Sanaysay - Elemento ng Sanaysay
Tema at Nilalaman – Tumutukoy sa kung anuman ang nilalaman ng sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi.
Anyo at Istruktura – Maayos na pagkakasunod sunod ng ideya o pangyayari.
Kaisipan – Mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema.
Wika at Istilo – Mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag. Iayon ito sa maging mambabasa ng sanaysay.
Larawang Buhay – Masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda.
Damdamin – Naihahayag ang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
Himig – Naipapahiwatig ang kulay o kalikasan ng damdamin.
Bahagi ng Sanaysay
Simula o Introduksyon
Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay. Ito ay dapat nakakakuha ng atensyon ng mambabasa para basahin pa niya ang natitirang bahagi ng sanaysay.
Gitna o Katawan
Dito nakalagay ang lahat ng iyong mga ideya at pahayag. Mga halimbawa at mas papalalim sa paksang tinatalakay sa sanaysay.
Wakas o Konklusyon
Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay. Maaari itong magwakas sa isang katanungan, hamon o kasabihan. Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito. Ang isang sanaysay ay may pokus sa iisang diwa at paksa. Ang mga sanaysay ay may layong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.
Dalawang Uri ng Sanaysay
Pormal na Sanaysay
Ang pormal na sanaysay ay may maayos na pagkakasunud-sunod at gumagamit ito ng mga salitang akma sa paksa. Ito ay batay sa pananaliksik at pag-aaral. May seryoso o pormal na tono ito ukol sa paksa nito.
Di-pormal na Sanaysay
Ang di-pormal na sanaysay naman ay batay sa mga opinyon at pananaw ng nagsulat nito. Ito ay maaaring galing sa karanasan o obserbasyon ng may-akda. Sanaysay Tungkol sa Wika
Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.
Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.
Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang disipl