SlideShare a Scribd company logo
Araling Panlipunan
10
Ma’am Hannah Reyes
Objectives:
a. Talakayin ang mga salik na dapat isaalang-alang sa
Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan,
Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahalaan, Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan,
at Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan.
b. Ipaliwanag ang kahalagahan at mga bahagi ng mabuting
pamahalaan.
• Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan
• Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahalaan
• Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan
• Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
• Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting
Pamahalaan
-Ayon sa artikulong inilathala ng Governance Today (2020), nakabatay
ang mabuting pamahalaan sa kakayahan nitong pairalin ang kanyang
kapangyarihan at pagbuo ng mabuting desisyon sa lahat ng oras sa
iba't ibang usaping pang- ekonomiya, pampolitika, panlipunan,
pangkapaligiran, at iba pang larangan. Tuwiran din itong nauugnay sa
kapasidad ng pamahalaan tulad ng kaalaman at kasanayan sa
pamamahala, maayos na alokasyon ng resources, at epektibong
implementasyon ng mga patakaran at programang naglalayong
mapabuti ang kalidad ng buhay ng lahat ng mamamayan.
• Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan
-Nangangahulugan din ang mabuting pamahalaan ng
kawalan ng katiwalian sa pamamahala, pagbibigay-
pansin sa boses at pangangailangan ng mga
mamamayan higit ang mahihinang sektor ng lipunan, at
pagbuo at pagpapairal ng mga desisyong nakabatay sa
pangangailangan at kabuting panlahat.
• Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan
Katangian ng
isang mabuting
pamahalaan:
Guess the Word
(Ft. Luke)
PIRTICYRATAPA
PARTICIPATORY
W
ow
PARTICIPATORY
• Ang malayang pakikilahok ng lahat ng mamamayan sa usapin at gawaing
panlipunan at pampolitika ay isa sa mga pangunahing katangian ng mabuting
pamahalaan. Ang partisipasyong ito ay maaaring tuwiran o sa pamamagitan ng
lehitimong institusyon o kinatawan. Mahalagang maunawaan na ang
representative democracy ay hindi tuwirang nangangahulugan na ang boses ng
pinakamahihinang sektor ng lipunan ay nadidinig o nabibigyang-pansin sa
pagbuo ng mga desisyon. Ang partisipasyon ay nararapat lamang na maging
organisado at impormatib para sa lahat ng mamamayan.
RLEU F0 LWA
RULE OF LAW
W
ow
RULE OF LAW
• Ang mabuting pamahalaan ay nangangahulugan ng pagpapairal ng patas at
legal na patakaran at sistema. Itinataguyod nito ang ganap na proteksiyon ng
karapatang pantao partikular na ang mga minoridad. Ang walang
kinikilingang pagpapairal ng batas ay nangangailangan ng hiwalay at hindi
naiimpluwensiyahang sistemang hudisyal gayundin ang pantay at walang
bahid ng katiwaliang police force.
TRENCRAPANSY
TRANSPARENCY
W
ow
TRANSPARENCY
• Ito ay katangiang nangangahulugan na ang lahat ng desisyon at ang
pagpapairal ng mga ito ay isinasagawa sa paraang nakabatay at sumusunod
sa batas at regulasyon. Nangangahulugan din ito na lahat ng impormasyon
ay malaya at tuwirang nailalatag at nauunawaan ng mga mamamayan lalong-
lalo na ang mga tuwirang maaapektuhan ng mga pagpapasiyang ito.
ROSPEVSSNENEIS
RESPONSIVENESS
W
ow
RESPONSIVENESS
• Nangangahulugan ang mabuting pamahalaan ng paglilingkod ng lahat ng
institusyon at proseso ng pamahalaan sa lahat ng mamamayan nito nang
walang kinikilingan at pagtugon sa mabilis na oras at panahon.
CONSENSUS ORIENTED
Alis naku
• Karaniwan ang pagkakaroon ng iba't ibang aktor,
opinyon, at kaisipan sa isang partikular na lipunan. Ang isang mabuting
pamahalaan ay nararapat na maging tagapamagitan sa magkakaibang
interes na ito upang makabuo ng pagpapasiyang nakabubuti para sa lahat.
Nangangahulugan din ito ng malawak at masusing pagsusuri sa
pangangailangan ng lipunan para sa pagpapaunlad at pagpapabuti ng kalidad
ng buhay ng lahat ng mamamayan nito.
CONSENSUS ORIENTED
• Ang kabutihan ng pamumuhay sa isang lipunan ay nakabatay sa
pagsisiguro na ang lahat ng miyembro nito ay may kaisipan at damdaming
kabilang sila sa lipunan at mayroon silang mahalagang tungkulin para sa
pagpapatuloy at kaunlaran nito. Nangangahulugan ito na ang lahat, partikular
na ang mga mahihinang sektor ay may pantay at malawak na oportunidad
upang mapanatili o mapaunlad ang kanilang kalagayan.
