SlideShare a Scribd company logo
PROSE
AND DRAMA
PROSE
- consists didactic pieces and translations
of religious writings in foreign
languages, such as novenas and
biographies of saints, aside from
catechetical manuals and the linguistic
works of the friar-lexicographers and
grammarians.
Aral na Tunay na Totoong Pag aacay
sa Tauo nang manga Cabanalang Gaua
nang mga Maloalhating Santos
na si Barlaan at si Josaphat (1712)
- Fr. Antonio de Borja, S. J.
- Tagalog translation of a Spanish version
by Fr. Baltazar de Santa Cruz, O. P., of a
long narrative in Greek attributed to St.
John Damascene.
Juan Evangelista’s Tagalog version (1886)
of Enrique Perez Escrich’s
El Martir del Golgota (1863)
-A fictional biography of Christ which,
together with the pasyon, became a
popular source book for Cenaculo wrtiters.
Fr. Miguel Lucio Bustamante’s
Si Tandang Basio Macunat (1882)
URBANA AT FELIZA
- Fr. Modesto de Castro
URBANA AT FELIZA
- published in 1885, took the form of the
epistolary novel with the full title of :
“Pag susulatan ng dalawang binibini
na si Urbana at Feliza na nagtuturo
ng mabuting caugalian”
- an exchange of letters between two sisters:
Urbana, who is a student in colegio in Manila
and Feliza, who lives in the province with their
parents.
LAGDA
-Equivalent work among the Visayans
for Urbana at Feliza
- A compilation of maxims, possibly written
by a native clergyman and first published
under the title of “Caton Cristiano”
ANG PAGDALAO8
Manila….
FELIZA: Isa sa mga gaung tapat na
ipinag-uutos nang paquiquipagcapuoa tauo,
ay ang pagdalao sa camaganac, caibigan o
caquilala cun capanahonan cun dinadalao nang
masamang capalaran o namamatayan caya
ay carampatang dalauin at maquiramay sa
catouaan, o aliuin caya sa hirap. Ituro mo Feliza
cay Honesto, cun papaano at cailan gagauin
ang pagdalao.
Ang una una, i, gauin sa capanahonan,
at pag di natama sa oras ay naiinip ang
dinadalao, at magdadalang hiya ang
dumadalao. Sa oras na may guinagaua, lalo’t
cun nagagahol sa panahon cun cumacain,
humahapon o nagdarasal ay di na uucol
gauin, maliban na lamang cun magcadatihan
ang nag-dadalauan. Caya dapat ipagtanong
ang caugahan (nang bayan at sa lahat nang
caquilala) at nang houang madalao sa
panahong di uucol.
Cun nacasara ang pintoan nang daan, ay
tugtuguing banayad at houag dalas-dalas.
Cun pamapanhic sa hagdanan, ay patatao, at cun
may casamang tauo na ucol igalang ay ilalagay
sa maguinhauang panhican.
Cun may casamang matanda, at di macacaya, ay
tulungang pumanhic, at alalahanin ang
panahong haharapin.
Cun pumapanhic na sa hagdanan, ay
magdarahan nang patungtong sa baitang at
huoag maingay at cun may masalubong na
matanda o guinoo ay tumigil at paraanin sa
canan o sa mabuting daanan.
Pagcapanhic nang hagdanan, ay huoag caracara,
I tutuloy magpasabi sa alila cun mayroon, at cun
uala ay tumugtog nang marahan sa pinto at nang
mamalayang may tauo.
Cun datnang bucas ang pintoan nang salas o
cabahayan, silid o iba cayang pitac nang bahay
ay houang sisilip-silip, at sala sa cabaitan.
Cun macapagbigay na nang galang sa may
bahay, icao ay patoloyin sa cabahayan at paupoin
ca ay lumagay nang mahusay, houag magpaquita
nang cagaslauan, na para baga nang
manguyacoy, magpatong nang paa at
magpaguiling-guiling.
Cun may dalang sombrero at tungcod, houag
ilagay sa lamesa, canafe, cun di sa inaacala na
mamatapatin nang may bahay lalong ibinabaual,
na ilagay sa sa hihigan.
Cun ang dinadalao ay maquita na may gagauin,
cacain o aalis caya, ay houag aabalahin,
at ang catampata, i, magpaalam.
Cun ang dumadalao ay mahal na tauo, ay
samahan may hanggang sa daan, at sacali, t gabi
ay tanglauan nang candilang may ningas
cun mayroon.
Cun cayo ay dumadalao, at sa pag-alis ay
sasamahan cayo nang may baha’y.
Cun sa inyong pagpupulong ay may dumating
na ibang tauo na di caratihan, sa caratihan
man sacali at inaacala ninyo na may
ipahahayag na lihim, ay houag abalahin,
magpaalam sa may bahay at sa lahat.
Cun lalaqui ang dumadalao sa isang babaye, ay
di catungculan ihatid pa sa hagdanan o sa
daan, maliban na lamang cun tooong mahal na
tauo, nguni, ang lalaqui ay dapat maghatid sa
babaye at catamtamang ilagay sa canan.
Cun cayo, i, dalauin ay dapat gumati, at cun
cayo, i, anyayahan sa isang piguing nang
iquinasal o ano mang pagcacatoua, ay nauucol
na sa loob nang ualong arao ay gantihan namang
dalauin na parang pagpapasalamat sa caniyang
paquitang loob.
Cun cayo, i, anyayahan sa bahay nang binyag o
libing at di nacapag bigay loob, cun macaraan
na, ay carampatang dalauin at ipahayag ang
cadahilanan.
Cun cayo naman ang pa sa libing o sa bahay caya
nang namatayan, sila naman ang may
catungculan na gumating dumalao.
Ang anyaya, i, magagaua sa bibig o sa sulat at
ang inaanyayahan, cun ibig pahinuhod ay houag
magpairiri at sa ibig sa ayao ay pasasalamatan
ang gayong paquitangloob. Cun sacali’t aayao ay
tumangi nang mahusay, at ang dahilanin ay ang
manga gauain at iba pang bagay na paniualaan,
ngunit ciilag sa cabulaanan.
Pag napaoo, ay houag sumala sa oras na taning,
at cun di macatupad nang pangaco, ay sabihin
ang pinacadahilanan, at di carampatang sumira
nang pangungusap, maliban na lamng cun may
tunay ana pinagcabalahan. Alamin ang oras nang
houag dumating na maaga, at houag namang
mahuli.
Feliza, si Honesto palibhasa, i, bata, hindi malayo
na sa paquiquipagcapouatauo, ay magpaquita
nang capusucan nang loob, cun macarinig nang
capusucan nang loob, cun magcbihira, i, di
macapag paparaan, caya pangungusapan mo na
iilagan ang paquiquipagtalo.
Cun macarinig nang di catouiran at di
mapangaralan ang ngaungusap, ay pa-raanin, cun
ang macarinig ay linis sa cato-tohanan, ay houag
sagasain, nang di pagtalunan.
Si Honesto, i, na sa panahon pa nang pagaaral
nang ucol sa Dios, ganag sarili at sa
paquiquipagcapuoa tauo, caya turoan mong
tumupad, nitong tatlong catungculan, na
catampatang pag-aralan nang isang cristiano.
Cun matutong cumilala, sumamba, t,
mamintuho sa Dios, ay di lalaquing bulag ang
isip, matututong umilag sa casalanan,
mamimihasang gumaua nang cabanalan,
matiticman ang caguinhauhan at magandang
capalaran quinacamtan dito sa ibabao nang lupa
nang isang catoto nang Dios, na sampong sa
hirap at casaquitan ay nacaquiquita nang toua’t
caligayahan, inaaring cruz na magaang pasanin,
minamatamis sa loob, tinatanggap nang boong
pagibig, at palibhasa, i, natatanto na di
macasususnod nang langit, cin di magpasan
nang Cruz.
Natatanto rin naman na mag cacadalaua ang
hirap nang di marunong umayon sa calooban
nang Dios, hirap na ang dumarating ay
naghihirap pang lalo sa di pagcatutong magtiis,
sapagca’t iquinagagality, at cun minsa, i,
ipinangangalit ay lalong nalulubog sa hirap.
Nguni ang marunong magtiis, ay magtiis,
nacararanas nang toua sa hirap, sapagca, t,
inaaring cruz na bigay nang Dios, at
minamatamis sa loob.
Cun si Honesto, i, matuto nang catungculang
ucol sa caniyang sarili, cahit ualang tauong
sucat sacsing cahihiyan, cahit hualang taoung
sucat macquita na sa caniya, i, sumisi, ay di
pahihinuhod ang loob sa isang licong isip, di
mapapanibulos sa isang gaua cayang lihis sa
matouid, at palibhasa, i, natatanto ang boong
cahulugan nang masama at magaling.
Cahit paghandogan nang boong cayamanan at
carangalan sa mundo, cahit pagpisanan nang
lahat nang hirap, cahit icatapos nang buhay, ay
di magpapahamac gumaua nang icacasira nang
sariling puri, palibhasa, i, natatanto yaong
matouid na hatol nang Dios Espirito Santo na
isinulat Ni Solomon; magpilit cang mag-ingat
nang magandang pangalan, ang cahuluga, i,
magmahal ca sa asal.
Cun Matutong maquipagcapoua tauo, i,
magpapacailag sa quilos, asal at pangungusap
na macasusucal sa mata nang iba, at di man
cusain, ay calulugdan at iibiguin nang lahat.
Ipagcaloob naua nang Dios na matandaan at
itanim sa dibdib ni Honesto itong maicling
hatol na isinulat co sa iyo, at nang malagui sa
pag-ibig sa Dios, at matutong magpacamahl sa
asal. Adios, Feliza, hanggang sa isang sulat.
URBANA.
ANG CALINISAN9
Manila....
MINAMAHAL CONG CAPATID: Alinsunod sa
pagsunód co sa cahin~gian mo na isulat co sa
iyo ang mágandang aral na aquing tinangap sa
maestra, ay minatapat co na dito,i, ipahayag sa
iyo ang ayon sa calinisan. Tanto co na icao at si
Honesto hinguil sa magandang asal na ito,
n~guni dito,i, siya co ring saysay at ang aquing
nasa,i, siyang cauilihan nang iyong loob at
panatilihan, sapagca,t, ang cahusayan nang
calinisan sa asal ay salamin nang calinisan nang
caloloua.
Pagca tapos nang pagpupuri sa Dios, ang
pagpilitan nang tauo ay ang paglilinis nang
catauan, na para nang aquing sinaysay sa man~ga
unang sulat, ay isusunod ang pagsisicap na ang
damit na isosoot ay malinis; at ang calinisang ito ay
di dapat limutin nang tauo sa bahay man, sa
simbahan at sa lansangan man sapagca,t, ang
calinisan at cahusayan sa batá ó binata, sa may
asaua, ó sa dalaga ay hiyas na quinalulugdan nang
mata at quinauiuilihan nang loob. Ang calinisan at
cahusayan, anaquin; sapagca,t, malinis man at
mariquit ang damit, cun ualang cahusayan, ay di
nagbibigay dilag sa dinaramtan.
Bucod sa calinisan at cahusayang hinihingi, ay
cailangan din naman ang pagbabagay-bagay
sapagca,t, napatataua ang hindi marunong
magucol ucol nang damit, na caparis nang lucsa
na sa pula; gayon din naman ang pagsasalit nang
may halagang cayo sa duc ha at abang damit.
Cun ang pananamit na di nagcacabagay-bagay
ay nacatataua, ang pananamit na mahalay ay
nacasusuclam at nacaririmarim.
Cun magsoot ang isang babaye nang barong
nanganganinag, ualang tapapecho ó panaquip sa
dibdib, ay nacasusuclam tingnan, at ang may
panaquip man ay di rin naitatago ang catauan at
cahit paganhin ang barong nanganganinag sa
isang babaye ay masamang tingnan, sapagca,t,
naquiquita ang calahati nang catauan.
Salamat, Feliza, sa íyong magandang ugali, na
pinagsususón mo ang baro, at iniingatan mong
maquita nang matá ang iyong catauan. Ang
magluang nang bilog, ang mamaro nang maicli,
