magsalin na magkaroon ng mga batayang kaalaman sa partikular na aspetong ito ng wika.
  • 10. Sa Simpleng pag papakahulugan ang tayutay ay isang anyo ng paglalarawan na kaiba sa karaniwang paraan ng pananalita; maaaring patalinghaga na hindi literal ang kahulugan ng mga salita.
  • 11. Uri ng Tayutay METAPORA AT SIMILE • 3 Batayang Katanungan – Ano ba ang Metapora? Ang Simile? Ano ba ang mga gamit nito? – Paano ba nagkakatulad at nagkakaiba-iba ang mga ito? – Ano ba ang kaugnayan ng mga ito sa pagsasaling-wika?
  • 12. Ano ba ang Metapora? Ang Simile? Ano ba ang mga gamit nito? • Mga tayutay na ang isang bagay, tao o hayop, ay inihahambing, itinutulad o ipinapalit sa ibang bagay, tao o hayop. Ang paggamit ng mga tayutay ay nagbibigay ng makulay at mabisang pagpapakahulugan sa diwa o mensahe na ibig nating ipahatid sa ating kapwa.
  • 13. Ayon kay Newmark (AT 1988:84) • “The purpose of metaphors (and similes) is to liven up other types of texts, to make them more colorful, dramatic, and witty, notoriously in journalism.”
  • 14. Paano ba nagkakatulad at nagkakaiba-iba ang mga ito? • Kapwa naghahambing ang metapora at simile. • Nagkakaiba lamang ang mga ito sa dahilang sa simile ay gumagamit ng mga kataga o pariralang “tulad ng, gaya ng, animo’y, parang, para ng, kawangis ng, tila, (ka)sing-,” atbp.
  • 15. Ayon kay Newmark (AT 1988:84) • Similes are more precise, more restricted and usually less radical, less committed than metaphors, since they limit the resemblance of the “object” and its “image”. Thus they are generally easier to translate than metaphors.
  • 16. Pansinin na malimit na ang metapora ay nagagawang simile o ang kabaligtaran nito • Simile: Si Nelia ay tulad ng isang talang maningning. • Metapora: Si Nelia ay isang talang maningning. • Simile: Ang daigdig ay tulad ng isang tanghalan. • Metapora: Ang daigdig ay isang tanghalan.
  • 17. Subalit, hindi lahat ng paghahambing ay maituturing na metapora o simile. Halimbawa A: • Kasimbigat ng daigdig ang problema ni Rico. • Kasimbigat ng problema ni Ben ang problema ni Rico. Halimbawa B: • Si Juan ay tigre sa kanilang lugar. • Si Juan ay maton sa kanilang lugar.
  • 18. Ikatlong dahilan kung bakit hindi dapat isalin salita-sa-salita ang mga tayutay • May posibilidad na magkaiba ang mga salitang ginagamit sa pagwawangis o pagtutulad sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Halimbawa, “there was a storm in the parliament yesterday”. Maari, sa pagsasaling-wika ay hindi ginagamit ang katumbas ng “storm” para sa “heated-debate”. Maaring isalin ito nang literal sa ganitong paraan: “May bagyo sa batasan kahapon”. Katanggap-tanggap naman ang saling ito pero…
  • 19. Pero… • Mas angkop na salin ang hindi na sa paraang metapora kundi sa tahas o tuwirang pakahulugan na lamang sa nasabing tayutay, tulad ng “nagkaroon ng balitaktakan (o mainitang debate) sa batasan kahapon o kaya, “Naging lubhang mainit ang pagtatalo sa batasan kahapon.”
  • 20. Pagsusuri ng Metapora at Simile Apat na Bahagi ng Metapora o Simile ayon kay Larson • Paksa (Topic) – ang paksa ng unang proposisyon (di matalinghaga) sa ibang salita, ang bagay na pinag-uusapan. • Larawan (Image) - ang paksa ng ikalawang proposisyon (matalinghaga); sa ibang salita, ang inihahambing o itinitulad.