EQUITY AND INCLUSIVENESS
• Ang mabuting pamahalaan ay nangangahulugan na ang mga proseso at
institusyong panlipunan ay nakatutugon sa tunay na pangangailangan ng
mamamayan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng mga resources
nito.
EFFECTIVENESS AND EFFICIENCY
• Ang katangiang ito ay itinuturing na pangunahing taglay ng isang mabuting
pamahalaan. Ang mapanagutang pamamahala ay hindi lamang inaasahan sa
mga institusyon ng pamahalaan bagkus ito ay inaasahan din sa mga
pribadong sektor at mga organisasyong pansibiko sa kanilang paglilingkod sa
mamamayan. Nangangahulugan ito na may pananagutan ang lahat ng
institusyon o organisasyon sa lahat ng maaaring maapektuhan ng kanilang
aksiyon a desisyon. Ang mapanagutang pamamahala at paglilingkod ay hindi
makakamit kung walang transparency at rule of law.
ACCOUNTABILITY
• Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan
• Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahalaan
• Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan
• Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng
Mabuting Pamahalaan
Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahalaan
1. Aktibong Pagkamamamayan
3. Pagkilala at Pagsunod sa Kapangyarihan ng Batas
4. Mapanuri at Matalinong Pagpili at Pagbuo ng Pagpapasiyang Politikal
2. Aktibong Pakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pansibiko at Pampolitika
Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahalaan
1. Aktibong Pagkamamamayan
-Ang isang aktibong mamamayan ay nagtataguyod ng kalidad ng buhay
sa isang pamayanan sa prosesong political at non-political. Ito ay
kombinasyon ng kaalaman, kasanayan. pagpapahalaga, motibasyon, at
pagkilos na naglalayong makapag-ambag sa pagbuo at pagpapanatili ng
demokratikong lipunan at makapagdala ng pagbabagong panlipunan.
Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahalaan
1. Aktibong Pagkamamamayan
3. Pagkilala at Pagsunod sa Kapangyarihan ng Batas
4. Mapanuri at Matalinong Pagpili at Pagbuo ng Pagpapasiyang Politikal
2. Aktibong Pakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pansibiko at Pampolitika
Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahalaan
-Ang isang aktibong mamamayan ay nagtataguyod ng kalidad ng
buhay sa isang pamayanan sa prosesong political at non-political. Ito
ay kombinasyon ng kaalaman, kasanayan. pagpapahalaga, motibasyon,
at pagkilos na naglalayong makapag-ambag sa pagbuo at
pagpapanatili ng demokratikong lipunan at makapagdala ng
pagbabagong panlipunan.
2. Aktibong Pakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pansibiko at Pampolitika
Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahalaan
1. Aktibong Pagkamamamayan
3. Pagkilala at Pagsunod sa Kapangyarihan ng Batas
4. Mapanuri at Matalinong Pagpili at Pagbuo ng Pagpapasiyang Politikal
2. Aktibong Pakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pansibiko at Pampolitika
Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahalaan
-Ang pagtataguyod ng mabuting pamahalaan ay hindi lamang tungkulin ng mga
namumuno, bagkus ito ay tungkulin din ng mga mamamayan. Kaugnay nito,
nagpapatupad ang pamahalaan ng mga patakaran at batas na nararapat sundin
ng bawat isa upang masiguro ang kaayusan sa lipunan. Nagkakaroon ng maayos
na lipunan at mabuting pamahalaan kung ang lahat ng mamamayan ay kumikilala
at sumusunod sa kapangyarihan ng batas at patakaran sa lahat ng oras at sa
lahat ng kanilang gawi at pagkilos.
3. Pagkilala at Pagsunod sa Kapangyarihan ng Batas
Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahalaan
1. Aktibong Pagkamamamayan
3. Pagkilala at Pagsunod sa Kapangyarihan ng Batas
4. Mapanuri at Matalinong Pagpili at Pagbuo ng Pagpapasiyang Politikal
2. Aktibong Pakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pansibiko at Pampolitika
Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahalaan
-Ang mabuting pamahalaan ay nangangailangan ng mapanuri at matalinong
pagpili ng mamamayan ng mga pinuno. Nangangahulugan ito na ang
pagganap ng mamamayan ng kanilang karapatang bumoto ay ganap na
naisasagawa nang may integridad, katapatan, pagsusuri, at walang ano
mang bahid ng takot, pagdiin, at pagpuwersa. Sa ganitong kalagayan ay
nailuluklok sa puwesto ang mga karapat-dapat at naaayor sa tunay na
kagustuhan ng nakararami.
4. Mapanuri at Matalinong Pagpili at Pagbuo ng Pagpapasiyang Politikal
• Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan
• Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahalaan
• Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan
• Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
Mga Hakbang Tungo sa
Mabuting Pamahalaan
Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan
• Ang mabuting pamahalaan ay nangangailangan ng balanseng
pamumuno na may maayos at epektibong ugnayan sa pagitan ng
pamahalaan at mamamayan. Ang hamon ng pagkakaroon ng
mabuting pamahalaan ay nangangailangan ng pagbabago sa mga
gawain ng pamahalaan, reporma sa burukrasya, at
pagtataguyod ng aktibong partisipasyon ng mamamayan na
nakabatay sa kabutinang panlahat.
Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan
• Repormang Administratibo - Nakabatay ang mabuting pamahalaan sa
kalagayan ng burukrasya at lipunang sibil. Nagiging posible ang mabuting
pamahalaan kapag nagkaroon ng pagbabago sa kasalukuyang kaisipan at
pananaw ng mga namumuno. Nangangailangan ng higit na malawak na diwa
ng pananagutan sa lahat ng naglilingkod sa publiko para sa kabutihan ng
mamamayan at sa paghahatid ng serbisyo-publiko. Ang pagbabago ay
nararapat na maipamalas sa pamamagitan ng repormasyon ng mga gawi at
pagpapahalaga ng iba't ibang lebel ng burukrasya hindi lamang sa
estruktura nito kundi maging sa kanilang mga proseso at sistema.
Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan
• Repormang Elektoral - Sa kasalukuyan ay maraming Pilipino na
tinitingnan ang sistemang demokratiko sa konsepto ng electoralism
lamang. Nangangahulugan ito na nakatuon lamang ang kanilang
pagganap bilang mamamayan ng isang demokratikong pamahalaan sa
pagpili o pagluklok sa posisyon sa isang partikular na kandidato.
Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan
• Repormang Elektoral - Upang makamit ang mabuting pamahalaan,
kinakailangan ng repormang elektoral upang magkaroon ng repormang
pampolitika at umiral ang patas at malayang halalan kung saan
ginagampanan ng mamamayan ang kanilang karapatan sa pagboto nang
walang anumang takot, pagdiin, at puwersa. Ang estriktong
pagpapatupad ng electoral code of conduct ay kinakailangan upang
masiguro na hindi inaabuso ng nangungunang partido ang kanilang
makinarya sa pag- impluwensiya ng proseso ng halalan.
Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan
• Repormang Hudisyal - Ang sistemang hudisyal ang sandigan ng
karaniwang mamamayan ng bansa. Kung ang layunin ay magkaroon ng
mabuting pamahalaan, nararapat lamang na ang hudikatura ay malaya
at hiwalay na umiiral nang walang anumang dikta o impluwensiyang
panlabas lalong-lalo na ng ehekutibo at lehislatibo. Kaugnay nito,
kinakailangan ng kongkretong pagkilos upang gawing accessible, mabilis,
epektibo, abot-kaya, at makabuluhan ang sistemang hudisyal ng bansa.
Nangangahulugan din ito ng pagtataguyod sa 'rule of law."
Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan
• Paglaban sa Korupsiyon at Katiwalian - Upang makamit ang isang
mabuting pamahalaan, kinakailangang mawakasan ang anumang anyo ng
korupsiyon at katiwalian sa pamahalaan sa lahat ng ahensiya,
institusyon, organisasyon, at tanggapan nito.
Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan
• Paglaban sa Korupsiyon at Katiwalian - Ang korupsiyon sa politikal,
ekonomiko, sosyal, at adminsitratibong konsepto ay nakasasagabal sa
epektibong pagganap ng pamahalaan at mga ahensiya at institusyon nito
ng kanilang tungkulin. Ang epektibong institusyonalisasyon at reporma
na naglalayong mawakasan ang korupsiyon at katiwalian sa pamahalaan
ay nararapat na maitaguyod at umiral upang magkaroon ng isang
mabuting pamahalaan.
Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan
• Pagtataguyod ng Pambansang Pagkakaisa - Ang pagnanais ng
mabuting pamahalaan ay nangangailangan ng pagkilala at
pagpapahalagasa pagkakaiba-iba ng kultura at paniniwala ng
mamamayan nito upang makamit ang pambansang pagkakaisa.
Nangangahulugan ito na ang mga patakaran, sistema, programa, at ano
man ang pagkilos ng pamahalaan ay nararapat na maging inklusibo para
sa lahat ng mamamayan nito ano man ang kinabibilangang pangkat o
sektor sa lipunan.
• Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan
• Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahalaan
• Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan
• Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
• Napapanatili at napalalakas ang tiwala ng
mamamayan sa pamahalaan. Ang pagkakaroon ng mataas
na tiwala ng mamamayan at mga institusyong panlipunan sa
mabuting pamahalaan ay nangangahulugan ng ganap na
pagsuporta at pakikilahok ng mga ito sa mga institusyon,
hakbangin, at tunguhin ng pamahalaan.
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
• Napapanatili at napalalakas ang tiwala ng
mamamayan sa pamahalaan. Ang pagkakaroon ng mataas
na tiwala ng mamamayan at mga institusyong panlipunan sa
mabuting pamahalaan ay nangangahulugan ng ganap na
pagsuporta at pakikilahok ng mga ito sa mga institusyon,
hakbangin, at tunguhin ng pamahalaan.