ang babaye na di marunong magingat nang
caniyang pagquilos, ay parang itinatanyag ang
catauan sa mata nang tauo.
Sucat alalahanín nang manga namamaling binibini
ang malinis na uaní nang isda, na tinatauag
na Pesmulier. Ang isdang ito, ang sabi, ay may suso
sa dibdib, ang palicpic ay malalapad: pagnahuli
nang mangingisda, caraca raca ay ibanababá ang
palicpic at itinataquip sa dibdib at nang di maquita.
¡Magandang caasalan na sucat pagcunang
halimbaua nating manga babaye!
Casunod nang calinisan sa pananamit ang
calinisan at cahusayan sa pamamahay; sapagca,t,
ang carumihan at caguluhán ay nagbabantóg sa
nananhic na ang namamahay ay culang sa bait,
anyaya at magasó. At nang pagcaratihan mo,
Feliza, ay hatol co sa iyo na anomang gamitin mo
ay isauli sa pinagcunang lugar, at bago isauli ay
linisin cun narumihán. Ang hagdanan, cocina at
hihigan ang nagsasaysay nang calinisan nang
may bahay, caya dapat pagiingatan.
Sucat na tandaan nang isang dalaga na siya ma,i,
maganda, mayaman at marunong maghiyas cun
di marunong mamahay, ay uala ring halagá sa
marunong magmasid: sapagca,t, ang babaye ang
nagiingat nang susi nang carangalan sa
pamamahay, carangalang sinisira nang sambulat
na babaye.
Cun ang calinisan ay hinihingi, sa tauo sa
sariling catauan at sa pamamahay ay hinihingi
rin naman sa pagharap sa tauo. Ito ang dahilan
at pangungusap quilos, pagtingin at boong
caasalàn ay sucat ingatan na houag maquitaan
nang casalaulaan ó anyong masama na
icapipintás.
Cun tayo,i, naquiqui usap ay houag i-abot ang
camay cun baga,t, marumi at nang di
pangdirihan: at sacali,t, hingin, ay itangui at
isaysay ang cadahilanan.
Sa pagcain, ang ano mang bagay na ating
gamitin at marumihan nang camay ó nang ating
bibig ay di dapat i-abot sa casalo.
Ano mang gamit natin sa pamamahay ay houag
ipagamit sa iba cun pangdidirihan, maliban na
lamang cun na sa caguipitan at ualá nang
magamit na iba, at capos naman sa panahong
sucat ipaglinis.
Sa pangingibang bahay naman ay dapat ang
pagiingat. Sa paggamit nang casangcapan nang
may bahay ay di ucol ang ualang uastó, ualang
cahusayan at calinisan, sapagca,t, nacamumuhi.
Ang manhic sa ibang bahay na di malinis ang
chapin ó paá, ay nacagagalit sa may bahay, caya
dapat maglinis muna sa pamahiran nang paá.
Sa pagpanhic sa hagdanan ay houag
mananabaco, lalo,t, cun ang sinasadya ay tauong
mayselan. Cun macapanhic na, macapag bigay
galang sa may bahay, houag caracaraca,i, umupó
cun di cun pagutusan: at sacali,t, dumating ang
ibang tauo ay alayan nang loclocan, at cun bagá
ualá nang iba cun di ang inu-upoan natin ay
siyang i-alay.
Ang mangahas bumuclat nang libro ó sulat, ó
dumampót caya nang ano mang bagay na
maquita sa mesa, ay asal nang tauong hamac.
Ang magsalitá nang nacasusuclám sa caharáp ay
masamang paquingan, at totoong pangit sa isang
binibini.
Gayon man, ang magandang caasalan ay
naguiguing viciong nacacamuhi, cun
pinalalampas sa guhit. Nacapopoot sa man~ga
casambahay, at sa sinasamáng palad na
nacacasama sa manga paglacad sa cati, sa
paglayag sa caragatan, ay nacápagbibigáy poot
cun maquita na ang anomang malapit, anomang
maamóy, anomang mahipo ay pinangdidirihan.
Nacálulucod tingnan ang malinis sa pamamahay,
sa pananamit, sa mga paggauá at sa boong
caasalan: nguni ang lahat nang bagay dito sa
mundó ay dapat ituntóng sa guhit, na di ucol na
lampasán.
Ang cahusayan at calinisan ay hiyas na
hinahanap sa babaye at gayon din sa lalaqui,
nguni alalahanin na ang ating manga
casangcapan, damit at madlang pagaari sa
mundo at talagang ipaglilingcod sa tauo. Caya
cahima,t, mahalaga ang anomang pagaari, ay di
sucat mahalin nang ating puso, di dapat na
pagubusan nang ating lacás.
Cun sa pagmamahal sa asal, at sa calinisan ay
nágcuculang ang manga babaye, ay lalo ang
manga lalaqui.
Namamasdaan ngayon ang mamaro nang maicli,
ang salauál ay manipis at madalang, ¿ano ang
sinasaysay nang asal na ito?
Ang sinasaysay ay casalaulaan, caculangan nang
hiya at bait nang sumusunod sa mahalay
na moda.
Masamang casalan na pangsira sa manga
caloloua, nunucao nang galit nang Dios na tayo,
parusahan!
Ipagcaloob nauá nang Langit na maliuanagan:
ang nagcacamaling bait nang cabinataan.
Ingatan ca nang Dios, Feliza.—URBANA
DRAMA
- the most effective tool in propagating the new
faith for the early missionaries.
- brought the memories of auto sacramentales,
short religious plays popular in Europe since
the 13th century which presents liturgical
tableaus during Holy Week services.
These tableaus evolved into plays which
necessitates wide space for their presentation.
Thus, the Panunuluyan took the form of a
procession along village roads and the Cenaculo
had to be staged on makeshift entablados in
church patios or vacant lots.
The comedia and zarzuela were also introduced
from the Europe. Zarzuela became the potent
vehicle for social protest during the early days of
the American regime.
These religious dramas highlight Christmas and
Holy Week celebrations until now.
PANUNULUYAN
PANUNULUYAN
- literally means ―seeking entrance‖, is the
Tagalog version of the Mexican posadas.
- held on the eve of Christmas, it dramatizes
Joseph’s and Mary’s search for lodging in
Betlehem.
- also called pananapatan or panawagan in
some Tagalog communities.
The procession, headed by the pair, starts from
the church late in the evening and wends its way
through the principal steets of the community,
stopping in front of designated houses which
have been gailey decorated for the occasion.
In each house waits a choir member who would
sing the role of maybahay (homeowner).
The dialogue transpires between Joseph and
Mary on the street and the homeowner at the
balcony of the house.
Houseowner after houseowner would refuse the
couple entrance, giving as a reason that the house
was already full to the rafters, that it was not his
policy to admit strangers at a late hour, or that the
couple look too poor to pay the same price for
lodging that the other guests did.
The procession winds up in a stable (the church)
where the Midnight Mass celebrating
Christ’s birth is held.
S. Josef – O Essposang lubhang hirang
Mariang cadamay damay,
Tayo ngayo,i, mag lalacbay
Sa Beleng ating Bayan
Alinsunod sa edicto
Ni Cesar Emperador dito,
Ay papasoc ngayon tayo
Sa bayan nan gating tribu.
M. na V. – Cun gayon esposong liyag.
Abatana at lumacad,
At alinsunurin agad,
Ang sa utos na pahayag.
S. Josef – Nagdaramdam yaring puso
Sa pagca,t, lubhang malayo,
Sa cabuntisan mo’t anyo
Pangabang icao,i mahapo.
M. na V. – Yao,i, houag panimdimi’t
Ang Dios ay maauain;
Sa marahang lacad natin
Ang Belen ay sasapitin.
Caya abatat,t, lumacad,
Tiisin ang madlang hirap,
Nang tayo,i, macatupad
Sa Eperador na atas.
S. Josef – Dios, cami,i, alalayan
Sa mahabang lalacaran,
Sacloloha’t itangcacal
Sa esposang cabuntisan.
Itangol mo sa panganib
Si Mariang sinta’t ibig
Sa Belen ay nang sumapit
Cami na ualang ligalig.
Ang sangol na na sa tian,
Yamang Anac mo ring Tunay,
Sa pagod at cahirapan,
Si Maria,i, itangcacal.
Sa pagca’t sa aquing malas
Di na malalao’t, sisicat
Dito sa sangmaliuanag
Ang mananacop sa lahat.
M. na V. – O minumutia cong Josef,
Esposong bigay nang Langit,
Sa Belen baga ang nais
na papasucan ta ibig?
S. Josef – Oo’t doon maquiquita
Cay David na descendencia,
Hinlog at camaganac ta,
Na pinag mulan nang una.
M. na V. – Josef ang iyong tinuran,
Icaa-alio sa pagal,
At atin ngang madadalao
Ang boong camaganacan.
Caya esposo cong ibig
Itiuasay na ang dibdib,
Sa aua’t tulong nang Langit
Sa paruruna,i, sasapit.
Houag cang mag agam-agam
Na aco,i, hindi tatagal,
Pagca,t, yaring cabuntisan
Dios ang nagtatangcacal.
Icao ang aquing panimdim,
Pagca,t, matanda na, guilio,
Caya ibig cong maligning
Ang calayuan nang Belen.
S. Josef – Belen sa pinangalingang
Nazaret, ang calayuan
Husto manding tatlong arao,
Na ating pag lalamayan.
Caya aco,i, nanganganib,
Baca mahapo ca, ibig,
Cun sa daa,i,magcasaquit
Anong ating masasapit.
M. na V. – Oo nga’t gayon din naman
Aco sa iyong calagayan,
Nguni’t tayo,i, na sa camay
Niyaong Dios na may capal.
Sa caniya ca dumalangin
At aco naman,i,gaon din
Nang mahusay tang sapitin
Ang Beleng sadya natin.
S. Josef – Dios at Panginoong co,
Cami po ay panunghan mo,
Sampo nang Divino Verbo
Sa tian ng esposa co.
M. na V. – Sumapit nauang tahimic
Sa Beleng aming nais
O Dios na mapag tangquilic,
i-adya cami sa panganib.
Dito,i,hihinto muna, at pagcalacad
Nang ilang hacbang ay isusunod:
M. na V. – O Josef na casting guilio,
Ang gabi lubhang malalim,
Malayo pa ba ang Belen
Dito sa paglacad natin?
Aco,i, nagdaramdam
Nang camunting capagalan,
At icao,i, gayon din naman
Sa toui quitang mamasdan.
S. Josef – Hindi na malayo liyag,
Ang Belen sa ating lacad,
Sa sandal mamalas
Ang mga bahay sa ciudad.
Dito,i, hihinto na naman, at
pagca laced nang ilang hacbang ay
isusunod:
M. na V. – Josef, aquing natatanao
Sinabi mong manga bahay,
Pasalamat sa may capal
Darating quitang mahusay.
Habang nalalapit tayo,
Ay tila naririnig co,
Na sa Belen ay magulo
Ang alingaongao nang tauo.
S. Josef – Gayon nga, aquing liyag
At madla na ang lumacad
Na umuui sa pag tupad
Nang cay Cesar na atas.
Dito,i, hihinto uli, at pagca laced
Nang camunti ay isusunod:
S. Josef – O esposang aquing guilio,
Na ito na quita sa Belen,
Pasalamat sa Dios natin
Maguinhaua tang dinating.
M. na V. – Oo, Josef cong casto
Bago mag tuluyan tayo
Huminto at managano
Sa Dios na masaclolo
Ihihinto ang pag lacad at gagawin
Ang pasasalamat sa Dios:
S. Josef - Dios at Haring mataas,
Cami po,i, nagpapasalamat,
Mahaba man ang linacad
Di cami nagca-bagabag.
Cun di puyat munting pagod
Na aming inihahandog
Sa camay mo’t nacasunod
Nang sa cay Cezar na utos.
Itutuloy ang pag lacad at isusunod:
M. na V. – O mataimtim cong Josef,
Esposong casto at ibig,
Ngayon natin masisilip
Ang boong anac ni David.
Pasasalamat na handog
Sa di matingcalang Dios
Inuulit naming taos
Sa puso co’t aquing loob.
