Ang participatory governance ay isang proseso kung saan nakikilahok ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga solusyon sa mga suliranin ng bayan, laban sa elitist democracy kung saan limitado lamang ang desisyon sa mga namumuno. Ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan ay nagpapalakas ng social capital at tiwala sa pagitan ng pamahalaan at lipunan, na mahalaga para sa mabuting pamamahala. Mahalaga ang partisipasyon ng lahat upang makamit ang matagumpay na proyekto at mapaunlad ang bansa.