SlideShare a Scribd company logo
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA
WIKA AT
KULTURANG
PILIPINO
ARALIN 3
SITUATION
ANALYSIS
Ano-anong wika ba ang nasasalita at nauunawaan mo? Subukang
ipahayag ang reaksiyon o sasabihin mo para sa sumusunod na mga
sitwasyon gamit ang wikang ito. Kung kulang ang callout para bilang ng
wikang alam mo ay dagdagan ito. Kung sobra naman ay hayaan na lang
ang walang nakasulat na iba.
GAWAIN 1
Sa ilang wika mo naipahayag ang iyong ideya?
______________________________
Alin sa mga ito ang iyong unag wika (L1)? _______________ ang iyong
ikalwang wika(L2)? ______________ ang iyong ikatlong wika(L3)?
________________.
Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng mga sumusunod:
•Unang wika
(L1)_______________________________________________
•Ikalwang wika
(L2)_____________________________________________
•Ikatlong wika
(L3)______________________________________________
Masasabi bang monolingguwal, bilingguwal o multilingguwal ka?
________________
Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagpuno ng mga linya
sa ibaba:
Masasabi kong ako ay ____________ dahil ______________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_____________
Unang Wika ang tawag sa wikang
kinagisnan mula sa pagsilang at unang
itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong
katutubong wika, mother tounge, arterial
na wika, at kinakatawan din ng L1. Sa
wikang ito pinakamataas o
pinakamahusay naipapahayag ng tao
ang kaniyang mga ideya, kaisipan at
damdamin.
UNANG WIKA
Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng
exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaaring
magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang
tagapag- alaga, mga kalaro, mga kaklase, guro at iba pa.
madalas ay sa magulang din mismo Madalas ay sa
magulang ng din mismo nagmumula ang exposure sa isa
pang wika dahil bibihirang Pilipino ang nagsasalita lang ng
iisang wika. Mula sa mga salitang paulit-ulit niyang
naririrnig unti-unti niyang natututuhan ang wikang ito
hanggang sa magkaroon siya sapat na kasanayan at
husay rito at magamit niya na rin sa pagpapahayag
kikipag-usap sa ibang tao. Ito na ngayon ang kanyang
pangalawang wika o L2.
PANGALAWANG WIKA
Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng
batà. Dumarami pa ang mga taong nakasasalamuha niya,
gayundin ang mga lugar na kanyang napapanood sa telebisyon,
mga palabas na kanyang napapanood sa telebisyon, mga aklat
na kanyang nababasa, at kasabay nito'y tumataas din ang antas
ng kanyang pag-aaral. Dito ay may ibang bagong wika pa uli
siyang naririnig o nakikilala na kalauna'y man niya at nagagamit
na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang
nagsasalita rin ng wikang ito. Nagagamit niya ang wikang ito sa
pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang
ginagalawan. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong
wika o L3. Sa Pilipinas, kung saan may mahigit 150 na wika at
wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ay
pangkaraniwan na lang ang pagkakaroon ng mga mamamayan
ng ikatlong wika.
IKATLONG WIKA
GAWAIN 2
Panuto: Punan ang mga kahon sa ibaba ng halimbawang nagmula sa iyong
sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.
Punan ang kahon ng isa sa iyong
unang wika (L1) at isang
halimbawang pangungusap gamit
nito.
Punan ang kahon ng tawag sa iyong
pangalawang wika (L2) at isang
halimbawang pangungusap gamit
ito
Punan ang kahon ng isa pang
wikang nalalaman wika (L2) at
halimbawang mo (L3) at
magtuturing sa iyo bilang
multilingguwal. Kung wala ay
sumulat ka ng tatlong salitang
katutubo sa Pilipinas na alam mo.
Batay sa iyong sariling karanasan,
paano nalinang sa iyo ang iyong
unang wika?
Paano mo naman natutuhan ang
iyong pangalawang wika?
Kung mayroon kang nalalamang
pangatlong8 wika, paano mo ito
natutuhan? Kung wala, ano ang
maaari mong gawin upang matuto
ka ng ikatlong wika?
Kahulugan ng
Homogenous
at
Heterogenous
na Wika
Ang salitang homogenous ay
nanggaling sa salitang
Griyego na "homo" na ang
ibig sabihin ay pareho at
salitang "genos" na ang ibig
sabihin ay uri o yari.
