3. PAGLALARAWAN NG REHIYON
WIKA: Waray at Cebuano
TINAGURIANG: “Luklukan ng kasaysayan”
Pagdating ni Magellan
Unang misa sa Pilipinas
Pagbabalik ni Gen. Douglas McArthur
Malawak na lambak sa Samar
Mabundok sa Leyte at Biliran
6. TOPOGRAPIYA
SAMAR – pangatlo sa pinakamalaking
pulo sa Plipinas.
Bundok Suiro – nasa timog ng Biliran na
may taas na 1,300 metro.
Bundok Capotoan – nasa Samar na may
taas na 850 metro.
Bundok Lobi – pinakamataas na bundok
sa Silangang Visayas na nasa Samar.
7. San Juanico Bridge
Isang tulay na may habang 2,200 metro
nagkokonekta sa lalawigan ng leyte
papuntang Samar.
9. Sinaunang Panitikan sa Silangang
Kabisayaan
1668 – Tinipon ni Fr. Francisco Alzina
ang iba’t ibang tulad ng candu, haya,
ambahan, canogon, bical, balac, siday,
at awit, pati mga salaysay tulad ng
susumaton at posong.
10. 1521-1946 – Ang mga lumang ritwal,
mga tula at mga salaysay ay nagbago.
Napanitili ng balac ang mga porma nito
kahit patuloy na nabago ang pangalan
nito sa pagdating ng mga mananakop.
Sa pagdating ng mga Espanyol, ang
balac ay nagging amoral; at nang
dumating ang mga Amerikano ay
nakilala ito bilang ismayling, hango sa
salitang ingles na “smile”.
11. 1899 – Itinanghal sa Tolosa ang, Leyte ang
kauna-unahang zarzuela na pinamagatang
“Ang Pantabang ni San Miguel ni Norberto
Romuldez.
1900s – Ang mga panulaan at dulaan ay
nagsimulang yumabong sabay ng pag-unlad
ng ekonomiya nito.
1901 – Nailathala ang iba’t ibang local na
pahayagan at magasin kung saan lumabas
ang panulaang Waray.
12. MGA PORMA NG TULA
AMBAHAN – Isa itong nakaaaliw na awit at
karaniwang kinakanta tuwing piyesta.
HALIMBAWA:
Bical – Isa itong matulaing diskurso sa
pagitan ng dalawang tao, maaaring
dalawang lalaki o dalawang babae.
Sinasabi nila ang nais nilang sabihin sa
isang mapanuyang paraan na may
kasamang estriktong kumpas ng musika sa
loob ng isa o dalawang oras.
13. Balac – Ang karaniwang tema nito ay pag-ibig
na ipinapahiwatig ng isang lalaki at babae sa
paraan ng isang pasalitang diskurso. Minsan
ay may saliw ng dalawang instrumento:
coriapi para sa lalaki at coriong para sa babae.
Sidai – ito ay karaniwang kinakanta upang
purihin ang mga taong may mahalagang papel
sa lipunan, magbigay galang at kilalanin ang
mga nagawa ng kanilang mga ninuno at
isalaysay ang kagandahan ng ilang
kababaihan.
14. Dula
Maikling Kuwento
Nobela
Bugtong
-Titigohon – maiksing tula na may dalawang
linya ata naglalarawan sa isang bagay sa
pamamagitan ng paghahambing o metapora.
-Tigotigo – larong bugtong na nilalaro sa
tuwing naglalamay sa patay upang hindi
antukin.
15. Iba pang mga halimbawa:
Awiting Bayan
- Ang Ibong Tikbubulan
Sanaysay
Kwentong Bayan
- Ang Kataksilan ni Sinogo
Epiko
-Labaw Donggon
-Maragtas
17. Francisco Alvarado
Madalas tumula tungkol sa pag-ibig,
kalikasan, pagmamahal sa bansa at
relihiyon.