Nguni nang upang mag bauas,
Capagalan nati’t puyat,
Tayo dito ay humanap
Nang matirahang maluag.
Iyo na bagang na pag masdan
Ang sa tauong cacapalan,
Na tila uala nang tunay
Tayong mapanuluyan.
Alin mang aquing lingapin
Na manga bahay sa piling
Puno na nang panaohin
Tayo ay saan hihimpil?
Pag himpil sa unang bahay-belen na
Dahil sa bagay na ito ,i, ihahanda:
S. Josef – Tayo ay huminto muna
Minumutia cong Esposa
At baca dito,i, maluag pa,
Na maca panuluyan quita.
Pagcat, icao,i, nagpapagal,
At aco,i, gayon din naman.
Ang ating pag masdan masdan,
Cun dito,i, magcacalugar.
M. na V. – tila mandin sa masid co,
Minumutia cong Esposo,
Ualang calalaguian tayo,
Lubhang marami ang tauo.
Mabuti rin ang tumauag,
Baca sacaling tumangap,
Pagca’t, alangan sa oras
Itong ating pag lalacad.
S. Josef – Cun gayon ay tatauag na,
Aco mutia cong Esposa,
Yamang dito ay bucas pa,
nang tayo ay mapahinga.
Pag tauag sa may bahay:
S. Josef – O guinoong may bahay,
Mag dalitang cami,i, dungao,
Amponin, at cahabagan
Sa mahal mo pong tahanan.
Upang lumubay ang pagod
Naming magcasi at irog,
At ang puyat ay umuntos
Sa mahal mong pag cocopcop.
Pagdungao at pag sagot nang may
bahay:
May bahay – Tabi po’t maitanong
saan sila buhat ngayon,
saan naman mag tutuloy
nitong gabing inyong layon.
S. Josef – Doon po cami nag buhat
Sa Nazaret naming ciudad,
Dito talagang tatambad
Dahil kay Cezar na atas.
M. na V. – Pag lalacad naming ito
Tatlong araw na pong justo,
Caya po maguinoo,
Cami ay kahabagan mo.
May bahay – Hindi co man ipagsaysay,
Inyo na pong namamasdan
Na halos mutoc na lamang
Sa tauo ang aquing bahay.
S. Josef – Cahit na po sa isang piling
Cami,i, inyong amponin
Maguing habag na sa aquin,
At sa Esposa cong guilio.
M. na V. – Diman cami maca bayad
Guinoo, sa iyong habag,
Ang aua mo,i, masusulat
Sa libro nang mapapalad.
May bahay – Cun dini sana,i, may
lugar,
Gaano ang cayo,i, tulutan,
Di ba ninyo namamasdan
Aco,i, ualang calaguian.
S. Josef – Paalam na po maguinoo,
At sa iba cami tutungo,
Virgen Mariang Poong co,
Papaano caya tayo!
Itutuloy ang pag lacad.
S. Josef – Halina acquing Esposa
Mag inot lumacad quita
At masdan natin sa iba,
Cun matutuluyan pa.
At cun sa loob nang bayan
Uala quitang cahantungan,
Cahit sa cubo sa ilang
Ay tayo,i, mag pahingalay.
Caya mag tiis-tiis ca,
Lumacad nang ilang dipa,
At nang quita,i, macaquita
Nang mapag pahingahan ta.
Anong laquing cahirapan,
Virgen ang iyong quinamtan,
Nanghihina ca nang tunay,
Ay di pa mapahingalay.
M. na V. – O, Esposong casting liyag,
Icao,i, houag mabagabag,
Nanghihina man sa lacad,
Mag inot quitang humanap.
Nang bahay sa daco riang
Ating mapanuluyanan,
Caya nga magtanao-tanao
Nang may calouag-louagan.
S. Josef – Cahimanauari Virgen,
Gunita mo,i, camtan natin,
Nguni at sa aquing tingin
Saan ma,i, punoan din.
M. na V. – Sumulong-sulong pa tayo,
At doon sa daco-daco,
Baca caonti ang tauo,
Tumauag na panibago.
Pag hinto sa tapat nang icalauang
Bahay-belen na dahil din sa bagay
Na ito,i, ihahanda:
S. Josef – itong quinatapatan ta,
Tila malouag-louag pa,
Mabuti,i, tumauag quita
Yamang di pa nasasara.
Pag tauag sa may bahay:
S. Josef – O guinoo pong may bahay,
Cami,i, nagbibigay galang,
At tuloy nanunuluyan
Cun inyo pong calooban.
May bahay – Sila po nama,i, gayon Din,
At saan baga nangaling?
Pangalan ninyo,i, sabihin,
Upang aquing maligning,
S. Josef – Cami po,i, mag casi’t Sinta
Na si Josef at si Maria,
Capagalan naming dala
At puyat ay malaqui na.
Doon po cami nag buhat
Sa Nazaret na Ciudad,
At dito kami lalagac
Sunod cay Cezar na atas.
M. na V. – Caya cami,i, cahabagan,
O guinoong may bahay,
Patuluyi’t saclolohan
Sa malaqui naming pagal.
May bahay – Cayo,i, hindi masisicsic,
At dini po ay masiquip,
Sa iba na cayo lumapit,
Baca sacaling maguiit.
S. Josef – Cahit na po saang lugar
Nang mahal mong pamamahay,
Mabauas-bauasan lamang,
Yaring aming capagalan.
M. na V. – Para na pong cauang gaua,
Guinoo sa panghihina,
Ang Dios haring daquila
Ang gaganti sa iyong aua.
May bahay – Mabuti po,i, sumulong na,
Cayo,i, cumita nang iba,
Sinabi co na cangina,
Na dini ay masiquip na.
S. Josef – Cun gayo,i, cami paalam
Sa iyo, guinoong may bahay,
O Virgeng lubhang pagal,
Anong laquing cahirapan!
Paano caya ang pagod mo,
Esposang guiniguilio co
Saan aco patutungo
Sa tinitiis mong ito.
Itutuloy ang pag lacad.
M. na V.- Tayo,i, lumacad lacad pa,
At upanding macaquita,
Italaga ang pag-asa
Sa aua nang Dios na Ama.
Hintain ang calooban
Nang Dios Amang maalam,
Ualin mo sa gunamgunam
Ang pangambang ano pa man.
S. Josef - Oo nga, aquing senora,
Sa sabi mo,i, natitira,
Sunod ang aquing pag-asa
Sa loob nang Dios Ama.
Nguni’t icao, Virgeng ibig,
Esposa cong mapag tiis,
Ang laguing nasasa dibdib
Sa dalitang nasasapit.
M. na V. – Ay anong ating gagauin,
Esposong caguilio guilio,
Hanggang nacacaya natin,
Sa iba,i, mag tingin tingin.
Yaman ating nababata
Ang tayo,i, macalacad pa,
Pag inotang hanapin ta,
Cun may maaauang iba.
S. Josef – Dito ay maraming bahay,
Na sa tingin ko,i, madalang
Ang tauong nanunuluyan,
Caya nga ating tauagan.
Halina, Esposang ibig,
At tayo dito ay lumapit,
Magmacaauang humibic
Upang quita ay mapanhic.
M. na V. – Halina, casto cong guilio,
Ang nasa mo,i, sundin natin,
Tauagan yamang bucas din,
Baca tayo,i, patuluyin.
Ihinto sa icatlong bahay-belen na
Dahil din sa manga bagay na ito
Ay ihahanda.
S. Josep – Guiniguilio na may bahay,
Sandaling cami,i, titigan,
Amponin at cahabagan,
Sa malaquing capagalan.
May bahay – Sino cayong tumatauag?
Ngalan ninyo,i, ipagbansag,
Sabihin cun saan buhat,
At anong pacay na hanap.
S. Josef – Cami po,i, mag casi’t Ibig,
Na si Maria at si Josef
Na nag buhat sa Nazaret,
Pagpasoc dito ang nais.
M. na V. – Sunod sa utos na bago
Ni Cezar na Augusto,
Sa dalita namin ito
Ang hingi po,i, amponin mo.
May bahay- Marami cayong dinaanan
Lubhang malalaquing bahay,
Ano’t dito nanuluyan
Sa masiquip cong tahanan?
S. Josef – Dinaanan nga,i, marami
Tama po ang iyong sabi;
Nguni’t nangag si si tangui
At ualang calaguian cami.
M. na V. – Caya nga po sa habag mo,
Cami ay nananagano,
Pagal lamang na totoo,
Puyat na di mamagcano.
May bahay – Cayo man po,i, patuluyin
Ay mangag sis i alis din,
Sa pagca’t lubhang masinsin
Manga tauo cong darating.
Mabuti pa ang humanap
Nang ibang maluag luag;
Mag inot na cayong lumacad
Nang di culangin sa oras.
S. Josef – Maauaing Dios Ama,
Hulugan cami nang gracia,
Upang din pong macaquita
Nang tirahang aming pita
Cami po,i, napa aalam
Sa inyo guinoong may bahay;
Halina, Esposang hirang,
Mariang lubhang timtiman.
Ipatuloy ang pag lacad.
S. Josef - Madudurog yaring dibdib
Sa toui cong mamamasid,
O Virgeng sinta’t ibig,
Ang madla mong nasasapit.
Nanasoc sa aquing balac
Quita,i, paloual sa ciudad,
At sa buquiring humanap
Yamang dito,i, ualang palad.
M. na V – Ang balac mo, castong Josef,
Nunuco sa aquing isip,
Tumauag tayo sa Langit,
At tunguhin ta ang buquid.
Ilayo mo sa panimdim
Ang cahinaan co, guilio,
Abata’t houag tumiquil,
Nang di lubhang pagabihin.
Dito,i, hihimpil muna ang pag canta
At pagca lacad nang ilang hacbang
Ay isusunod:
M. na V – Loal na mandin nang bayan
Itong ating na tausan,
Nguni’t ualang isang bahay,
Na dito ay matanaoan.
Gayon ma,i, tayo ,i,sumulong,
At upan ding maca sumpong
Nang yungib o caya burol;
Sumilong cahit sac ahoy.
S. Josef – Yaon din ang aquing masid
Sa lacad tang ito, ibig,
At uala naming marinig,
Pagca’t ang gabi,i, tahimic.
Ihihinto ang pag lacad at saca
isusunod:
S. Josef – Quita,i, tumiguil dito’t
Mag tingin tingin cun ano,
Tila mandin sa masid co
Ay na papalayo tayo.
Icao ay aquing alaala
Minumutia cong Esposa,
Pagca’t tantong hapo ca na,
Aco,i, tila nangangamba.
M. na V. – Yao,i, houag panimdimin,
At aco,i, tatagal mandin,
Nguni’t ang pagod mo, guilio,
Ang di co macayang bathin.
Baquit itong linalamay
Tila malauac na parang;
Anong ating cararatnan,
Cun quita,i, ualang silungan!
Caya ibig cong maligning,
Josef na casto cong guilio,
Ang lugar na ito ,i, alin,
Sacop baga nang Belen?
S. Josef – Oo, at sa aquing masid
Sa Belen tayo,i, malapit
Malayo quita’t di ibig
At baca di ca sumapit.
M. na V. – Icao ang aquing ala-ala,
Totoo manding hapo ca na,
Cun ualang silungan quita,
Papaano quitang dalaua!
Itutuloy ang pag lacad.
M. na V. – Dito ay mag tanao-tanao
Nang cahoy na masilungan,
Nang quita,i, mapahingalay
Bago mag madaling arao..
Cun malapit na sa Simbahan ay ihinto
ang pag lacad at ito ang sasabihin.
S. Josef – O Esposang Mariang Virgen,
Tayo muna ay tumigil,
At mamasdan con magaling
Yaring aquing napapansin.
Itong ating natapatan,
Establo manding silongan
Nang Jumentong sinasaquaian
Nang nangag sis i pag daan.
M. na V. – Sa masid co nama,i, cueva,
O tinatauag na gruta,
Hantungan nang manga tupa,
At hayop na iba’t iba.
Ipatuloy ang pag lacad hangang sa
pinto
nang Simbahan, at bago masoc
ay cantahin ang sumusunod:
S. Josef – Mahanga,i, ating pasuquin,
At usisaing magaling,
Nang upang ating malining,
Cun tayo,i, maca hihimpil.
M. na V. – Cun gayon, abating masoc,
At nang ating mapanood,
Esposo cong sinta’t irog,
Cun ano ang na sa loob.
Pag pasoc sa Simbahan:
S. Josef – Uala cahit isang tauo,
At hayop man sa tingin co,
Na nag si si gala rito,
Sa gubat nitang na tungo.
Dito ,i, humimpil na quita,
Minumutia cong Virgen Maria,
Ang pagal mo ,i, nang mag baua,
At nang tayo,i, mapahinga.
M. na V. – O Esposong sinta’t irog,
Quita muna ,i, maniclohod,
Ipag pasalamat sa Dios
Ang dito, i, ating pag pasoc.
Pagca pasoc nang procession sa
Simbahan o sa Visita man o sa ibang
lugar na pa-
nalanginan na pinag gagauan nito ay
may si luhod ang lahat, at saca canta-
hin ang versong casunod:
Mahal na Virgen at S. Jose:
O Hari nang boong ligaya nang Langit!
Guinhawa nang baling nagdadalang
saquit,
Sa mahal mong aua,i amin ding nasapit
Ang tirahan ito pita nami,t, nais.
Cami,i, ualang dilang ipagpasalamat
Sa lubos na biyayang aming tinangap
Sa manga camay mo’t purihin nang
ganap
Nang manga Angeles ang Haring
mataas.