HOMOGENOUS
Kahulugan ng Homogenous at Heterogenous na Wika
Kabaligtaran ito ng
heterogeneous:nangangahulugan
ng “magkakaiba” ang salitang-
ugat na hetero. Samakatuwid,
kapag heterogeneous ang wika,
magkakaiba ang mga wikang
sinasalita sa isang lugar.
HETEROGENOUS
Kahulugan ng Homogenous at Heterogenous na Wika
Kabaligtaran ito ng
heterogeneous:nangangahulugan
ng “magkakaiba” ang salitang-
ugat na hetero. Samakatuwid,
kapag heterogeneous ang wika,
magkakaiba ang mga wikang
sinasalita sa isang lugar.
HETEROGENOUS
Kahulugan ng Homogenous at Heterogenous na Wika
Ayon sa paniniwala ng mga kilalang
lingguwista, nakabatay ang
pagkakaroon ng barayti at baryasyon
ng wika sa pagiging heterogeneous
nito (Saussure, 1916). Sabi naman ni
Bloomfield (1918), "hindi kailanman
magkakatulad o uniformclad ang
anumang wika."
HETEROGENOUS
Ito ang pagkakaroon ng natatanging katangian
ng wikang umiiral sa isang komunidad, at
mayroon itong dalawang uri- (a) ang
permanenteng barayti na binubuo ng mga
idyolek at diyalekto, at (b) ang
pansamantalang barayti na binubuo naman ng
register, mode, at estilo ng wika. Ang barayti
ng wikang Flipino na ginagamit ngayon sa iba't
ibang rehiyon ay naaayon sa lugar ng isang
taong nagsasalita (heograpiko), at ayon din sa
pangkat na kinabibilangan niya (sosyolek)
HETEROGENOUS
Kaugnay ng pananaw ng baryabilidad
ng wika ang Teoryang Akomodasyon
(Accommodation Theory) ni Howard
Giles (1982). Tinutukoy nito ang mga
teorya sa pagkakatuto ng
pangalawang wika, na ipinaliliwanag
ng linguistic convergence at
linguLstic diuergence.
HETEROGENOUS
Kaugnay ng pananaw ng baryabilidad
ng wika ang Teoryang
Akomodasyon (Accommodation
Theory) ni Howard Giles (1982).
Tinutukoy nito ang mga teorya sa
pagkakatuto ng pangalawang wika,
na ipinaliliwanag ng linguistic
convergence at linguistic
divergence.
Teoryang Akomodasyon
Sa linguistic convergence,
ipinakikita na sa interaksyon ng mga
tao, nagkakaroon ng pagnanais ang
isang nagsasalita na gumaya, o
bumagay sa pagsasalita ng kausap
para maipakita niya ang pakikisa,
pakikipagpalagayang-loob,
pakikisama, o pagiging kabilang sa
grupo.
linguistic convergence
Sa kabilang dako, nagpapakita ng
linguistic divergence ang isang
nagsasalita kung pilit niyang iniiba
ang kanyang estilo ng pagsasalita sa
estilo ng kausap. Nais niyang ipakita
o ipahayag ang kanyang pagiging
kakaiba; nais niyang ipadama ang
kanyang sariling identidad.
linguistic divergence
Ayon sa Teoryang
Akomodasyon, binabago ng
isang tagapagsalita angisang
umiiral na schema o porma ng
isang lubos na bagong panukala
alang-alang sa pakikitungo sa
isang bagong bagay o
kaganapan.
Teoryang Akomodasyon
Ayon naman sa Teoryang Asimilasyon,
tumutugon ang isang tagapagsalita sa
isang bagong kaganapan, sa paraang
kaayon ng isang umiiral na schema. Sa
temang asimilasyon, ganap nang
natanggap ng grupo ang pagbabago. Sa
ibinigay na halimbawang nauna, naging
bahagi na ng diyalektong Cebuano ang
gamit ng mag- sa halip na um-.
Teoryang Aaimilasyon
Ayon naman sa Teoryang Asimilasyon,
tumutugon ang isang tagapagsalita sa
isang bagong kaganapan, sa paraang
kaayon ng isang umiiral na schema. Sa
temang asimilasyon, ganap nang
natanggap ng grupo ang pagbabago. Sa
ibinigay na halimbawang nauna, naging
bahagi na ng diyalektong Cebuano ang
gamit ng mag- sa halip na um-.
Teoryang Aaimilasyon
HETEROGENEOU
S NA KATANGIAN
NG WIKA
1. Ang heterogeneous na
kalikasan ng wika ay
tumutukoy sa pagkakaiba-iba
ng wikang ginagamit ng mga
pangkat ng tao dahil sa
pagkakaiba nila ng edad,
kasarian, tirahan, gawain, at
iba pang salik.