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
• Epektibong nakaangkop ang lipunan sa anumang
pagbabago. Ang pagkakaroon ng mataas na tiwala ng mga
mamamayan sa mabuting pamahalaan ay nangangahulugan
ng pagiging bukas ng mga ito sa anumang pagbabagong
ilalatag ng pamahalaan upang makamit ang layunin nito na
mapaunlad at mapabuti ang lipunan.
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
• Aktibong pakikibahagi ng mamamayan sa mga usapin at gawaing
panlipunan at pampolitika. Ang mabuting pamahalaan na nagbibigay sa
mamamayan ng karapatan at kalayaang makibahagi sa mga usapin at
gawaing panlipunan ay nakalilinang ng mga mamamayang may mataas
na antas ng partisipasyon at pakikilahok sa mga usapin at gawaing
pansibiko at pampolitika. Sa kalagayang ito, hindi lamang naitataguyod
ang tunay na diwa ng demokrasya kundi nakahuhubog rin ng 'involved
citizens' sa halip na 'demanding customers.'
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
• Katatagang pampolitika, panlipunan, at pang-
ekonomiya. Ang pagkakaroon ng mabuting pamahalaan ay
nangangahulugan rin ng pagkakaroon ng matatag na
pamahalaan. Sa pamamagitan nito, epektibong napaiiral ng
pamahalaan ang kapangyarihan nito sa lahat ng
aspekto.
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
• Kaunlaran sa yamang tao ng bansa. Ang pagbibigay ng
mabuting pamahalaan ng pantay at patas na karapatan at
kalayaan sa lahat ng mamamayan nito ay nangangahulugan
ng pagbibigay ng pantay at patas na oportunidad upang
mapaunlad ng lahat ng mamamayan ang kanilang buhay sa
iba't ibang aspekto at larangan.
Thank You for
Listening!
Made by: Xendrix Quiambao

More Related Content

PDF
mabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdf
PDF
mabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdf
PPTX
MABUTING-PAMAMAHALA.pptx
PPTX
PRESENTATION FOR FINAL DEMO.pptx
PPTX
Participatory-Governance.pptx A discussion
PPTX
453198259-group6-apan-pptx.pptx
PPTX
AP10_Q4_ARALIN-3-Politikal-na-pakikilahok.pptx
PPTX
Mga Prinsipyo ng Good Governance Philippines
mabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdf
mabuting-pamamahala-220929093448-7d677e54 (1).pdf
MABUTING-PAMAMAHALA.pptx
PRESENTATION FOR FINAL DEMO.pptx
Participatory-Governance.pptx A discussion
453198259-group6-apan-pptx.pptx
AP10_Q4_ARALIN-3-Politikal-na-pakikilahok.pptx
Mga Prinsipyo ng Good Governance Philippines

Similar to Quarter 4-Kontemporaryong Isyu part4 PPT.pptx (20)

PPTX
ppt-aralin-3.pptx politikal na pakikipahok
PPTX
Lipunxxxxxxcxcvxxvxcvxcvxcxcxxxxxxang.pptx
PPTX
Catch-Up-Friday_Values_Social-Justice-and-Human-Rights.pptx
PPTX
PDF
Grouuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuup-1_20241107_104033_0000.pdf
PPTX
371843625-Politikal-Na-Pakikilahok-1.pptx
DOCX
Values
PPTX
Modyul 2.pptx
PPTX
POLITIKAL NA PAKIKILAHOK
PPTX
371843625-Politikal-Na-Pakikilahok.pptx
PPTX
Politikal na Pakikilahok.pptx
PDF
politikalnapakikilahok-230227015303-b3da84f3 (1).pdf
PPTX
383708638-Ang-Lipunan-at-Prinsipyong-Subsidiarity.pptx
PPTX
Ang-Lipunan-at-Prinsipyong-Subsidiarity.pptx
DOCX
Unit Plan III - Grade Six
PPTX
Aralin 3 Politikal na Pakikilahok
PPTX
Tungkulin at Pananagutan sa Pangangalaga ng mga Simulain ng Demokrasya
PPTX
PPT
G9 AP Q1 Week 2-3 Kahalagahan ng Ekonomiks_.ppt
PPTX
AP 10 matatag QUArter 3 GAWAING PANGSIBIKO.pptx
ppt-aralin-3.pptx politikal na pakikipahok
Lipunxxxxxxcxcvxxvxcvxcvxcxcxxxxxxang.pptx
Catch-Up-Friday_Values_Social-Justice-and-Human-Rights.pptx
Grouuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuup-1_20241107_104033_0000.pdf
371843625-Politikal-Na-Pakikilahok-1.pptx
Values
Modyul 2.pptx
POLITIKAL NA PAKIKILAHOK
371843625-Politikal-Na-Pakikilahok.pptx
Politikal na Pakikilahok.pptx
politikalnapakikilahok-230227015303-b3da84f3 (1).pdf
383708638-Ang-Lipunan-at-Prinsipyong-Subsidiarity.pptx
Ang-Lipunan-at-Prinsipyong-Subsidiarity.pptx
Unit Plan III - Grade Six
Aralin 3 Politikal na Pakikilahok
Tungkulin at Pananagutan sa Pangangalaga ng mga Simulain ng Demokrasya
G9 AP Q1 Week 2-3 Kahalagahan ng Ekonomiks_.ppt
AP 10 matatag QUArter 3 GAWAING PANGSIBIKO.pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY M.A.K HALLIDAYGRADE-11.pptx
PPTX
Q1 Week 7 Gregorio Del Pilar.pptxQ1 Week 7 Gregorio Del Pilar.pptxQ1 Week 7 G...