More Related Content

PPTX
Urbana at Feliza
Cynthia Buque
 
PPTX
May Bagyo ma't May Rilim
MontecriZz
 
DOCX
Urbana at Feliza
Bren Dale
 
PDF
Fijian - Testament of Judah.pdf
Filipino Tracts and Literature Society Inc.
 
PPTX
486237345-Representation-and-the-Philippine-Canon-2.pptx
RauleneMolo
 
PPT
Ang Pagtutuli
Joy Marie Dinglasa Blasco
 
PPTX
Quarter 3-Aralin 2. matatag curriculum pptx
danilyncervanez1
 
Urbana at Feliza
Cynthia Buque
 
May Bagyo ma't May Rilim
MontecriZz
 
Urbana at Feliza
Bren Dale
 
Fijian - Testament of Judah.pdf
Filipino Tracts and Literature Society Inc.
 
486237345-Representation-and-the-Philippine-Canon-2.pptx
RauleneMolo
 
Quarter 3-Aralin 2. matatag curriculum pptx
danilyncervanez1
 

Similar to Phil. literature-prose and drama (20)

PPTX
417116012-panitikan-sa-panahon-ng-kastila-pptx.pptx
RossanthonyTan
 
DOCX
project in AP
aaronpaul15
 
PPTX
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
Sanji Zumoruki
 
PPT
Pagsusuri ng Maikling Kwento
Ferdos Mangindla
 
PPTX
urbana at felizaasdadadsadsadasdasdada.pptx
JARYLPILLAZAR1
 
PDF
Fijian - Testament of Benjamin.pdf
Filipino Tracts and Literature Society Inc.
 
PPTX
ang paksa ay tungkol sa kaligirang kasaysayan ng balagtasan
Jinwla
 
PPTX
panitikan sa bansang pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga espanyol
BaczDelsHanna
 
PDF
Tsonga - The Epistle of Apostle Paul to Titus.pdf
Filipino Tracts and Literature Society Inc.
 
PPTX
Pananakop ng Espanya Filipino 7mmmm.pptx
marryrosegardose
 
PPTX
Kartilya ng KatipunanKartilya ng KatipunanKartilya ng Katipunan.pptx
Gavin Malala
 
PPTX
Aralin sa Filipino 10 ANG KWINTAS - Copy.pptx
MARISHRAMOS2
 
PPTX
Panitikan Panahon bago dumating ang kastila
JenielynGaralda
 
PDF
Mizo - Testament of Gad.pdf
Filipino Tracts and Literature Society Inc.
 