  • 21. • Punto ng pagkakatulad (point of similarity) – nagpapakita kung saan partikular na aspekto nagkakatulad ang paksa (topic/subject/object) at larawan (image). • Di matalinghagang katumbas (nonfigurative equivalent) – kapag ang proposisyon na nagtataglay ng paksa ay isang “EVENT proposition” o may galaw o pangyayari. “COMMENT” ay di matalinghagang katumbas.
  • 22. Narito ang kanyang mga halimbawa at mga pagsusuri: • The moon is like blood. • The righteous judge will give you the crown of life. Sa unang halimbawa, ang ibinigay lamang ay ang paksa at ang larawan ng simile – “moon” at “like blood”. Walang “event proposition” o pandiwa, o galaw o pangyayari. Ang punto ng pagkakatulad, ayon sa kanya, ay malinaw – ang “red”
  • 23. Mga Proposisyon at Analisis Mga Proposisyon: 1. The moon is (red). 2. Blood is (red). Analisis: Topic “moon” Image “blood” Point of similarity “red”
  • 24. Samantalang… • Sa ikalawang pangngungusap, The righteous judge will give you the crown of life, ang metapora ay may event proposition o may pandiwa o galaw o pangyayari, kaya dapat matukoy ang apat na bahagi nito. Mga proposisyon: 1. (The officials) give (the victorious athlete) a crown. 2. (God), who judges righteously, will give you (eternal life).
  • 25. Analisis Topic - “God who judges righteously” Image - officials Point of similarity - receive a reward for doing well Non figurative meaning - will give you eternal life
  • 26. Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson 1. Panatilihin sa salin ang mga metapora o simile; sa ibang salita isalin nang literal kung natural o idyomatiko pa rin at nauunawaan nang maayos ng mga mambabasa. Halimbawa: Metapora “mantle of darkness” – “lambong ng kadiliman” “Your life is an open book to me” – “Ang buhay mo ay isang bukas na aklat sa akin”
  • 27. Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson 1. Panatilihin sa salin ang mga metapora o simile; sa ibang salita isalin nang literal kung natural o idyomatiko pa rin at nauunawaan nang maayos ng mga mambabasa. Halimbawa: Simile “ cheeks like roses” – “mga pisnging tulad ng rosas” “ Women are changeable as the weather” – “Ang mga babae ay pabago-bago tulad ng panahon”
  • 28. Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson 2. Gawing simile ang salin ng metapora o ang kabaliktaran nito. Halimbawa: Metapora “The world is a stage.” – “Ang daigdig ay isang tanghalan” Simile “The world is like a stage” – “Ang daigdig ay animoy isang tanghalan”
  • 29. Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson 3. Metapora na tinumbasan ng metapora rin. Halimbawa: • “still wet behind the ears”– “may gatas pa sa labi” • “dressed to kill” – “nakapamburol” • “hand-to-mouth existence”– “buhay na sangkahig-santuka” • “she butters up her boss”– nilalangisan niya ang kanyang boss”
  • 30. Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson 4. Isalin nang literal ang metapora o simile at sundan o samahan ng paliwanag o elaborasyon. Halimbawa: • “From a distance, the road in the mountain is a snake/like a snake.” • “Mula sa malayo, ang kalsada sa bundok ay isang ahas/parang ahas. Liku-liko. • “Mula sa malayo, ang kalsada sa bundok ay liku-likong parang ahas.
  • 31. • “He is an ox/like an ox.” • Siya’y parang baka. Napakalakas niya.” • Napakalakas niya. Para siyang baka.”