DOCX
Pagsusulit Filipino 8 - Unang Markahan - Panahon ng Himagsikan at Propaganda
PPTX
KASAYASAYAN PPTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT
PDF
Ang Pantayong Pananaw _Bilang Diskursong _Pangkabihasnan_ by Zeus Salazar.pdf
PPTX
Week 1 Kahulugan ng Ekonomiks.pptxxxxxxx
PPTX
panitikang katutubo matatag filipino seveb
PPTX
Ang mga Pangatnig at Transitional Devices
PPT
MAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxxxxxxtMAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxx...
PPTX
Ang kahalagahan ng sariling pananampalataya sa paghubog ng.pptx
PPTX
GRADE 10 SYMPOSIUM_CRITIQUE PAPER_GRAMATIKA
PPTX
GMRC 3 Sariling Hilig at Kakayahan Quarter 1 Week 1
PPTX
Aralin 4 - Indarapatra at Sulayman; Tekstong Biswal; Kasaysayan ng Epiko
PPTX
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
PPTX
t-1690738168-buwan-ng-wika-quiz-bee_ver_2.pptx
PPTX
PAMUMUHAY NG PAYAK BILANG PANSARILING PAGIINGAT SA KALIKASAN
PDF
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pdf
PPTX
buwan ng wikang pambansa tagisan ng talino.pptx
PPTX
FSPL Aralin 3 - Talumpati at mga Uri nito
PPTX
WEEK 1 ARALIN 1: PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG-SILANGANG ASYA
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY M.A.K HALLIDAYGRADE-11.pptx
Q1 Week 7 Gregorio Del Pilar.pptxQ1 Week 7 Gregorio Del Pilar.pptxQ1 Week 7 G...
Pagsusulit Filipino 8 - Unang Markahan - Panahon ng Himagsikan at Propaganda
KASAYASAYAN PPTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT
Ang Pantayong Pananaw _Bilang Diskursong _Pangkabihasnan_ by Zeus Salazar.pdf
Week 1 Kahulugan ng Ekonomiks.pptxxxxxxx
panitikang katutubo matatag filipino seveb
Ang mga Pangatnig at Transitional Devices
MAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxxxxxxtMAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxx...
Ang kahalagahan ng sariling pananampalataya sa paghubog ng.pptx
GRADE 10 SYMPOSIUM_CRITIQUE PAPER_GRAMATIKA
GMRC 3 Sariling Hilig at Kakayahan Quarter 1 Week 1
Aralin 4 - Indarapatra at Sulayman; Tekstong Biswal; Kasaysayan ng Epiko
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
t-1690738168-buwan-ng-wika-quiz-bee_ver_2.pptx
PAMUMUHAY NG PAYAK BILANG PANSARILING PAGIINGAT SA KALIKASAN
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pdf
buwan ng wikang pambansa tagisan ng talino.pptx
FSPL Aralin 3 - Talumpati at mga Uri nito
WEEK 1 ARALIN 1: PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG-SILANGANG ASYA
Ad

Quarter 4-Kontemporaryong Isyu part4 PPT.pptx

  • 2. Objectives: a. Talakayin ang mga salik na dapat isaalang-alang sa Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan, Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan, Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan, at Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan. b. Ipaliwanag ang kahalagahan at mga bahagi ng mabuting pamahalaan.