2. Ito ay ang kalikasan ng wika
ay ang pagkakaiba-iba ng
wikang ginagamit ng iba’t ibang
indibidwal at pangkat na may
magkakaibang uring
pinagmulan, gawain, tirahan,
interes, edukasyon, at iba pang
mga salik.
3. Ayun sa mga dalubhasa, ang
wika ay binubuo ng isang pangkat
ng tao upang magamit at tumugon
sa kanilang partikular na
pangangailangan. Dahil
magkakaiba ang mga tao at ang
kinabibilangan ng bawat isa, iba’t
ibang anyo rin ng wika ang
umusbong.
4.Sa heterogeneous na
katangian ng wika ay
may dalawang uri o
barayti: Ito ay ang
permanente at
pansamantala.
a. Dayalekto- Ito ang barayting
batay sa pinanggalingang lugar,
panahon, at katayuan sa buhay
ng isang tao.
b. Idyolek- Ito ang barayting
kaugnay ng personal na
kakanyahan ng bawat
indibiduwal na gumagamit ng
wika.
Barayti ng Permanente
a. Register- Ito ang barayting bunga ng
sitwasyon at disiplina o larangang
pinaggagamitan ng wika.
b. Istilo- Ito ang barayting batay sa
bilang at katangian ng kinakausap, at
relasyon ng nagsasalita sa
kinakausap
c. Midyum- Ito ang barayting batay sa
pamamaraang gamit sa
komunikasyon, maaaring pasalita o
pasulat.
Barayti ng Pansamantala
Mga
halimbawa ng
heterogeneous
na katangian
ng wika
Dayalektong heograpikal ay
may ibat-ibang katangian ng
wika mayroong Tagalog
Batangas, Tagalog Laguna,
Tagalog Quezon. Tagalog ang
pangunahing wika ng Timog
katagalugan ngunit bawat lugar
dito
Dayalektong Temporal
Halimbawa: Ang Probinsyano na
pelikula mayroon na noon ngunit may
bagong pelikulang sumisikat ngayon
ang mga manunulat nito ay magkaiba
at ang barayti ng wika nito ay
magkaiba sapagkat ito ay isinulat sa
magkaibang panahon.
Dayalektong Sosyal
Halimbawa Uri: Karaniwang naiuugnay sa
masa ang mga salitang balbal gaya ng
utol,ermats,dedma, epal Edad: Ang tawag ng
matatanda sa salamin sa mata ay antipara
samantalang ang tawag sa mga kabataan
ngayon shades. Kasarian: Hanggang ngayong
patuloy pa rin paggamit ng salitang jowa
(karelasyon) jubis (Mataba), gander (maganda)
at iba pang salita sa Gayspeak.
IDYOLEK
Ito ang barayting kaugnay ng personal
na kakanyahan ng bawat indibiduwal
na gumagamit ng wika. Bukod sa
panlipunang salik, nakikilala rin ang
pananalita ng isang indibiduwal batay
sa kaniyang bigkas, tono, kalidad ng
boses, at pisikal na katayuan.
Register
Ang register sa kalusugan ay iba sa palakasan
Estilo
Kapag iyong nakasalubong ang isang kaibigan ay maari
mong batiin sa pahayag na "Hoy" kamusta ka na? Kapag
bumisita ka sa iyong lolo at lola ay binabati natin sila ng
kumusta po kayo?
Midyum
Ang mga terminong gaya ng dalumat, dalisay at kaatiran
ay mababasa sa mga disertasyon at ibat ibang
akademikong materyal na nakasulat, ngunit bihirang
ginagamit ang mga ito pang araw-araw na pasalitang
pakikipag usap.
GAWAIN 3
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1.Ano ang ikinaiba ng pagiging homogeneous sa pagiging
heterogeneous ng wika sa isang partikular na komunidad?
2.Nasasalamin ba sa wikang Flipino ang pagiging
heterogeneous ng ating wika? Patunayan ito.
3.Ano ang ikinaiba ng wikang Filipino sa wikang Ingles?
4.Paano mabilis na malilinang o madedebelop ang wika? Ilahad
ito sa pamamagitan ng pagguhit ng isang dayagran
5.Naniniwala ka ba na nakaaapekto sa saloobin ng isang tao
ang wikang kanyang sinasalita? Pangatwiranan
PAGBASA
Ang Pagsulat ng Wikang Kinagisnan: Pagkakaunawaan at Pagkakaisa
Jose D. Francisco, Jr.