  • 32. Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson 5. Isalin ang diwa ng metapora sa paraang hindi na metaporikal; sa ibang salita, tahas o tuwirang pahayag na lamang. Halimbawa: “bring home the bacon” – “iuwi ang tagumpay” “lend me your ears” - “manainga kayo”, “pakinggan niyo ako” o “makinig tayo (sa akin)” “bossom friends” – “magkaibang matalik” “fruit of his loins” – “kanyang inapo/lahi”
  • 33. Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson 1. Transferring the image. 2. Finding the equivalent image. 3. Converting the metaphor to a simile. 4. converting
  • 34. Metonimya (Pagpapalit-tawag) • Ito ay isang uri ng tayutay kung saan ang tawag sa isang bagay ay ipinapalit o inihahalili bilang talinhagang pantawag sa isang bagay na ipinahihiwatig. • Meto – salitang griyego “change” • Onym – “name”
  • 35. • (1) Pamalit sagisag Halimbawa: “The DECS suspended the teachers who went on strike” salin: “Sinuspindi ng DECS ang mga nagwewelgang mga guro”
  • 36. -ang talagang sumuspindi sa mga gurong nagwelga ay si Dr. Carino, kalihim ng DECS. Ang DECS ay sagisag na ipinalit sa kalihim na si Dr. Carino
  • 37. (2) Wakas para sa simula; simula para sa bunga Halimbawa: • Dahil sa masamang barkada at pagbubulakbol, kalabasa ang kanyang naiuwi noong graduation day.
  • 38. (3) Lalagyan sa halip na ang nakalagay Halimbawa: “the kettle is boiling” • Ipinaliwanag niya na hindi ang kettle ang kumukulo kundi ang tubig na nakasilid dito sapagkat ang kettle ay hindi kumukulo.
  • 39. Ang Sinekdoke (Pagpapalit Saklaw) • -Ito ay isang uri ng Tayutay na tumutukoy sa relasyon ng bahagi at kabuuan (part whole) na kung saan ang bahagi ay kumakatawan sa kabuuan o kabaligtaran nito.
  • 40. Halimbawa: “Give us this day our daily bread.” (Larson:113) ang “bread” na ipinalit, paliwanag ni Larson ay bahagi lamang ng pinalitang “ food.” Ang panalangin, ay talagang tumutukoy sa “pagkain” at hindi sa salitang “ tinapay” lamang. “Only 8 hardy souls showed up for work.” (ipinalit ang “ souls” sa “persons.”)
  • 41. Pagsasalin ng Metonomiya at Sinekdoke Sa bahaging ito’y mapapansin na ang Metonomiya at Sinekdoke ay malaking-malaki ang pagkakahawig sapagkat kapawa naglalahad ng pagpapalit. Ang totoo, malimit na di na gaanong pinapansin ngayon an pagkakaiba ng dalawa. Ito ang dahilan kung bakit magkapangkat ang dalawa .
  • 42. Ayon kay Larson (MBT:114), tatlo ang paraang magagamit sa pagsasalin ng metonomiya at sinekdoke. Una, Ang metonomiya o sinekdoke ay maaring isalin sa paraang tahas, tuwiran o payak, sa ibang salita, hindi pa-tayutay.
  • 43. Mga Halimbawa: • “The Kettle is Boiling” salin: “Kumukulo ang tubig” “ He has a good head” salin: “Matalino siya” • “Martin Beni lives by his gloves” salin: Pagboboksing ang ikinabubuhay ni Martin Beni”
  • 44. Ikalawa, pagpapanatili sa orihinal na metonomiya o sinekdoke ngunit sinundan ng paliwanag o elaborasyon. Halimbawa: • “The Government reintroduced the electric chair.” • Ayon kay larson ito ay maaring maging ganito: • “The Government reintroduced the execution by using the electric chair.”
  • 45. • salin: “ Ibinalik ng pamahalaan ang silya elektrika” Ang maaaring kasama na elaborasyon ay: “Ibinalik ng pamahalaan ang hatol na bitay sa pamamagitan ng silya elektrika” “ Ibinalik ng pamahalaan ang inialis na bitay sa pamamagitan ng silya elektrika.
  • 46. Ikatlo, Pagtutumbas ng kahulugang metonomiya (o sinekdoke) sa salin: Halimbawa: “Still wet behind the ears” at “May gatas pa sa labi”
  • 47. Kung ang lahat ng salik ay patas maaaring ang dalawang idyoma ay magkatulad na magkatulad ang kahulugan o mensaheng nais ipabatid. Kung ang makikinig sa unang pahayag ay amerikano at sa ikalawang pahjayag ay Pilipino.