  • 3. • Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan • Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan • Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan • Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
  • 4. • Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan
  • 5. -Ayon sa artikulong inilathala ng Governance Today (2020), nakabatay ang mabuting pamahalaan sa kakayahan nitong pairalin ang kanyang kapangyarihan at pagbuo ng mabuting desisyon sa lahat ng oras sa iba't ibang usaping pang- ekonomiya, pampolitika, panlipunan, pangkapaligiran, at iba pang larangan. Tuwiran din itong nauugnay sa kapasidad ng pamahalaan tulad ng kaalaman at kasanayan sa pamamahala, maayos na alokasyon ng resources, at epektibong implementasyon ng mga patakaran at programang naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng lahat ng mamamayan. • Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan
  • 6. -Nangangahulugan din ang mabuting pamahalaan ng kawalan ng katiwalian sa pamamahala, pagbibigay- pansin sa boses at pangangailangan ng mga mamamayan higit ang mahihinang sektor ng lipunan, at pagbuo at pagpapairal ng mga desisyong nakabatay sa pangangailangan at kabuting panlahat. • Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan
  • 10. PARTICIPATORY • Ang malayang pakikilahok ng lahat ng mamamayan sa usapin at gawaing panlipunan at pampolitika ay isa sa mga pangunahing katangian ng mabuting pamahalaan. Ang partisipasyong ito ay maaaring tuwiran o sa pamamagitan ng lehitimong institusyon o kinatawan. Mahalagang maunawaan na ang representative democracy ay hindi tuwirang nangangahulugan na ang boses ng pinakamahihinang sektor ng lipunan ay nadidinig o nabibigyang-pansin sa pagbuo ng mga desisyon. Ang partisipasyon ay nararapat lamang na maging organisado at impormatib para sa lahat ng mamamayan.
  • 13. RULE OF LAW • Ang mabuting pamahalaan ay nangangahulugan ng pagpapairal ng patas at legal na patakaran at sistema. Itinataguyod nito ang ganap na proteksiyon ng karapatang pantao partikular na ang mga minoridad. Ang walang kinikilingang pagpapairal ng batas ay nangangailangan ng hiwalay at hindi naiimpluwensiyahang sistemang hudisyal gayundin ang pantay at walang bahid ng katiwaliang police force.
  • 16. TRANSPARENCY • Ito ay katangiang nangangahulugan na ang lahat ng desisyon at ang pagpapairal ng mga ito ay isinasagawa sa paraang nakabatay at sumusunod sa batas at regulasyon. Nangangahulugan din ito na lahat ng impormasyon ay malaya at tuwirang nailalatag at nauunawaan ng mga mamamayan lalong- lalo na ang mga tuwirang maaapektuhan ng mga pagpapasiyang ito.
  • 19. RESPONSIVENESS • Nangangahulugan ang mabuting pamahalaan ng paglilingkod ng lahat ng institusyon at proseso ng pamahalaan sa lahat ng mamamayan nito nang walang kinikilingan at pagtugon sa mabilis na oras at panahon.
  • 21. • Karaniwan ang pagkakaroon ng iba't ibang aktor, opinyon, at kaisipan sa isang partikular na lipunan. Ang isang mabuting pamahalaan ay nararapat na maging tagapamagitan sa magkakaibang interes na ito upang makabuo ng pagpapasiyang nakabubuti para sa lahat. Nangangahulugan din ito ng malawak at masusing pagsusuri sa pangangailangan ng lipunan para sa pagpapaunlad at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng lahat ng mamamayan nito. CONSENSUS ORIENTED
  • 22. • Ang kabutihan ng pamumuhay sa isang lipunan ay nakabatay sa pagsisiguro na ang lahat ng miyembro nito ay may kaisipan at damdaming kabilang sila sa lipunan at mayroon silang mahalagang tungkulin para sa pagpapatuloy at kaunlaran nito. Nangangahulugan ito na ang lahat, partikular na ang mga mahihinang sektor ay may pantay at malawak na oportunidad upang mapanatili o mapaunlad ang kanilang kalagayan. EQUITY AND INCLUSIVENESS
  • 23. • Ang mabuting pamahalaan ay nangangahulugan na ang mga proseso at institusyong panlipunan ay nakatutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng mga resources nito. EFFECTIVENESS AND EFFICIENCY
  • 24. • Ang katangiang ito ay itinuturing na pangunahing taglay ng isang mabuting pamahalaan. Ang mapanagutang pamamahala ay hindi lamang inaasahan sa mga institusyon ng pamahalaan bagkus ito ay inaasahan din sa mga pribadong sektor at mga organisasyong pansibiko sa kanilang paglilingkod sa mamamayan. Nangangahulugan ito na may pananagutan ang lahat ng institusyon o organisasyon sa lahat ng maaaring maapektuhan ng kanilang aksiyon a desisyon. Ang mapanagutang pamamahala at paglilingkod ay hindi makakamit kung walang transparency at rule of law. ACCOUNTABILITY
  • 25. • Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan • Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan • Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan • Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
  • 26. Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
  • 27. Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan 1. Aktibong Pagkamamamayan 3. Pagkilala at Pagsunod sa Kapangyarihan ng Batas 4. Mapanuri at Matalinong Pagpili at Pagbuo ng Pagpapasiyang Politikal 2. Aktibong Pakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pansibiko at Pampolitika
  • 28. Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan 1. Aktibong Pagkamamamayan -Ang isang aktibong mamamayan ay nagtataguyod ng kalidad ng buhay sa isang pamayanan sa prosesong political at non-political. Ito ay kombinasyon ng kaalaman, kasanayan. pagpapahalaga, motibasyon, at pagkilos na naglalayong makapag-ambag sa pagbuo at pagpapanatili ng demokratikong lipunan at makapagdala ng pagbabagong panlipunan.