DOCX
Makamisa final
April Rose Supangan
 
PPTX
MGA ANYO NG PANITIKAN: PANAHON NG MGA KATUTUBO
TharaJillWagan
 
PDF
Fijian - Book of Baruch.pdf
Filipino Tracts and Literature Society Inc.
 
PPTX
LESSON-1hghhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
leomarken0826
 
DOCX
Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese.docx
airenecruz3099
 
417116012-panitikan-sa-panahon-ng-kastila-pptx.pptx
RossanthonyTan
 
project in AP
aaronpaul15
 
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
Sanji Zumoruki
 
Pagsusuri ng Maikling Kwento
Ferdos Mangindla
 
urbana at felizaasdadadsadsadasdasdada.pptx
JARYLPILLAZAR1
 
Fijian - Testament of Benjamin.pdf
Filipino Tracts and Literature Society Inc.
 
ang paksa ay tungkol sa kaligirang kasaysayan ng balagtasan
Jinwla
 
panitikan sa bansang pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga espanyol
BaczDelsHanna
 
Tsonga - The Epistle of Apostle Paul to Titus.pdf
Filipino Tracts and Literature Society Inc.
 
Pananakop ng Espanya Filipino 7mmmm.pptx
marryrosegardose
 
Kartilya ng KatipunanKartilya ng KatipunanKartilya ng Katipunan.pptx
Gavin Malala
 
Aralin sa Filipino 10 ANG KWINTAS - Copy.pptx
MARISHRAMOS2
 
Panitikan Panahon bago dumating ang kastila
JenielynGaralda
 
Mizo - Testament of Gad.pdf
Filipino Tracts and Literature Society Inc.
 
Makamisa final
April Rose Supangan
 
MGA ANYO NG PANITIKAN: PANAHON NG MGA KATUTUBO
TharaJillWagan
 
Fijian - Book of Baruch.pdf
Filipino Tracts and Literature Society Inc.
 
LESSON-1hghhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
leomarken0826
 
Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese.docx
airenecruz3099
 
Ad

More from Nelsie Grace Pineda (13)

PPTX
Power & Politics
Nelsie Grace Pineda
 
DOCX
Research report on phil. housing finance sector of Philippines
Nelsie Grace Pineda
 
DOCX
Appendices housing
Nelsie Grace Pineda
 
PPTX
leadership
Nelsie Grace Pineda
 
PPTX
communication
Nelsie Grace Pineda
 
PPTX
Elasticity and its application
Nelsie Grace Pineda
 
PPTX
Correlation continued
Nelsie Grace Pineda
 
PPTX
Social stratification
Nelsie Grace Pineda
 
PPTX
Robert frost
Nelsie Grace Pineda
 
PPTX
Leonardo da vinci artworks
Nelsie Grace Pineda
 
PPTX
Learning, perception and attribution
Nelsie Grace Pineda
 
PPTX
Consumer Act of the Philippines
Nelsie Grace Pineda
 
PPTX
Monopoly
Nelsie Grace Pineda
 
Power & Politics
Nelsie Grace Pineda
 
Research report on phil. housing finance sector of Philippines
Nelsie Grace Pineda
 