AKDA:
-Requiescant in Pace - Palu
-Kadayunan - An Liburan
-La Receta de Quezon - lolay
-Lambong Han Himaya
18. Iluminado Lucente
Itinuturing na pinakaromantikong
manunula at mandudula sa leyte at
Samar. May ritmo at tugma sa kanyang
mga tula at awit.
AKDA:
-Dinudumdom Ko Ikaw
-Ayaw Na Ha Ak Panumdom
-Pagbangon, Pepe
-Ha Akon Tunang Natawhan
19. Eduardo Makabenta
Nagsimulang magsulat ng mga tulang
Binisaya noon 1927. Ang kanyang unang
tula ay pinamagatang, “Pag-Usaan/Pag-
iisa”. Noong Inagurasyon ng gobyernong
Commonwealth, isinasalin niya sa Waray
ang tulang Hosanna ni Jesus Balmmori.
Noong 1938, isinalin naman niya ang
Ultimo Adios ni Rizal.
20. Ricardo Octaviano
AKDA:
-The Miraculous Holy Infant Jesus
-Bungto Ha Dulag
-Salapi
-Anak Nga Napa-Manila (Dulang
panradyo)
-May Puon Nga Pinaurog (Dulang
panradyo)
21. Agustin El O’Mora
Siday Han Kabataan
-Isang koleksiyon ng 176 tula tungkol sa
paniniwala sa maykapal, pagmamahal
sa lupang tinubuan, masarap na
pagkain, iba’t ibang hayop, sari-saring
laro’t laruan, kalikasan, wastong
pagkilos sa bahay at lipunan.
22. Agustin El O’Mora
Tanaman Han Mga Inop
-Ito naman ay binubuo ng 5,000 tula ay
isinaayos ayon sa sumusunod na
klasipikasyon:
1. Hinaro na mga Pagbato
2. Lanlain nga Hinanabihan
23. Norberto Romualdez
tinayo niya ang Sanghiran San
Binisaya. Tanyag siya sa kanyang mga
dula tulad ng: Anak Han Manaranggot.
Sinalin niya sa wikang Waray ang:
Doctina Kristiyana
24. Casiano Trinchera
Mahilig siyang magsulat tungkol sa pag-
ibig. Ang kanyang mga kilalang tula ay:
An Lambung Mo, Hain ka, Pagsumpa.
25. Espiridion Brillo
Nagsulat siya tungkol sa iba’t ibang
paksa, mga piyesta, pag-ibig,
moralidad, kalikasan, mga tao at lugar,
relihiyon at mga pamahiin, at maging
tungkol sa mga kabibe. Nakapagsulat
siya ng 63 na tula.
-Ginadayaw ko ikaw
-Hinumduman hin usa nga amay
-Maria Balsib
26. Vicente I. De Veyna
Nagsulat ng mga awit at kaalamang-
bayan, nangolekta ng mga kasabihan at
bugtong, at naglathala ng mga tuntunin
sa Wikang Waray. Noong 1958,
inilathala niya ang isang tipon ng
katapusan nga Pamimilet ng Ultimo
Adios at ilang tula ni Rizal.
27. Juan Ricacho
Isa sa mga masisikap ma manunulat sa
Waray. Nakilala rin siya sa kanyang
galing sa balagtasa. Sa katunayan ay
nakipagbalagtasan siya kay Iluminado
Lucente tungkol sa paksang An Tawa ug
An Touk.
-Ha Kan Mercedes
-Kahidlaw
-Katapusan nga Pamimilet
28. Ceferino Montejo
Nakilala sa pagsusulat sa ingles at
tinaguriang pinakamagaling na
manunulat sa Leyte na may
kontribusyon sa panitikang Pilipino sa
wikang Ingles. Nagsusulat tungkol sa
kamatayan.
-Heimweh
-Waray Nim Kamatayan
29. Francisco Aurillo
Naging kauna-unahang mamamahayag
sa Waray. Dating manunulat sa dyaryo.
- Noong 1942, nakapagsulat siya ng
maraming tula at ilan dito ang: Didal-
Didal, Disyembre ika-30, 1986.
Disyembre 1971 nang magkaroon siya ng
isang programa sa radyo.