  • 29. Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan 1. Aktibong Pagkamamamayan 3. Pagkilala at Pagsunod sa Kapangyarihan ng Batas 4. Mapanuri at Matalinong Pagpili at Pagbuo ng Pagpapasiyang Politikal 2. Aktibong Pakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pansibiko at Pampolitika
  • 30. Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan -Ang isang aktibong mamamayan ay nagtataguyod ng kalidad ng buhay sa isang pamayanan sa prosesong political at non-political. Ito ay kombinasyon ng kaalaman, kasanayan. pagpapahalaga, motibasyon, at pagkilos na naglalayong makapag-ambag sa pagbuo at pagpapanatili ng demokratikong lipunan at makapagdala ng pagbabagong panlipunan. 2. Aktibong Pakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pansibiko at Pampolitika
  • 31. Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan 1. Aktibong Pagkamamamayan 3. Pagkilala at Pagsunod sa Kapangyarihan ng Batas 4. Mapanuri at Matalinong Pagpili at Pagbuo ng Pagpapasiyang Politikal 2. Aktibong Pakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pansibiko at Pampolitika
  • 32. Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan -Ang pagtataguyod ng mabuting pamahalaan ay hindi lamang tungkulin ng mga namumuno, bagkus ito ay tungkulin din ng mga mamamayan. Kaugnay nito, nagpapatupad ang pamahalaan ng mga patakaran at batas na nararapat sundin ng bawat isa upang masiguro ang kaayusan sa lipunan. Nagkakaroon ng maayos na lipunan at mabuting pamahalaan kung ang lahat ng mamamayan ay kumikilala at sumusunod sa kapangyarihan ng batas at patakaran sa lahat ng oras at sa lahat ng kanilang gawi at pagkilos. 3. Pagkilala at Pagsunod sa Kapangyarihan ng Batas
  • 33. Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan 1. Aktibong Pagkamamamayan 3. Pagkilala at Pagsunod sa Kapangyarihan ng Batas 4. Mapanuri at Matalinong Pagpili at Pagbuo ng Pagpapasiyang Politikal 2. Aktibong Pakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pansibiko at Pampolitika
  • 34. Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan -Ang mabuting pamahalaan ay nangangailangan ng mapanuri at matalinong pagpili ng mamamayan ng mga pinuno. Nangangahulugan ito na ang pagganap ng mamamayan ng kanilang karapatang bumoto ay ganap na naisasagawa nang may integridad, katapatan, pagsusuri, at walang ano mang bahid ng takot, pagdiin, at pagpuwersa. Sa ganitong kalagayan ay nailuluklok sa puwesto ang mga karapat-dapat at naaayor sa tunay na kagustuhan ng nakararami. 4. Mapanuri at Matalinong Pagpili at Pagbuo ng Pagpapasiyang Politikal
  • 35. • Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan • Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan • Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan • Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
  • 36. Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan
  • 37. Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan • Ang mabuting pamahalaan ay nangangailangan ng balanseng pamumuno na may maayos at epektibong ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan. Ang hamon ng pagkakaroon ng mabuting pamahalaan ay nangangailangan ng pagbabago sa mga gawain ng pamahalaan, reporma sa burukrasya, at pagtataguyod ng aktibong partisipasyon ng mamamayan na nakabatay sa kabutinang panlahat.
  • 38. Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan • Repormang Administratibo - Nakabatay ang mabuting pamahalaan sa kalagayan ng burukrasya at lipunang sibil. Nagiging posible ang mabuting pamahalaan kapag nagkaroon ng pagbabago sa kasalukuyang kaisipan at pananaw ng mga namumuno. Nangangailangan ng higit na malawak na diwa ng pananagutan sa lahat ng naglilingkod sa publiko para sa kabutihan ng mamamayan at sa paghahatid ng serbisyo-publiko. Ang pagbabago ay nararapat na maipamalas sa pamamagitan ng repormasyon ng mga gawi at pagpapahalaga ng iba't ibang lebel ng burukrasya hindi lamang sa estruktura nito kundi maging sa kanilang mga proseso at sistema.
  • 39. Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan • Repormang Elektoral - Sa kasalukuyan ay maraming Pilipino na tinitingnan ang sistemang demokratiko sa konsepto ng electoralism lamang. Nangangahulugan ito na nakatuon lamang ang kanilang pagganap bilang mamamayan ng isang demokratikong pamahalaan sa pagpili o pagluklok sa posisyon sa isang partikular na kandidato.
  • 40. Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan • Repormang Elektoral - Upang makamit ang mabuting pamahalaan, kinakailangan ng repormang elektoral upang magkaroon ng repormang pampolitika at umiral ang patas at malayang halalan kung saan ginagampanan ng mamamayan ang kanilang karapatan sa pagboto nang walang anumang takot, pagdiin, at puwersa. Ang estriktong pagpapatupad ng electoral code of conduct ay kinakailangan upang masiguro na hindi inaabuso ng nangungunang partido ang kanilang makinarya sa pag- impluwensiya ng proseso ng halalan.