A. Sagutin ang mga sumusunod.
1.Paano naapektuhan ng kultura ang
wikang sinasalita ng mga
mamamayan?
2.Paano naapektuhan ng mga
paniniwala at tradisyon ang mga
salitang namumutawi sa bibig ng mga
naninirahan sa isang pook?
PAGSULAT
B.Sumulat ng isang makabuluhang
sanaysay na naglalaman ng mga
sumusunod.
1.Bakit mahalaga ang pagkakaron ng
homogeneous na wika?
2.Ano ang kagandahang naiambag ng
pagiging heterogeneous ng wika?
PAGSULAT NG JOURNAL
Sa paanong paraan
nakakatulong sa iyo ang
pagkatuto mo ng iba pang
wika maliban sa iyong unang
wika o L1?
MARAMING
SALAMAT

More Related Content

PDF
Communication process
PPTX
KOmunikasyon at Pananaliksik
PPTX
GENERAL MATHEMATICS Module 1: Review on Functions
PPTX
Developing the Whole Person.pptx
PPTX
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.pptx
PPTX
Filipino 10- Gamit ng Pandiwa
PPT
Earthquakes and faults (Grade 8 Lesson)
PPTX
Gamit ng Wika sa Lipunan
Communication process
KOmunikasyon at Pananaliksik
GENERAL MATHEMATICS Module 1: Review on Functions
Developing the Whole Person.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.pptx
Filipino 10- Gamit ng Pandiwa
Earthquakes and faults (Grade 8 Lesson)
Gamit ng Wika sa Lipunan

What's hot (20)

DOCX
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DOCX
DLL sa Komunikasyon
PPTX
Conative, informative at labeling na gamit ng Wika
PPTX
KPWKP Barayti ng Wika.pptx
DOCX
MY DLL COT1 barayti ng wika.docx
PPTX
Aralin-3-Register-bilang-Varayti-ng-Wika.pptx
PPTX
BARAYTI NG WIKA.pptx
DOCX
cot to print11.docx
PPTX
Kompan 1st Long Test
PPTX
gamit ng wika sa lipunan.pptx
PPTX
Homogenous at Heterogenous na Wika.pptx
PPTX
Barayti ng Wika
PPT
Fil11 -mga tungkulin ng wika (1)
PPT
lesson 1.ppt
PPTX
ARALIN-11-Kakayahang-Pragmatiko.pptx
PPTX
BARAYTI AT REHISTRO NG WIKA.ppt.pptx
PDF
Register at Barayti.pdf
PPTX
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK Lesson 1.pptx
PPTX
Introduksyon sa Filipino sa Piling Larangan (TECH-VOC)
PPTX
Heograpikal, morpolohikal, at ponolohikal na varayti ng Wika
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DLL sa Komunikasyon
Conative, informative at labeling na gamit ng Wika
KPWKP Barayti ng Wika.pptx
MY DLL COT1 barayti ng wika.docx
Aralin-3-Register-bilang-Varayti-ng-Wika.pptx
BARAYTI NG WIKA.pptx
cot to print11.docx
Kompan 1st Long Test
gamit ng wika sa lipunan.pptx
Homogenous at Heterogenous na Wika.pptx
Barayti ng Wika
Fil11 -mga tungkulin ng wika (1)
lesson 1.ppt
ARALIN-11-Kakayahang-Pragmatiko.pptx
BARAYTI AT REHISTRO NG WIKA.ppt.pptx
Register at Barayti.pdf
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK Lesson 1.pptx
Introduksyon sa Filipino sa Piling Larangan (TECH-VOC)
Heograpikal, morpolohikal, at ponolohikal na varayti ng Wika
Ad

Similar to PPT KOM ARALIN 3.pptx (20)

PPTX
Komunikkasyon At Pananaliksik Week 4 final(1).pptx
DOCX
LP-sa-komunikasyon at pagbasa. Unang markahan.docx
DOCX
Banghay aralin sa komunikasyon at pagbasa
PPTX
Teorya-ng-Wika-1.pptx wika Ng pilipinas at history
PPTX
Teorya-ng-Wika-1.pptx mga antas Ng wika Ng pilipinas
PPTX
KPWKP.pptx ghhhnjnmnmnnnnvcvbbb@fbnjjihcdvbDvbbbjbhbb6
PPTX
topic-2.-Varyasyon-at-Rehistro-ng-Wika-kontekstwalisado.pptx
PPTX
Wika at linggwistiks
PPTX
Konseptong-Pangwika1.pptx Komunikasyon garde 11 quarter 1 module 3
PPTX
Konseptong Pangwika (Komunikasyon at Pananaliksik)
PPTX
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
PPTX
Komunikasyon At Pananaliksik Week 4 final_1(1).pptx
PPTX
lesson 4.pptx
PPTX
MODYUL 1- LESSON 4 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.pptx
PPTX
Filipino 101
PPTX
Teoryang-Heterogeneous sa lipunan ang pagkakaroon ng ibat ibang dayalekto
PPTX