  • 48. Hindi katanggap-tanggap sa Filipino ang literal na salin na: “Still wet behind the ears” salin: “basa pa sa likod ng mga tainga” Gayundin ang: “May gatas pa sa labi” “Still has milk on the lips”
  • 49. Hyperbole Eksaherasyon o pagmamalabis. Madali lng ang pagpapaliwanag ni Webster tungkol sa tayutay na ito: “ Exaggeration for effect, not to be taken literally.” Sa ibang salita, ang hyperbole ay isang eksaheradong pahayag na sinasadyang gamitin ng nagsasalita o sumusulat upang mapag-ibayo ang katindihan o epekto ng diwa o mensaheng kanyang ibig ipahatid.
  • 50. • Isang halimbawa ng isang taludtod ng tulang “ Ang Bundok” ni Fidel M. Quilatco (Hiyas 1:1965:133) na nagpapahayag ng magandang halimbawa ng Hyperbole. Lupang itinambak ng kamay ng Diyos Ano’t nang lumao’y nakitang umumbok! Higante ba tilang sa pagkakatulog Ay hindi napansing ginubat ang likod; Minsa’y nakatayong… langit: inaabot Minsa’y nakadapang… dagat: niyayapos!
  • 51. Eksaherado ang lahat ng pahayag ngunit napakaganda ng nagiging bisa o larawang-diwang nabubuo sa guniguni o isipan ng mambabasa. “Florante at Laura” kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin. Mahal ka ring lubha dini sa panimdim; at kung mangyayari hanggang sa malibing ang mga buto ko, kita’y sisintahin.
  • 52. Pansinin na ang Hyperbole ay malaki ang pagkakahawig sa Metapora sapagkat kapwa tigib ng eksaherasyon, gayundin sa simile o di kaya’y metonomiya sinekdoke. Sa aklat ni Larson(MBT:117-19) ay mahahalaw natin ang sumusunod na halimbawa: “They turned the world upside down” “Im frozen to death”, “ who put all the sugar in the world in this coffee?” Sa pagsasalin ng Hyperbole , dapat mapanatili sa salin ang eksaheradong bisa ng mensaheng ibig ikintal ng awtor sa isip ng mambabasa.
  • 53. Halimbawa sa tuluyan: “Kumukulo ang dugo ko sa taong iyan” “Bumaha ng dugo sa dami ng namatay sa laban” “tinging makalaglag matsing” “nagkabuhol-buhol ang hininga” “Pasan ang daigdig” “gangga-ulo ng pusa ang subo dahil sa gutom”
  • 54. Eupemismo (Euphemism) Ito’y paggamit ng matalinghagang salita o pahayag bilang pamalit sa iabg salita o pahayag na nakakasakit ng damdamin o malaswang pakinngan.
  • 55. Personipikasyon Ito’y matatawag ding padiwangtao, ayon sa ibang awtor. Nagbibigay-buhay o nagbibigay-katauhan ito sa mga bagay na walang buhay; sa ibang salita, inililipat ang katangian ng tao sa mga karaniwang bagay.
  • 56. Halimbawa: Pinasan ng magsasaka ang kanyang matapat na araro. Kumakaway ang mga dahon sa ihip ng hangin. Nagbabalita ng papalapit na pasko ang malamig na hangin. Sinalunga ng mangingisda ang nagngangalit na mga alon.
  • 57. The sea is mad. Answer the phone. • Pansinin na sa mga pangungusap na ito ay bibigyan natin ng “buhay” ang hangin, ang langit, ang sea, at ang telephone.
  • 58. Narito pa ang isang mula naman sa sinulat ng makatang si Ildefonso Santos. Ang Araw,pagsikat Ay may gintong dala, Ako’y tinawag Ang sabi’y “Bangon na” Sa katanghalian Ang araw ay galit, Ako’y nilalagyan Ng apoy sa dibdib. Ang araw kung hapo’y Madugo’t sugatan, Sa akin ang bulong, “Magdasal,Magdasal.”