Appendices housing
Nelsie Grace Pineda
 
communication
Nelsie Grace Pineda
 
Elasticity and its application
Nelsie Grace Pineda
 
Correlation continued
Nelsie Grace Pineda
 
Social stratification
Nelsie Grace Pineda
 
Robert frost
Nelsie Grace Pineda
 
Leonardo da vinci artworks
Nelsie Grace Pineda
 
Learning, perception and attribution
Nelsie Grace Pineda
 
Consumer Act of the Philippines
Nelsie Grace Pineda
 
Ad

Phil. literature-prose and drama

  • 2. PROSE - consists didactic pieces and translations of religious writings in foreign languages, such as novenas and biographies of saints, aside from catechetical manuals and the linguistic works of the friar-lexicographers and grammarians.
  • 3. Aral na Tunay na Totoong Pag aacay sa Tauo nang manga Cabanalang Gaua nang mga Maloalhating Santos na si Barlaan at si Josaphat (1712) - Fr. Antonio de Borja, S. J. - Tagalog translation of a Spanish version by Fr. Baltazar de Santa Cruz, O. P., of a long narrative in Greek attributed to St. John Damascene.
  • 4. Juan Evangelista’s Tagalog version (1886) of Enrique Perez Escrich’s El Martir del Golgota (1863) -A fictional biography of Christ which, together with the pasyon, became a popular source book for Cenaculo wrtiters. Fr. Miguel Lucio Bustamante’s Si Tandang Basio Macunat (1882)
  • 5. URBANA AT FELIZA - Fr. Modesto de Castro
  • 6. URBANA AT FELIZA - published in 1885, took the form of the epistolary novel with the full title of : “Pag susulatan ng dalawang binibini na si Urbana at Feliza na nagtuturo ng mabuting caugalian” - an exchange of letters between two sisters: Urbana, who is a student in colegio in Manila and Feliza, who lives in the province with their parents.
  • 7. LAGDA -Equivalent work among the Visayans for Urbana at Feliza - A compilation of maxims, possibly written by a native clergyman and first published under the title of “Caton Cristiano”
  • 8. ANG PAGDALAO8 Manila…. FELIZA: Isa sa mga gaung tapat na ipinag-uutos nang paquiquipagcapuoa tauo, ay ang pagdalao sa camaganac, caibigan o caquilala cun capanahonan cun dinadalao nang masamang capalaran o namamatayan caya ay carampatang dalauin at maquiramay sa catouaan, o aliuin caya sa hirap. Ituro mo Feliza cay Honesto, cun papaano at cailan gagauin ang pagdalao.
  • 9. Ang una una, i, gauin sa capanahonan, at pag di natama sa oras ay naiinip ang dinadalao, at magdadalang hiya ang dumadalao. Sa oras na may guinagaua, lalo’t cun nagagahol sa panahon cun cumacain, humahapon o nagdarasal ay di na uucol gauin, maliban na lamang cun magcadatihan ang nag-dadalauan. Caya dapat ipagtanong ang caugahan (nang bayan at sa lahat nang caquilala) at nang houang madalao sa panahong di uucol.
  • 10. Cun nacasara ang pintoan nang daan, ay tugtuguing banayad at houag dalas-dalas. Cun pamapanhic sa hagdanan, ay patatao, at cun may casamang tauo na ucol igalang ay ilalagay sa maguinhauang panhican. Cun may casamang matanda, at di macacaya, ay tulungang pumanhic, at alalahanin ang panahong haharapin. Cun pumapanhic na sa hagdanan, ay magdarahan nang patungtong sa baitang at huoag maingay at cun may masalubong na matanda o guinoo ay tumigil at paraanin sa canan o sa mabuting daanan.
  • 11. Pagcapanhic nang hagdanan, ay huoag caracara, I tutuloy magpasabi sa alila cun mayroon, at cun uala ay tumugtog nang marahan sa pinto at nang mamalayang may tauo. Cun datnang bucas ang pintoan nang salas o cabahayan, silid o iba cayang pitac nang bahay ay houang sisilip-silip, at sala sa cabaitan. Cun macapagbigay na nang galang sa may bahay, icao ay patoloyin sa cabahayan at paupoin ca ay lumagay nang mahusay, houag magpaquita nang cagaslauan, na para baga nang manguyacoy, magpatong nang paa at magpaguiling-guiling.
  • 12. Cun may dalang sombrero at tungcod, houag ilagay sa lamesa, canafe, cun di sa inaacala na mamatapatin nang may bahay lalong ibinabaual, na ilagay sa sa hihigan. Cun ang dinadalao ay maquita na may gagauin, cacain o aalis caya, ay houag aabalahin, at ang catampata, i, magpaalam. Cun ang dumadalao ay mahal na tauo, ay samahan may hanggang sa daan, at sacali, t gabi ay tanglauan nang candilang may ningas cun mayroon. Cun cayo ay dumadalao, at sa pag-alis ay sasamahan cayo nang may baha’y.
  • 13. Cun sa inyong pagpupulong ay may dumating na ibang tauo na di caratihan, sa caratihan man sacali at inaacala ninyo na may ipahahayag na lihim, ay houag abalahin, magpaalam sa may bahay at sa lahat. Cun lalaqui ang dumadalao sa isang babaye, ay di catungculan ihatid pa sa hagdanan o sa daan, maliban na lamang cun tooong mahal na tauo, nguni, ang lalaqui ay dapat maghatid sa babaye at catamtamang ilagay sa canan.
  • 14. Cun cayo, i, dalauin ay dapat gumati, at cun cayo, i, anyayahan sa isang piguing nang iquinasal o ano mang pagcacatoua, ay nauucol na sa loob nang ualong arao ay gantihan namang dalauin na parang pagpapasalamat sa caniyang paquitang loob. Cun cayo, i, anyayahan sa bahay nang binyag o libing at di nacapag bigay loob, cun macaraan na, ay carampatang dalauin at ipahayag ang cadahilanan. Cun cayo naman ang pa sa libing o sa bahay caya nang namatayan, sila naman ang may catungculan na gumating dumalao.
  • 15. Ang anyaya, i, magagaua sa bibig o sa sulat at ang inaanyayahan, cun ibig pahinuhod ay houag magpairiri at sa ibig sa ayao ay pasasalamatan ang gayong paquitangloob. Cun sacali’t aayao ay tumangi nang mahusay, at ang dahilanin ay ang manga gauain at iba pang bagay na paniualaan, ngunit ciilag sa cabulaanan. Pag napaoo, ay houag sumala sa oras na taning, at cun di macatupad nang pangaco, ay sabihin ang pinacadahilanan, at di carampatang sumira nang pangungusap, maliban na lamng cun may tunay ana pinagcabalahan. Alamin ang oras nang houag dumating na maaga, at houag namang mahuli.
  • 16. Feliza, si Honesto palibhasa, i, bata, hindi malayo na sa paquiquipagcapouatauo, ay magpaquita nang capusucan nang loob, cun macarinig nang capusucan nang loob, cun magcbihira, i, di macapag paparaan, caya pangungusapan mo na iilagan ang paquiquipagtalo. Cun macarinig nang di catouiran at di mapangaralan ang ngaungusap, ay pa-raanin, cun ang macarinig ay linis sa cato-tohanan, ay houag sagasain, nang di pagtalunan. Si Honesto, i, na sa panahon pa nang pagaaral nang ucol sa Dios, ganag sarili at sa paquiquipagcapuoa tauo, caya turoan mong tumupad, nitong tatlong catungculan, na catampatang pag-aralan nang isang cristiano.
  • 17. Cun matutong cumilala, sumamba, t, mamintuho sa Dios, ay di lalaquing bulag ang isip, matututong umilag sa casalanan, mamimihasang gumaua nang cabanalan, matiticman ang caguinhauhan at magandang capalaran quinacamtan dito sa ibabao nang lupa nang isang catoto nang Dios, na sampong sa hirap at casaquitan ay nacaquiquita nang toua’t caligayahan, inaaring cruz na magaang pasanin, minamatamis sa loob, tinatanggap nang boong pagibig, at palibhasa, i, natatanto na di macasususnod nang langit, cin di magpasan nang Cruz.
  • 18. Natatanto rin naman na mag cacadalaua ang hirap nang di marunong umayon sa calooban nang Dios, hirap na ang dumarating ay naghihirap pang lalo sa di pagcatutong magtiis, sapagca’t iquinagagality, at cun minsa, i, ipinangangalit ay lalong nalulubog sa hirap. Nguni ang marunong magtiis, ay magtiis, nacararanas nang toua sa hirap, sapagca, t, inaaring cruz na bigay nang Dios, at minamatamis sa loob.
  • 19. Cun si Honesto, i, matuto nang catungculang ucol sa caniyang sarili, cahit ualang tauong sucat sacsing cahihiyan, cahit hualang taoung sucat macquita na sa caniya, i, sumisi, ay di pahihinuhod ang loob sa isang licong isip, di mapapanibulos sa isang gaua cayang lihis sa matouid, at palibhasa, i, natatanto ang boong cahulugan nang masama at magaling.
  • 20. Cahit paghandogan nang boong cayamanan at carangalan sa mundo, cahit pagpisanan nang lahat nang hirap, cahit icatapos nang buhay, ay di magpapahamac gumaua nang icacasira nang sariling puri, palibhasa, i, natatanto yaong matouid na hatol nang Dios Espirito Santo na isinulat Ni Solomon; magpilit cang mag-ingat nang magandang pangalan, ang cahuluga, i, magmahal ca sa asal. Cun Matutong maquipagcapoua tauo, i, magpapacailag sa quilos, asal at pangungusap na macasusucal sa mata nang iba, at di man cusain, ay calulugdan at iibiguin nang lahat.
  • 21. Ipagcaloob naua nang Dios na matandaan at itanim sa dibdib ni Honesto itong maicling hatol na isinulat co sa iyo, at nang malagui sa pag-ibig sa Dios, at matutong magpacamahl sa asal. Adios, Feliza, hanggang sa isang sulat. URBANA.
  • 22. ANG CALINISAN9 Manila.... MINAMAHAL CONG CAPATID: Alinsunod sa pagsunód co sa cahin~gian mo na isulat co sa iyo ang mágandang aral na aquing tinangap sa maestra, ay minatapat co na dito,i, ipahayag sa iyo ang ayon sa calinisan. Tanto co na icao at si Honesto hinguil sa magandang asal na ito, n~guni dito,i, siya co ring saysay at ang aquing nasa,i, siyang cauilihan nang iyong loob at panatilihan, sapagca,t, ang cahusayan nang calinisan sa asal ay salamin nang calinisan nang caloloua.
  • 23. Pagca tapos nang pagpupuri sa Dios, ang pagpilitan nang tauo ay ang paglilinis nang catauan, na para nang aquing sinaysay sa man~ga unang sulat, ay isusunod ang pagsisicap na ang damit na isosoot ay malinis; at ang calinisang ito ay di dapat limutin nang tauo sa bahay man, sa simbahan at sa lansangan man sapagca,t, ang calinisan at cahusayan sa batá ó binata, sa may asaua, ó sa dalaga ay hiyas na quinalulugdan nang mata at quinauiuilihan nang loob. Ang calinisan at cahusayan, anaquin; sapagca,t, malinis man at mariquit ang damit, cun ualang cahusayan, ay di nagbibigay dilag sa dinaramtan.
  • 24. Bucod sa calinisan at cahusayang hinihingi, ay cailangan din naman ang pagbabagay-bagay sapagca,t, napatataua ang hindi marunong magucol ucol nang damit, na caparis nang lucsa na sa pula; gayon din naman ang pagsasalit nang may halagang cayo sa duc ha at abang damit.
  • 25. Cun ang pananamit na di nagcacabagay-bagay ay nacatataua, ang pananamit na mahalay ay nacasusuclam at nacaririmarim. Cun magsoot ang isang babaye nang barong nanganganinag, ualang tapapecho ó panaquip sa dibdib, ay nacasusuclam tingnan, at ang may panaquip man ay di rin naitatago ang catauan at cahit paganhin ang barong nanganganinag sa isang babaye ay masamang tingnan, sapagca,t, naquiquita ang calahati nang catauan.