Aralin-3-Barayti-ng-Wika.FILIPINO11STEM.pptx
PPTX
Wika sa pang araw-araw na buhay
PDF
WIKA AT KULTURA homogenous at kalikasan ng wika
PPTX
Varayti ng wika.updated ShS (Techvoc) 1 week
Komunikkasyon At Pananaliksik Week 4 final(1).pptx
LP-sa-komunikasyon at pagbasa. Unang markahan.docx
Banghay aralin sa komunikasyon at pagbasa
Teorya-ng-Wika-1.pptx wika Ng pilipinas at history
Teorya-ng-Wika-1.pptx mga antas Ng wika Ng pilipinas
KPWKP.pptx ghhhnjnmnmnnnnvcvbbb@fbnjjihcdvbDvbbbjbhbb6
topic-2.-Varyasyon-at-Rehistro-ng-Wika-kontekstwalisado.pptx
Wika at linggwistiks
Konseptong-Pangwika1.pptx Komunikasyon garde 11 quarter 1 module 3
Konseptong Pangwika (Komunikasyon at Pananaliksik)
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
Komunikasyon At Pananaliksik Week 4 final_1(1).pptx
lesson 4.pptx
MODYUL 1- LESSON 4 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.pptx
Filipino 101
Teoryang-Heterogeneous sa lipunan ang pagkakaroon ng ibat ibang dayalekto
Aralin-3-Barayti-ng-Wika.FILIPINO11STEM.pptx
Wika sa pang araw-araw na buhay
WIKA AT KULTURA homogenous at kalikasan ng wika
Varayti ng wika.updated ShS (Techvoc) 1 week
Ad

More from ChristianMarkAlmagro (9)

PDF
Lesson 3 Sculpture.pdf
PDF
LESSON 1.1 ARTS AND IT'S VISUAL.pdf
PDF
A Brief History of CPAR 2.pdf
PDF
A Brief History CPAR 1.pdf
PPTX
PPT KOM ARALIN 6.pptx
PPTX
PPT KOM ARALIN 5.pptx
PPTX
PPT KOM ARALIN 4.pptx
PPTX
PPT KOM ARALIN 2.pptx
PPTX
PPT KOM ARALIN 1.pptx
Lesson 3 Sculpture.pdf
LESSON 1.1 ARTS AND IT'S VISUAL.pdf
A Brief History of CPAR 2.pdf
A Brief History CPAR 1.pdf
PPT KOM ARALIN 6.pptx
PPT KOM ARALIN 5.pptx
PPT KOM ARALIN 4.pptx
PPT KOM ARALIN 2.pptx
PPT KOM ARALIN 1.pptx

Recently uploaded (20)

PPTX
CBDRRM_4Yugto_Presentation by msotano.pptx
PPTX
WEEK 4-Q1-AP-Sinaunang Kabihasnan sa Mediterrano.pptx
PPTX
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
PPTX
FILIPINO8 Q1 2( d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto.pptx
PPTX
Mga Barayti ng Wika ppt presentations.pptx
PPTX
Tekstong Biswal Filipino 8 powerpointcdnjncj
PPTX
Pansariling-Pagtugon-sa-Kalamidad (1).pptx
PPTX
G5Q1W7 Powerpoint ARALING PANLIPUNAN.pptx
PPTX
Sestimang panlipunan ng sinaunang greece .pptx
PPTX
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
PPTX
GMRC-4-W5-MATATAG-PPT.pptx grade 4 week 5
PPTX
Q1-WEEK-2-Ugnayan-ng-Heograpiya-at-Kultura.pptx
PPTX
Edukasyon sa Pagpapahalaga baitang 7 ESP
PPTX
Q1-Araling PANlipunan grade 5-WEEK6.pptx
PPTX
WEEK 5-Q1-updated-Tekstong persweysib.pptx
PPTX
PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT PRESENTATION IN VALUES EDUCATION 8
PPTX
Digmaang_Pilipino-Amerikano_Grade6_Timeline.pptx
PPTX
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
PPTX
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
PPTX
FILipino 7_Quarter 1_Week 8 123ewdfgb.pptx
CBDRRM_4Yugto_Presentation by msotano.pptx
WEEK 4-Q1-AP-Sinaunang Kabihasnan sa Mediterrano.pptx
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
FILIPINO8 Q1 2( d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto.pptx
Mga Barayti ng Wika ppt presentations.pptx
Tekstong Biswal Filipino 8 powerpointcdnjncj
Pansariling-Pagtugon-sa-Kalamidad (1).pptx
G5Q1W7 Powerpoint ARALING PANLIPUNAN.pptx
Sestimang panlipunan ng sinaunang greece .pptx
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
GMRC-4-W5-MATATAG-PPT.pptx grade 4 week 5
Q1-WEEK-2-Ugnayan-ng-Heograpiya-at-Kultura.pptx
Edukasyon sa Pagpapahalaga baitang 7 ESP
Q1-Araling PANlipunan grade 5-WEEK6.pptx
WEEK 5-Q1-updated-Tekstong persweysib.pptx
PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT PRESENTATION IN VALUES EDUCATION 8
Digmaang_Pilipino-Amerikano_Grade6_Timeline.pptx
