Ang Saligang Batas ng Pilipinas (1987) ay ang pinakamataas na batas sa bansa na pinagtibay noong Pebrero 2, 1987, na kinilala ng higit sa 17 milyong botante. Sinasalamin ng konstitisyon ang mga prinsipyo ng demokrasya, karapatang pantao, at pambansang teritoryo, na nagpapahayag ng kapangyarihan ng sambayanan. Naglalaman ito ng mga artikulo ukol sa mga karapatan ng mamamayan, pamahalaan, at mga layunin ng estado sa pag-unlad ng ekonomiya at lipunan.