  • 41. Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan • Repormang Hudisyal - Ang sistemang hudisyal ang sandigan ng karaniwang mamamayan ng bansa. Kung ang layunin ay magkaroon ng mabuting pamahalaan, nararapat lamang na ang hudikatura ay malaya at hiwalay na umiiral nang walang anumang dikta o impluwensiyang panlabas lalong-lalo na ng ehekutibo at lehislatibo. Kaugnay nito, kinakailangan ng kongkretong pagkilos upang gawing accessible, mabilis, epektibo, abot-kaya, at makabuluhan ang sistemang hudisyal ng bansa. Nangangahulugan din ito ng pagtataguyod sa 'rule of law."
  • 42. Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan • Paglaban sa Korupsiyon at Katiwalian - Upang makamit ang isang mabuting pamahalaan, kinakailangang mawakasan ang anumang anyo ng korupsiyon at katiwalian sa pamahalaan sa lahat ng ahensiya, institusyon, organisasyon, at tanggapan nito.
  • 43. Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan • Paglaban sa Korupsiyon at Katiwalian - Ang korupsiyon sa politikal, ekonomiko, sosyal, at adminsitratibong konsepto ay nakasasagabal sa epektibong pagganap ng pamahalaan at mga ahensiya at institusyon nito ng kanilang tungkulin. Ang epektibong institusyonalisasyon at reporma na naglalayong mawakasan ang korupsiyon at katiwalian sa pamahalaan ay nararapat na maitaguyod at umiral upang magkaroon ng isang mabuting pamahalaan.
  • 44. Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan • Pagtataguyod ng Pambansang Pagkakaisa - Ang pagnanais ng mabuting pamahalaan ay nangangailangan ng pagkilala at pagpapahalagasa pagkakaiba-iba ng kultura at paniniwala ng mamamayan nito upang makamit ang pambansang pagkakaisa. Nangangahulugan ito na ang mga patakaran, sistema, programa, at ano man ang pagkilos ng pamahalaan ay nararapat na maging inklusibo para sa lahat ng mamamayan nito ano man ang kinabibilangang pangkat o sektor sa lipunan.
  • 45. • Mga Pangunahing Katangian ng Isang Mabuting Pamahalaan • Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan • Mga Hakbang Tungo sa Mabuting Pamahalaan • Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
  • 46. Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan
  • 47. Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan • Napapanatili at napalalakas ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan. Ang pagkakaroon ng mataas na tiwala ng mamamayan at mga institusyong panlipunan sa mabuting pamahalaan ay nangangahulugan ng ganap na pagsuporta at pakikilahok ng mga ito sa mga institusyon, hakbangin, at tunguhin ng pamahalaan.
  • 48. Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan • Napapanatili at napalalakas ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan. Ang pagkakaroon ng mataas na tiwala ng mamamayan at mga institusyong panlipunan sa mabuting pamahalaan ay nangangahulugan ng ganap na pagsuporta at pakikilahok ng mga ito sa mga institusyon, hakbangin, at tunguhin ng pamahalaan.
  • 49. Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan • Epektibong nakaangkop ang lipunan sa anumang pagbabago. Ang pagkakaroon ng mataas na tiwala ng mga mamamayan sa mabuting pamahalaan ay nangangahulugan ng pagiging bukas ng mga ito sa anumang pagbabagong ilalatag ng pamahalaan upang makamit ang layunin nito na mapaunlad at mapabuti ang lipunan.
  • 50. Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan • Aktibong pakikibahagi ng mamamayan sa mga usapin at gawaing panlipunan at pampolitika. Ang mabuting pamahalaan na nagbibigay sa mamamayan ng karapatan at kalayaang makibahagi sa mga usapin at gawaing panlipunan ay nakalilinang ng mga mamamayang may mataas na antas ng partisipasyon at pakikilahok sa mga usapin at gawaing pansibiko at pampolitika. Sa kalagayang ito, hindi lamang naitataguyod ang tunay na diwa ng demokrasya kundi nakahuhubog rin ng 'involved citizens' sa halip na 'demanding customers.'
  • 51. Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan • Katatagang pampolitika, panlipunan, at pang- ekonomiya. Ang pagkakaroon ng mabuting pamahalaan ay nangangahulugan rin ng pagkakaroon ng matatag na pamahalaan. Sa pamamagitan nito, epektibong napaiiral ng pamahalaan ang kapangyarihan nito sa lahat ng aspekto.
  • 52. Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan • Kaunlaran sa yamang tao ng bansa. Ang pagbibigay ng mabuting pamahalaan ng pantay at patas na karapatan at kalayaan sa lahat ng mamamayan nito ay nangangahulugan ng pagbibigay ng pantay at patas na oportunidad upang mapaunlad ng lahat ng mamamayan ang kanilang buhay sa iba't ibang aspekto at larangan.
  • 53. Thank You for Listening! Made by: Xendrix Quiambao