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
FILipino 7_Quarter 1_Week 8 123ewdfgb.pptx

PPT KOM ARALIN 3.pptx

  • 1. KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO ARALIN 3
  • 2. SITUATION ANALYSIS Ano-anong wika ba ang nasasalita at nauunawaan mo? Subukang ipahayag ang reaksiyon o sasabihin mo para sa sumusunod na mga sitwasyon gamit ang wikang ito. Kung kulang ang callout para bilang ng wikang alam mo ay dagdagan ito. Kung sobra naman ay hayaan na lang ang walang nakasulat na iba.
  • 3. GAWAIN 1 Sa ilang wika mo naipahayag ang iyong ideya? ______________________________ Alin sa mga ito ang iyong unag wika (L1)? _______________ ang iyong ikalwang wika(L2)? ______________ ang iyong ikatlong wika(L3)? ________________. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng mga sumusunod: •Unang wika (L1)_______________________________________________ •Ikalwang wika (L2)_____________________________________________ •Ikatlong wika (L3)______________________________________________ Masasabi bang monolingguwal, bilingguwal o multilingguwal ka? ________________ Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagpuno ng mga linya sa ibaba: Masasabi kong ako ay ____________ dahil ______________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _____________
  • 4. Unang Wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tounge, arterial na wika, at kinakatawan din ng L1. Sa wikang ito pinakamataas o pinakamahusay naipapahayag ng tao ang kaniyang mga ideya, kaisipan at damdamin. UNANG WIKA
  • 5. Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag- alaga, mga kalaro, mga kaklase, guro at iba pa. madalas ay sa magulang din mismo Madalas ay sa magulang ng din mismo nagmumula ang exposure sa isa pang wika dahil bibihirang Pilipino ang nagsasalita lang ng iisang wika. Mula sa mga salitang paulit-ulit niyang naririrnig unti-unti niyang natututuhan ang wikang ito hanggang sa magkaroon siya sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya na rin sa pagpapahayag kikipag-usap sa ibang tao. Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika o L2. PANGALAWANG WIKA
  • 6. Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng batà. Dumarami pa ang mga taong nakasasalamuha niya, gayundin ang mga lugar na kanyang napapanood sa telebisyon, mga palabas na kanyang napapanood sa telebisyon, mga aklat na kanyang nababasa, at kasabay nito'y tumataas din ang antas ng kanyang pag-aaral. Dito ay may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalauna'y man niya at nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nagsasalita rin ng wikang ito. Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3. Sa Pilipinas, kung saan may mahigit 150 na wika at wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ay pangkaraniwan na lang ang pagkakaroon ng mga mamamayan ng ikatlong wika. IKATLONG WIKA
  • 7. GAWAIN 2 Panuto: Punan ang mga kahon sa ibaba ng halimbawang nagmula sa iyong sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan. Punan ang kahon ng isa sa iyong unang wika (L1) at isang halimbawang pangungusap gamit nito. Punan ang kahon ng tawag sa iyong pangalawang wika (L2) at isang halimbawang pangungusap gamit ito Punan ang kahon ng isa pang wikang nalalaman wika (L2) at halimbawang mo (L3) at magtuturing sa iyo bilang multilingguwal. Kung wala ay sumulat ka ng tatlong salitang katutubo sa Pilipinas na alam mo. Batay sa iyong sariling karanasan, paano nalinang sa iyo ang iyong unang wika? Paano mo naman natutuhan ang iyong pangalawang wika? Kung mayroon kang nalalamang pangatlong8 wika, paano mo ito natutuhan? Kung wala, ano ang maaari mong gawin upang matuto ka ng ikatlong wika?
