2. Ano ang Abstrak?
Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na
karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
mga akademikong papel tulad ng tesis,
papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at
mga report.
3. Ano ang Abstrak?
Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o
pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng
pinakabuod ng buong akdang akademiko o
ulat.
4. Ayon kay Philip Koopman (1997) ,
bagamat ang abstrak ay maikli lamang,
tinataglay ang mahalagang elemento o
bahagi ng sulating akademiko tulad ng
Introduksyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon.
5. NILALAMAN NITO:
· Rationale - Nakapaloob dito ang
Layunin at Suliranin ng Pag-
aaral
· Saklaw at Delimitasyon
· Resulta at Konklusyon
6. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT:
• Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak
sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba
ito.
• Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa
7. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT:
• Dapat ito ay naka dobleng espasyo
• Gumamit ng mga malinaw at
direktang mga pangungusap.
8. MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT:
Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.
• Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad
lamang ang mga pangunahing kaisipan
at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
9. MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT:
• Higit sa lahat ay gawin itong maikli
ngunit komprehensibo kung saan
mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang kahulugan.
10. ELEMENTO NG ABSTRAK
Ang pagkakaroon ng elementong ito ay
nagbibigay ng interes sa isang mambabasa
para ito ay mahikayat na basahin ang gawa ng
isang manunulat.
1. Kailangan ay may malinaw na pakay o
layunin ang isang manunulat.
11. ELEMENTO NG ABSTRAK
Makapagbigay ng malinaw na
kasagutan o tugon para magamit
ng mga mambabasa.
2. Mayroong malinaw na katanungan na dapat
mabigyan ng konkretong kasagutan sa pagsulat ng
abstrak.
12. ELEMENTO NG ABSTRAK
Magkaroon ng sariling istilo o
pamamaraan ng panulat.
3. Mayroong presensiya ng metodolohiya na
ginagamit sa kabuuan ng abstrak.
13. ELEMENTO NG ABSTRAK
Mula sa inilapat na katanungan o
problema sa abstrak na sulatin ay
magkaroon ng direktibong sagot o tugon
para mapunan ang kabuuan ng nasabing
4. Mayroong resulta na mababasa sa buod ng
abstrak.
14. ELEMENTO NG ABSTRAK
Mga aral na balang araw ay
magagamit ng bumasa ng akda ng
isang manunulat.
5. Mayroon itong implikasyon na makikita at
magagamit ng bumasa ng abstrak.
15. Mga Katangian ng Abstrak
1. Binubuo ng 200-250 na salita.
2. Gumagamit ng mga simpleng
pangungusap.
3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa
papel
16. Mga Katangian ng Abstrak
4. Nauunawan ng target na mambabasa.
5. Pangungusap na simple, nakatayo bilang
isang yunit ng impormasyon at madaling
intindihin.
6. Kumpleto ang mga bahagi.
17. Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Abstrak
1. Basahin muli ang papel.
2. Isulat ang unang draft ng papel.
3. I-rebisa ang unang draft.
4. I-proofread ang unang draft.
18. Uri ng Abstrak
Deskriptibong Abstrak
Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin.
Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang
isang daan na mga salita. Walang konkretong
buod o resulta ng isang sulatin ang mababasa
19. Uri ng Abstrak
Deskriptibong Abstrak
Maihahalintulad lamang ito na parang
isang plano lamang na dapat na sundan
ng isang manunulat.
20. Uri ng Abstrak
Impormatibong Abstrak
Marami sa mga abstrak na sulatin ay
impormatibo ang uri. Halos lahat ng elemento
ng abstrak na sulatin ay napaloob sa
impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang
mga inpormasyon na makikita sa babasahing
21. Mga Bahagi ng Abstrak
Paksa
Layunin
Metodo
Inaasahang Resulta
22. 1. Paksa:
Ang paksa ay ang pangunahing
tema o titulo ng pananaliksik. Ito ang
nagbibigay ng konteksto sa
mambabasa tungkol sa nilalaman ng
papel.
23. 2. Layunin:
Ang layunin ay ang mga dahilan o
mga tanong na sinisikap na sagutin ng
pananaliksik. Ito ang nagtutukoy sa
direksyon ng pag-aaral at sa mga
katanungan na nais na masagot.
24. 3. Metodo:
Ang metodo ay ang mga pamamaraan
o teknik na ginamit sa pag-aaral upang
makolekta at masuri ang datos. Ito ay
nagbibigay ng impormasyon sa
mambabasa tungkol sa kung paano
isinagawa ang pananaliksik.
25. 4. Inaasahang Resulta:
Ang inaasahang resulta ay ang mga
posibleng konklusyon o mga
natuklasan na maaaring makuha mula
sa pananaliksik. Ito ay nagbibigay ng
ideya sa mambabasa tungkol sa mga
potensyal na kontribusyon ng pag-
26. Halimbawa:
Paksa: Epekto ng Social Media sa
Kabataan
Layunin: Alamin ang epekto ng social
media sa mental health ng kabataan.
27. Metodo: Survey at interbyu sa mga
kabataan.
Inaasahang Resulta: Makikita ang
mga negatibong epekto ng social
media sa mental health ng kabataan.
28. Halimbawa
Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid
kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na
aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal.
Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga
respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa "convenience".
Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo"t lima (35) na batang ina
na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan
sa Sta. Rosa Alaminos,
29. Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean
score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok,
edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan;
kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at
mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik
kapag igrinupo sa estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological
Research Vol. 2 No.2 September 2015