  • 59. Panawagan Kahawig din ito ng personipikasyon dito, ang mga bagay na walang buhay ay waring may buhay at kinakausap. Halimbawa: O Buwan! Bumaba ka’t ako ay aliwin
  • 60. • Ang “Florante at Laura” ni Balagtas ay saganang-sagana sa mga tayutay na panawagan, lalo na sa bahaging si Florante ay nakagapos sa isang puno higera sa kagubatan. Halimbawa: “Ang lahat ng ito,maawaing langit, Iyong tinutungha’y ano’t natitiis?”
  • 61. Pahiraya Kahawig din ito ng personipikasyon at ng panawagan sapagkat dito, ang isang hinihiraya o isang taong wala sa harap ay waring nagsasalita at kinakausap. Halimbawa: Hayun, magkaakbay Ako’t saka ikaw, At nagtatampisaw Sa tubig na kristal.
  • 62. Parabula,Pabula, Alegorya sumasaklaw ang mga ito sa tatlong uri ng salaysay na kalimitan ay nagbibigay-aral. PARABULA Ang parabula ay humahango sa banal na kasulatan, tulad ng “Ang Alibughang Anak” (The Prodigal Son)
  • 63. Pabula Gumagamit naman ng mga hayop na pinapakilos at pinagsasalita na ang tuon ay ang mga kasalanan at kahinaan ng tao. Halimbawa: Ang usa at ang pagong” At iba pang pabula ni Esopo.
  • 64. Alegorya Nagsasalaysay na kung saan ang tao, bagay at mga pangyayari ay nagtataglay ng naiibang kahulugan na karaniwan ay nagbibigay din ng makabuluhang aral sa buhay.
  • 65. Antitesis at Epigram • Malaki ang pagkakahawig ng antetisis at ng epigram sa isa’t isa sapagkat kapwa nagpapahayag ng magkasalungat na bagay. • Naiiba lamang ang epigram sa dahilang ito’y may kaiklian at katalinghagaan.
  • 66. Halimbawa ng antitesis: (hango sa Retorika ni Sebastian:123) Mahiram pakisamahan ang isang taong katulad niya…sala sa lamig, sala sa init, ayaw ng katahimikan at kasayahan, nayayamot sa hangal. Aywan ko kung sa anong uri ng nilalang siya napapabilang.
  • 67. Halimbawa ng Epigram • Ang lakas ng mga babae’y nasa kanilang kahinaan. • Ang kagandaha’y nasa kapangitan. Mula sa Florante at Laura: Katiwala ako’t ang iyong kariktan, Kapilas ng langit anaki’y matibay, Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam Na ang paglililo’t nasa kagandahan.
  • 68. Ironya o Pag-uyam ito ay nagpapahayag ng kabalintunaan, ng pangungutya, panunuya o pang-uuyam sa pamamagitan ng mga salita o pahayag na kapg kinuha ang paimbabaw na kahulugan ay waring pamumuri sa tinutukoy. Sa ibang salita, kabaliktaran ang kahulugan ng sinasabi.
  • 69. Halimbawa: Kapg tinignan mo ang bestida ngayon ng mga dalaga, iisipin mong mga matipid sila kaysa mga dalga noong araw.
  • 70. Paradoks Isang paraan ng pagpapahayag na sa biglang-isip ay waring taliwas sa katotohanan o sa sentido komun, ngunit kapg sinuring mabuti ay malilirip na mayroon palang matatag na batayan. Halimbawa: Isa, saka isa ay isa at hindi dalawa. (pagpapakasal o pag-aasawa)
  • 71. Oksimoron paghahalo ng dalawang salitang magkasalungat na nagiging katanggap-tanggap sa nakaririnig o nakababasa. Halimbawa: Nakakabinging katahimikan ang kanyang nadama. Nang siya ay nasok sa silid na yaon na kinaburulan ng libong pangarap at mga pag-asa.
  • 72. Onomatopeya Paggamit ng salitang kahawig o katunog ng nginangalanan. Halimbawa: At habang siya’y nakaluhod at taimtim na nagdarasal ang tunog ng batingaw na umaalingawngaw sa tulong niyang guniguni’y dambuhalang pumupukaw.