  • 9. Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na "homo" na ang ibig sabihin ay pareho at salitang "genos" na ang ibig sabihin ay uri o yari. HOMOGENOUS
  • 10. Kahulugan ng Homogenous at Heterogenous na Wika Kabaligtaran ito ng heterogeneous:nangangahulugan ng “magkakaiba” ang salitang- ugat na hetero. Samakatuwid, kapag heterogeneous ang wika, magkakaiba ang mga wikang sinasalita sa isang lugar. HETEROGENOUS
  • 11. Kahulugan ng Homogenous at Heterogenous na Wika Kabaligtaran ito ng heterogeneous:nangangahulugan ng “magkakaiba” ang salitang- ugat na hetero. Samakatuwid, kapag heterogeneous ang wika, magkakaiba ang mga wikang sinasalita sa isang lugar. HETEROGENOUS
  • 12. Kahulugan ng Homogenous at Heterogenous na Wika Ayon sa paniniwala ng mga kilalang lingguwista, nakabatay ang pagkakaroon ng barayti at baryasyon ng wika sa pagiging heterogeneous nito (Saussure, 1916). Sabi naman ni Bloomfield (1918), "hindi kailanman magkakatulad o uniformclad ang anumang wika." HETEROGENOUS
  • 13. Ito ang pagkakaroon ng natatanging katangian ng wikang umiiral sa isang komunidad, at mayroon itong dalawang uri- (a) ang permanenteng barayti na binubuo ng mga idyolek at diyalekto, at (b) ang pansamantalang barayti na binubuo naman ng register, mode, at estilo ng wika. Ang barayti ng wikang Flipino na ginagamit ngayon sa iba't ibang rehiyon ay naaayon sa lugar ng isang taong nagsasalita (heograpiko), at ayon din sa pangkat na kinabibilangan niya (sosyolek) HETEROGENOUS
  • 14. Kaugnay ng pananaw ng baryabilidad ng wika ang Teoryang Akomodasyon (Accommodation Theory) ni Howard Giles (1982). Tinutukoy nito ang mga teorya sa pagkakatuto ng pangalawang wika, na ipinaliliwanag ng linguistic convergence at linguLstic diuergence. HETEROGENOUS
  • 15. Kaugnay ng pananaw ng baryabilidad ng wika ang Teoryang Akomodasyon (Accommodation Theory) ni Howard Giles (1982). Tinutukoy nito ang mga teorya sa pagkakatuto ng pangalawang wika, na ipinaliliwanag ng linguistic convergence at linguistic divergence. Teoryang Akomodasyon
  • 16. Sa linguistic convergence, ipinakikita na sa interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng pagnanais ang isang nagsasalita na gumaya, o bumagay sa pagsasalita ng kausap para maipakita niya ang pakikisa, pakikipagpalagayang-loob, pakikisama, o pagiging kabilang sa grupo. linguistic convergence
  • 17. Sa kabilang dako, nagpapakita ng linguistic divergence ang isang nagsasalita kung pilit niyang iniiba ang kanyang estilo ng pagsasalita sa estilo ng kausap. Nais niyang ipakita o ipahayag ang kanyang pagiging kakaiba; nais niyang ipadama ang kanyang sariling identidad. linguistic divergence
  • 18. Ayon sa Teoryang Akomodasyon, binabago ng isang tagapagsalita angisang umiiral na schema o porma ng isang lubos na bagong panukala alang-alang sa pakikitungo sa isang bagong bagay o kaganapan. Teoryang Akomodasyon
  • 19. Ayon naman sa Teoryang Asimilasyon, tumutugon ang isang tagapagsalita sa isang bagong kaganapan, sa paraang kaayon ng isang umiiral na schema. Sa temang asimilasyon, ganap nang natanggap ng grupo ang pagbabago. Sa ibinigay na halimbawang nauna, naging bahagi na ng diyalektong Cebuano ang gamit ng mag- sa halip na um-. Teoryang Aaimilasyon
  • 20. Ayon naman sa Teoryang Asimilasyon, tumutugon ang isang tagapagsalita sa isang bagong kaganapan, sa paraang kaayon ng isang umiiral na schema. Sa temang asimilasyon, ganap nang natanggap ng grupo ang pagbabago. Sa ibinigay na halimbawang nauna, naging bahagi na ng diyalektong Cebuano ang gamit ng mag- sa halip na um-. Teoryang Aaimilasyon
  • 22. 1. Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila ng edad, kasarian, tirahan, gawain, at iba pang salik.