  • 26. Salamat, Feliza, sa íyong magandang ugali, na pinagsususón mo ang baro, at iniingatan mong maquita nang matá ang iyong catauan. Ang magluang nang bilog, ang mamaro nang maicli, ang babaye na di marunong magingat nang caniyang pagquilos, ay parang itinatanyag ang catauan sa mata nang tauo. Sucat alalahanín nang manga namamaling binibini ang malinis na uaní nang isda, na tinatauag na Pesmulier. Ang isdang ito, ang sabi, ay may suso sa dibdib, ang palicpic ay malalapad: pagnahuli nang mangingisda, caraca raca ay ibanababá ang palicpic at itinataquip sa dibdib at nang di maquita. ¡Magandang caasalan na sucat pagcunang halimbaua nating manga babaye!
  • 27. Casunod nang calinisan sa pananamit ang calinisan at cahusayan sa pamamahay; sapagca,t, ang carumihan at caguluhán ay nagbabantóg sa nananhic na ang namamahay ay culang sa bait, anyaya at magasó. At nang pagcaratihan mo, Feliza, ay hatol co sa iyo na anomang gamitin mo ay isauli sa pinagcunang lugar, at bago isauli ay linisin cun narumihán. Ang hagdanan, cocina at hihigan ang nagsasaysay nang calinisan nang may bahay, caya dapat pagiingatan.
  • 28. Sucat na tandaan nang isang dalaga na siya ma,i, maganda, mayaman at marunong maghiyas cun di marunong mamahay, ay uala ring halagá sa marunong magmasid: sapagca,t, ang babaye ang nagiingat nang susi nang carangalan sa pamamahay, carangalang sinisira nang sambulat na babaye. Cun ang calinisan ay hinihingi, sa tauo sa sariling catauan at sa pamamahay ay hinihingi rin naman sa pagharap sa tauo. Ito ang dahilan at pangungusap quilos, pagtingin at boong caasalàn ay sucat ingatan na houag maquitaan nang casalaulaan ó anyong masama na icapipintás.
  • 29. Cun tayo,i, naquiqui usap ay houag i-abot ang camay cun baga,t, marumi at nang di pangdirihan: at sacali,t, hingin, ay itangui at isaysay ang cadahilanan. Sa pagcain, ang ano mang bagay na ating gamitin at marumihan nang camay ó nang ating bibig ay di dapat i-abot sa casalo. Ano mang gamit natin sa pamamahay ay houag ipagamit sa iba cun pangdidirihan, maliban na lamang cun na sa caguipitan at ualá nang magamit na iba, at capos naman sa panahong sucat ipaglinis.
  • 30. Sa pangingibang bahay naman ay dapat ang pagiingat. Sa paggamit nang casangcapan nang may bahay ay di ucol ang ualang uastó, ualang cahusayan at calinisan, sapagca,t, nacamumuhi. Ang manhic sa ibang bahay na di malinis ang chapin ó paá, ay nacagagalit sa may bahay, caya dapat maglinis muna sa pamahiran nang paá. Sa pagpanhic sa hagdanan ay houag mananabaco, lalo,t, cun ang sinasadya ay tauong mayselan. Cun macapanhic na, macapag bigay galang sa may bahay, houag caracaraca,i, umupó cun di cun pagutusan: at sacali,t, dumating ang ibang tauo ay alayan nang loclocan, at cun bagá ualá nang iba cun di ang inu-upoan natin ay siyang i-alay.
  • 31. Ang mangahas bumuclat nang libro ó sulat, ó dumampót caya nang ano mang bagay na maquita sa mesa, ay asal nang tauong hamac. Ang magsalitá nang nacasusuclám sa caharáp ay masamang paquingan, at totoong pangit sa isang binibini. Gayon man, ang magandang caasalan ay naguiguing viciong nacacamuhi, cun pinalalampas sa guhit. Nacapopoot sa man~ga casambahay, at sa sinasamáng palad na nacacasama sa manga paglacad sa cati, sa paglayag sa caragatan, ay nacápagbibigáy poot cun maquita na ang anomang malapit, anomang maamóy, anomang mahipo ay pinangdidirihan.
  • 32. Nacálulucod tingnan ang malinis sa pamamahay, sa pananamit, sa mga paggauá at sa boong caasalan: nguni ang lahat nang bagay dito sa mundó ay dapat ituntóng sa guhit, na di ucol na lampasán. Ang cahusayan at calinisan ay hiyas na hinahanap sa babaye at gayon din sa lalaqui, nguni alalahanin na ang ating manga casangcapan, damit at madlang pagaari sa mundo at talagang ipaglilingcod sa tauo. Caya cahima,t, mahalaga ang anomang pagaari, ay di sucat mahalin nang ating puso, di dapat na pagubusan nang ating lacás.
  • 33. Cun sa pagmamahal sa asal, at sa calinisan ay nágcuculang ang manga babaye, ay lalo ang manga lalaqui. Namamasdaan ngayon ang mamaro nang maicli, ang salauál ay manipis at madalang, ¿ano ang sinasaysay nang asal na ito? Ang sinasaysay ay casalaulaan, caculangan nang hiya at bait nang sumusunod sa mahalay na moda.
  • 34. Masamang casalan na pangsira sa manga caloloua, nunucao nang galit nang Dios na tayo, parusahan! Ipagcaloob nauá nang Langit na maliuanagan: ang nagcacamaling bait nang cabinataan. Ingatan ca nang Dios, Feliza.—URBANA
  • 35. DRAMA - the most effective tool in propagating the new faith for the early missionaries. - brought the memories of auto sacramentales, short religious plays popular in Europe since the 13th century which presents liturgical tableaus during Holy Week services. These tableaus evolved into plays which necessitates wide space for their presentation.
  • 36. Thus, the Panunuluyan took the form of a procession along village roads and the Cenaculo had to be staged on makeshift entablados in church patios or vacant lots. The comedia and zarzuela were also introduced from the Europe. Zarzuela became the potent vehicle for social protest during the early days of the American regime. These religious dramas highlight Christmas and Holy Week celebrations until now.
  • 38. PANUNULUYAN - literally means ―seeking entrance‖, is the Tagalog version of the Mexican posadas. - held on the eve of Christmas, it dramatizes Joseph’s and Mary’s search for lodging in Betlehem. - also called pananapatan or panawagan in some Tagalog communities.
  • 39. The procession, headed by the pair, starts from the church late in the evening and wends its way through the principal steets of the community, stopping in front of designated houses which have been gailey decorated for the occasion. In each house waits a choir member who would sing the role of maybahay (homeowner). The dialogue transpires between Joseph and Mary on the street and the homeowner at the balcony of the house.
  • 40. Houseowner after houseowner would refuse the couple entrance, giving as a reason that the house was already full to the rafters, that it was not his policy to admit strangers at a late hour, or that the couple look too poor to pay the same price for lodging that the other guests did. The procession winds up in a stable (the church) where the Midnight Mass celebrating Christ’s birth is held.
  • 41. S. Josef – O Essposang lubhang hirang Mariang cadamay damay, Tayo ngayo,i, mag lalacbay Sa Beleng ating Bayan Alinsunod sa edicto Ni Cesar Emperador dito, Ay papasoc ngayon tayo Sa bayan nan gating tribu. M. na V. – Cun gayon esposong liyag. Abatana at lumacad, At alinsunurin agad, Ang sa utos na pahayag. S. Josef – Nagdaramdam yaring puso Sa pagca,t, lubhang malayo, Sa cabuntisan mo’t anyo Pangabang icao,i mahapo.
  • 42. M. na V. – Yao,i, houag panimdimi’t Ang Dios ay maauain; Sa marahang lacad natin Ang Belen ay sasapitin. Caya abatat,t, lumacad, Tiisin ang madlang hirap, Nang tayo,i, macatupad Sa Eperador na atas. S. Josef – Dios, cami,i, alalayan Sa mahabang lalacaran, Sacloloha’t itangcacal Sa esposang cabuntisan. Itangol mo sa panganib Si Mariang sinta’t ibig Sa Belen ay nang sumapit Cami na ualang ligalig.
  • 43. Ang sangol na na sa tian, Yamang Anac mo ring Tunay, Sa pagod at cahirapan, Si Maria,i, itangcacal. Sa pagca’t sa aquing malas Di na malalao’t, sisicat Dito sa sangmaliuanag Ang mananacop sa lahat. M. na V. – O minumutia cong Josef, Esposong bigay nang Langit, Sa Belen baga ang nais na papasucan ta ibig? S. Josef – Oo’t doon maquiquita Cay David na descendencia, Hinlog at camaganac ta, Na pinag mulan nang una.
  • 44. M. na V. – Josef ang iyong tinuran, Icaa-alio sa pagal, At atin ngang madadalao Ang boong camaganacan. Caya esposo cong ibig Itiuasay na ang dibdib, Sa aua’t tulong nang Langit Sa paruruna,i, sasapit. Houag cang mag agam-agam Na aco,i, hindi tatagal, Pagca,t, yaring cabuntisan Dios ang nagtatangcacal. Icao ang aquing panimdim, Pagca,t, matanda na, guilio, Caya ibig cong maligning Ang calayuan nang Belen.
  • 45. S. Josef – Belen sa pinangalingang Nazaret, ang calayuan Husto manding tatlong arao, Na ating pag lalamayan. Caya aco,i, nanganganib, Baca mahapo ca, ibig, Cun sa daa,i,magcasaquit Anong ating masasapit. M. na V. – Oo nga’t gayon din naman Aco sa iyong calagayan, Nguni’t tayo,i, na sa camay Niyaong Dios na may capal. Sa caniya ca dumalangin At aco naman,i,gaon din Nang mahusay tang sapitin Ang Beleng sadya natin.
  • 46. S. Josef – Dios at Panginoong co, Cami po ay panunghan mo, Sampo nang Divino Verbo Sa tian ng esposa co. M. na V. – Sumapit nauang tahimic Sa Beleng aming nais O Dios na mapag tangquilic, i-adya cami sa panganib. Dito,i,hihinto muna, at pagcalacad Nang ilang hacbang ay isusunod: M. na V. – O Josef na casting guilio, Ang gabi lubhang malalim, Malayo pa ba ang Belen Dito sa paglacad natin?
  • 47. Aco,i, nagdaramdam Nang camunting capagalan, At icao,i, gayon din naman Sa toui quitang mamasdan. S. Josef – Hindi na malayo liyag, Ang Belen sa ating lacad, Sa sandal mamalas Ang mga bahay sa ciudad. Dito,i, hihinto na naman, at pagca laced nang ilang hacbang ay isusunod: M. na V. – Josef, aquing natatanao Sinabi mong manga bahay, Pasalamat sa may capal Darating quitang mahusay.
  • 48. Habang nalalapit tayo, Ay tila naririnig co, Na sa Belen ay magulo Ang alingaongao nang tauo. S. Josef – Gayon nga, aquing liyag At madla na ang lumacad Na umuui sa pag tupad Nang cay Cesar na atas. Dito,i, hihinto uli, at pagca laced Nang camunti ay isusunod: S. Josef – O esposang aquing guilio, Na ito na quita sa Belen, Pasalamat sa Dios natin Maguinhaua tang dinating.
  • 49. M. na V. – Oo, Josef cong casto Bago mag tuluyan tayo Huminto at managano Sa Dios na masaclolo Ihihinto ang pag lacad at gagawin Ang pasasalamat sa Dios: S. Josef - Dios at Haring mataas, Cami po,i, nagpapasalamat, Mahaba man ang linacad Di cami nagca-bagabag. Cun di puyat munting pagod Na aming inihahandog Sa camay mo’t nacasunod Nang sa cay Cezar na utos. Itutuloy ang pag lacad at isusunod:
  • 50. M. na V. – O mataimtim cong Josef, Esposong casto at ibig, Ngayon natin masisilip Ang boong anac ni David. Pasasalamat na handog Sa di matingcalang Dios Inuulit naming taos Sa puso co’t aquing loob. Nguni nang upang mag bauas, Capagalan nati’t puyat, Tayo dito ay humanap Nang matirahang maluag. Iyo na bagang na pag masdan Ang sa tauong cacapalan, Na tila uala nang tunay Tayong mapanuluyan.
  • 51. Alin mang aquing lingapin Na manga bahay sa piling Puno na nang panaohin Tayo ay saan hihimpil? Pag himpil sa unang bahay-belen na Dahil sa bagay na ito ,i, ihahanda: S. Josef – Tayo ay huminto muna Minumutia cong Esposa At baca dito,i, maluag pa, Na maca panuluyan quita. Pagcat, icao,i, nagpapagal, At aco,i, gayon din naman. Ang ating pag masdan masdan, Cun dito,i, magcacalugar.
  • 52. M. na V. – tila mandin sa masid co, Minumutia cong Esposo, Ualang calalaguian tayo, Lubhang marami ang tauo. Mabuti rin ang tumauag, Baca sacaling tumangap, Pagca’t, alangan sa oras Itong ating pag lalacad. S. Josef – Cun gayon ay tatauag na, Aco mutia cong Esposa, Yamang dito ay bucas pa, nang tayo ay mapahinga.
  • 53. Pag tauag sa may bahay: S. Josef – O guinoong may bahay, Mag dalitang cami,i, dungao, Amponin, at cahabagan Sa mahal mo pong tahanan. Upang lumubay ang pagod Naming magcasi at irog, At ang puyat ay umuntos Sa mahal mong pag cocopcop. Pagdungao at pag sagot nang may bahay: May bahay – Tabi po’t maitanong saan sila buhat ngayon, saan naman mag tutuloy nitong gabing inyong layon.
  • 54. S. Josef – Doon po cami nag buhat Sa Nazaret naming ciudad, Dito talagang tatambad Dahil kay Cezar na atas. M. na V. – Pag lalacad naming ito Tatlong araw na pong justo, Caya po maguinoo, Cami ay kahabagan mo. May bahay – Hindi co man ipagsaysay, Inyo na pong namamasdan Na halos mutoc na lamang Sa tauo ang aquing bahay. S. Josef – Cahit na po sa isang piling Cami,i, inyong amponin Maguing habag na sa aquin, At sa Esposa cong guilio.
  • 55. M. na V. – Diman cami maca bayad Guinoo, sa iyong habag, Ang aua mo,i, masusulat Sa libro nang mapapalad. May bahay – Cun dini sana,i, may lugar, Gaano ang cayo,i, tulutan, Di ba ninyo namamasdan Aco,i, ualang calaguian. S. Josef – Paalam na po maguinoo, At sa iba cami tutungo, Virgen Mariang Poong co, Papaano caya tayo! Itutuloy ang pag lacad.
  • 56. S. Josef – Halina acquing Esposa Mag inot lumacad quita At masdan natin sa iba, Cun matutuluyan pa. At cun sa loob nang bayan Uala quitang cahantungan, Cahit sa cubo sa ilang Ay tayo,i, mag pahingalay. Caya mag tiis-tiis ca, Lumacad nang ilang dipa, At nang quita,i, macaquita Nang mapag pahingahan ta. Anong laquing cahirapan, Virgen ang iyong quinamtan, Nanghihina ca nang tunay, Ay di pa mapahingalay.
  • 57. M. na V. – O, Esposong casting liyag, Icao,i, houag mabagabag, Nanghihina man sa lacad, Mag inot quitang humanap. Nang bahay sa daco riang Ating mapanuluyanan, Caya nga magtanao-tanao Nang may calouag-louagan. S. Josef – Cahimanauari Virgen, Gunita mo,i, camtan natin, Nguni at sa aquing tingin Saan ma,i, punoan din. M. na V. – Sumulong-sulong pa tayo, At doon sa daco-daco, Baca caonti ang tauo, Tumauag na panibago.
  • 58. Pag hinto sa tapat nang icalauang Bahay-belen na dahil din sa bagay Na ito,i, ihahanda: S. Josef – itong quinatapatan ta, Tila malouag-louag pa, Mabuti,i, tumauag quita Yamang di pa nasasara. Pag tauag sa may bahay: S. Josef – O guinoo pong may bahay, Cami,i, nagbibigay galang, At tuloy nanunuluyan Cun inyo pong calooban.
  • 59. May bahay – Sila po nama,i, gayon Din, At saan baga nangaling? Pangalan ninyo,i, sabihin, Upang aquing maligning, S. Josef – Cami po,i, mag casi’t Sinta Na si Josef at si Maria, Capagalan naming dala At puyat ay malaqui na. Doon po cami nag buhat Sa Nazaret na Ciudad, At dito kami lalagac Sunod cay Cezar na atas. M. na V. – Caya cami,i, cahabagan, O guinoong may bahay, Patuluyi’t saclolohan Sa malaqui naming pagal.
  • 60. May bahay – Cayo,i, hindi masisicsic, At dini po ay masiquip, Sa iba na cayo lumapit, Baca sacaling maguiit. S. Josef – Cahit na po saang lugar Nang mahal mong pamamahay, Mabauas-bauasan lamang, Yaring aming capagalan. M. na V. – Para na pong cauang gaua, Guinoo sa panghihina, Ang Dios haring daquila Ang gaganti sa iyong aua. May bahay – Mabuti po,i, sumulong na, Cayo,i, cumita nang iba, Sinabi co na cangina, Na dini ay masiquip na.
  • 61. S. Josef – Cun gayo,i, cami paalam Sa iyo, guinoong may bahay, O Virgeng lubhang pagal, Anong laquing cahirapan! Paano caya ang pagod mo, Esposang guiniguilio co Saan aco patutungo Sa tinitiis mong ito. Itutuloy ang pag lacad. M. na V.- Tayo,i, lumacad lacad pa, At upanding macaquita, Italaga ang pag-asa Sa aua nang Dios na Ama.
  • 62. Hintain ang calooban Nang Dios Amang maalam, Ualin mo sa gunamgunam Ang pangambang ano pa man. S. Josef - Oo nga, aquing senora, Sa sabi mo,i, natitira, Sunod ang aquing pag-asa Sa loob nang Dios Ama. Nguni’t icao, Virgeng ibig, Esposa cong mapag tiis, Ang laguing nasasa dibdib Sa dalitang nasasapit. M. na V. – Ay anong ating gagauin, Esposong caguilio guilio, Hanggang nacacaya natin, Sa iba,i, mag tingin tingin.
  • 63. Yaman ating nababata Ang tayo,i, macalacad pa, Pag inotang hanapin ta, Cun may maaauang iba. S. Josef – Dito ay maraming bahay, Na sa tingin ko,i, madalang Ang tauong nanunuluyan, Caya nga ating tauagan. Halina, Esposang ibig, At tayo dito ay lumapit, Magmacaauang humibic Upang quita ay mapanhic. M. na V. – Halina, casto cong guilio, Ang nasa mo,i, sundin natin, Tauagan yamang bucas din, Baca tayo,i, patuluyin.
  • 64. Ihinto sa icatlong bahay-belen na Dahil din sa manga bagay na ito Ay ihahanda. S. Josep – Guiniguilio na may bahay, Sandaling cami,i, titigan, Amponin at cahabagan, Sa malaquing capagalan. May bahay – Sino cayong tumatauag? Ngalan ninyo,i, ipagbansag, Sabihin cun saan buhat, At anong pacay na hanap.
  • 65. S. Josef – Cami po,i, mag casi’t Ibig, Na si Maria at si Josef Na nag buhat sa Nazaret, Pagpasoc dito ang nais. M. na V. – Sunod sa utos na bago Ni Cezar na Augusto, Sa dalita namin ito Ang hingi po,i, amponin mo. May bahay- Marami cayong dinaanan Lubhang malalaquing bahay, Ano’t dito nanuluyan Sa masiquip cong tahanan? S. Josef – Dinaanan nga,i, marami Tama po ang iyong sabi; Nguni’t nangag si si tangui At ualang calaguian cami.
  • 66. M. na V. – Caya nga po sa habag mo, Cami ay nananagano, Pagal lamang na totoo, Puyat na di mamagcano. May bahay – Cayo man po,i, patuluyin Ay mangag sis i alis din, Sa pagca’t lubhang masinsin Manga tauo cong darating. Mabuti pa ang humanap Nang ibang maluag luag; Mag inot na cayong lumacad Nang di culangin sa oras. S. Josef – Maauaing Dios Ama, Hulugan cami nang gracia, Upang din pong macaquita Nang tirahang aming pita
  • 67. Cami po,i, napa aalam Sa inyo guinoong may bahay; Halina, Esposang hirang, Mariang lubhang timtiman. Ipatuloy ang pag lacad. S. Josef - Madudurog yaring dibdib Sa toui cong mamamasid, O Virgeng sinta’t ibig, Ang madla mong nasasapit. Nanasoc sa aquing balac Quita,i, paloual sa ciudad, At sa buquiring humanap Yamang dito,i, ualang palad.
  • 68. M. na V – Ang balac mo, castong Josef, Nunuco sa aquing isip, Tumauag tayo sa Langit, At tunguhin ta ang buquid. Ilayo mo sa panimdim Ang cahinaan co, guilio, Abata’t houag tumiquil, Nang di lubhang pagabihin. Dito,i, hihimpil muna ang pag canta At pagca lacad nang ilang hacbang Ay isusunod: M. na V – Loal na mandin nang bayan Itong ating na tausan, Nguni’t ualang isang bahay, Na dito ay matanaoan.
  • 69. Gayon ma,i, tayo ,i,sumulong, At upan ding maca sumpong Nang yungib o caya burol; Sumilong cahit sac ahoy. S. Josef – Yaon din ang aquing masid Sa lacad tang ito, ibig, At uala naming marinig, Pagca’t ang gabi,i, tahimic. Ihihinto ang pag lacad at saca isusunod: S. Josef – Quita,i, tumiguil dito’t Mag tingin tingin cun ano, Tila mandin sa masid co Ay na papalayo tayo.
  • 70. Icao ay aquing alaala Minumutia cong Esposa, Pagca’t tantong hapo ca na, Aco,i, tila nangangamba. M. na V. – Yao,i, houag panimdimin, At aco,i, tatagal mandin, Nguni’t ang pagod mo, guilio, Ang di co macayang bathin. Baquit itong linalamay Tila malauac na parang; Anong ating cararatnan, Cun quita,i, ualang silungan! Caya ibig cong maligning, Josef na casto cong guilio, Ang lugar na ito ,i, alin, Sacop baga nang Belen?
  • 71. S. Josef – Oo, at sa aquing masid Sa Belen tayo,i, malapit Malayo quita’t di ibig At baca di ca sumapit. M. na V. – Icao ang aquing ala-ala, Totoo manding hapo ca na, Cun ualang silungan quita, Papaano quitang dalaua! Itutuloy ang pag lacad. M. na V. – Dito ay mag tanao-tanao Nang cahoy na masilungan, Nang quita,i, mapahingalay Bago mag madaling arao..
  • 72. Cun malapit na sa Simbahan ay ihinto ang pag lacad at ito ang sasabihin. S. Josef – O Esposang Mariang Virgen, Tayo muna ay tumigil, At mamasdan con magaling Yaring aquing napapansin. Itong ating natapatan, Establo manding silongan Nang Jumentong sinasaquaian Nang nangag sis i pag daan. M. na V. – Sa masid co nama,i, cueva, O tinatauag na gruta, Hantungan nang manga tupa, At hayop na iba’t iba.
  • 73. Ipatuloy ang pag lacad hangang sa pinto nang Simbahan, at bago masoc ay cantahin ang sumusunod: S. Josef – Mahanga,i, ating pasuquin, At usisaing magaling, Nang upang ating malining, Cun tayo,i, maca hihimpil. M. na V. – Cun gayon, abating masoc, At nang ating mapanood, Esposo cong sinta’t irog, Cun ano ang na sa loob. Pag pasoc sa Simbahan:
  • 74. S. Josef – Uala cahit isang tauo, At hayop man sa tingin co, Na nag si si gala rito, Sa gubat nitang na tungo. Dito ,i, humimpil na quita, Minumutia cong Virgen Maria, Ang pagal mo ,i, nang mag baua, At nang tayo,i, mapahinga. M. na V. – O Esposong sinta’t irog, Quita muna ,i, maniclohod, Ipag pasalamat sa Dios Ang dito, i, ating pag pasoc.
  • 75. Pagca pasoc nang procession sa Simbahan o sa Visita man o sa ibang lugar na pa- nalanginan na pinag gagauan nito ay may si luhod ang lahat, at saca canta- hin ang versong casunod:
  • 76. Mahal na Virgen at S. Jose: O Hari nang boong ligaya nang Langit! Guinhawa nang baling nagdadalang saquit, Sa mahal mong aua,i amin ding nasapit Ang tirahan ito pita nami,t, nais. Cami,i, ualang dilang ipagpasalamat Sa lubos na biyayang aming tinangap Sa manga camay mo’t purihin nang ganap Nang manga Angeles ang Haring mataas.