Ang Noli Me Tangere ay isang akda ni Dr. Jose P. Rizal na isinulat bilang tugon sa mga paglibak laban sa mga Pilipino at naglalaman ng mga karakter na nagsasalamin sa lipunan ng Pilipinas noong panahong iyon. Ang pangunahing tauhan ay si Juan Crisostomo Ibarra, na nag-aaral sa Europa at nangangarap na makapagpatayo ng paaralan para sa kinabukasan ng kanyang bayan. Ang kwento ay nagsasalaysay ng mga suliranin ng mga pangunahing tauhan at ang kanilang mga laban sa lipunan at simbahan.