  • 23. 2. Ito ay ang kalikasan ng wika ay ang pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng iba’t ibang indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pang mga salik.
  • 24. 3. Ayun sa mga dalubhasa, ang wika ay binubuo ng isang pangkat ng tao upang magamit at tumugon sa kanilang partikular na pangangailangan. Dahil magkakaiba ang mga tao at ang kinabibilangan ng bawat isa, iba’t ibang anyo rin ng wika ang umusbong.
  • 25. 4.Sa heterogeneous na katangian ng wika ay may dalawang uri o barayti: Ito ay ang permanente at pansamantala.
  • 26. a. Dayalekto- Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang tao. b. Idyolek- Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika. Barayti ng Permanente
  • 27. a. Register- Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika. b. Istilo- Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap c. Midyum- Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring pasalita o pasulat. Barayti ng Pansamantala
  • 29. Dayalektong heograpikal ay may ibat-ibang katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas, Tagalog Laguna, Tagalog Quezon. Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat lugar dito
  • 30. Dayalektong Temporal Halimbawa: Ang Probinsyano na pelikula mayroon na noon ngunit may bagong pelikulang sumisikat ngayon ang mga manunulat nito ay magkaiba at ang barayti ng wika nito ay magkaiba sapagkat ito ay isinulat sa magkaibang panahon.
  • 31. Dayalektong Sosyal Halimbawa Uri: Karaniwang naiuugnay sa masa ang mga salitang balbal gaya ng utol,ermats,dedma, epal Edad: Ang tawag ng matatanda sa salamin sa mata ay antipara samantalang ang tawag sa mga kabataan ngayon shades. Kasarian: Hanggang ngayong patuloy pa rin paggamit ng salitang jowa (karelasyon) jubis (Mataba), gander (maganda) at iba pang salita sa Gayspeak.
  • 32. IDYOLEK Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika. Bukod sa panlipunang salik, nakikilala rin ang pananalita ng isang indibiduwal batay sa kaniyang bigkas, tono, kalidad ng boses, at pisikal na katayuan.
  • 33. Register Ang register sa kalusugan ay iba sa palakasan Estilo Kapag iyong nakasalubong ang isang kaibigan ay maari mong batiin sa pahayag na "Hoy" kamusta ka na? Kapag bumisita ka sa iyong lolo at lola ay binabati natin sila ng kumusta po kayo? Midyum Ang mga terminong gaya ng dalumat, dalisay at kaatiran ay mababasa sa mga disertasyon at ibat ibang akademikong materyal na nakasulat, ngunit bihirang ginagamit ang mga ito pang araw-araw na pasalitang pakikipag usap.
  • 34. GAWAIN 3 Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1.Ano ang ikinaiba ng pagiging homogeneous sa pagiging heterogeneous ng wika sa isang partikular na komunidad? 2.Nasasalamin ba sa wikang Flipino ang pagiging heterogeneous ng ating wika? Patunayan ito. 3.Ano ang ikinaiba ng wikang Filipino sa wikang Ingles? 4.Paano mabilis na malilinang o madedebelop ang wika? Ilahad ito sa pamamagitan ng pagguhit ng isang dayagran 5.Naniniwala ka ba na nakaaapekto sa saloobin ng isang tao ang wikang kanyang sinasalita? Pangatwiranan
  • 35. PAGBASA Ang Pagsulat ng Wikang Kinagisnan: Pagkakaunawaan at Pagkakaisa Jose D. Francisco, Jr. A. Sagutin ang mga sumusunod. 1.Paano naapektuhan ng kultura ang wikang sinasalita ng mga mamamayan? 2.Paano naapektuhan ng mga paniniwala at tradisyon ang mga salitang namumutawi sa bibig ng mga naninirahan sa isang pook?
  • 36. PAGSULAT B.Sumulat ng isang makabuluhang sanaysay na naglalaman ng mga sumusunod. 1.Bakit mahalaga ang pagkakaron ng homogeneous na wika? 2.Ano ang kagandahang naiambag ng pagiging heterogeneous ng wika?
  • 37. PAGSULAT NG JOURNAL Sa paanong paraan nakakatulong sa iyo ang pagkatuto mo ng iba pang wika maliban sa iyong unang wika o L1?