4. Isolationism
Paghihiwalay ng bansang China
mula sa daigdig dahil sa mataas na
pagtingin sa kanilang sariling
kultura at sa paniniwalang
makasisira sa kaniyang bansa ang
impluwensiya ng mga dayuhan.
6. Noon pa man nais na ng mga
kanluranin na masakop ang China
dahil sa likas nitong kayaman.
Nagsimula ito nang hindi
pumayag ang emperador na
ipasok sa bansa ang opyo na
produkto ng bansang England.
8. Ang patuloy na pagpasok ng
England ng mga Opyo sa
daungan ng China kahit na ito ay
pinagbabawal ang dahilan ng
mga naganap na Digmaang Opyo.
9. Sphere of Influence
Ito ay tumutukoy sa mga
rehiyon sa China kung saan
nangingibabaw ang karapatan
ng kanluraning bansa na
kontrolin ang ekonomiya at
pamumuhay ng mga tao dito.
10. Sphere of Influence
Binibigyan din ng karapatan
ang mga kanluraning bansa na
magpatayo ng iba’t ibang
imprastraktura gaya ng tren, at
mga gusali upang paunlarin ang
kanilang sphere of influence.
11. England- Hongkong, Yang Tze
Valley, Weihaiwei
France- Zhanjiang, Kwangchow
Germany- Kwantung, Qingdao,
Yunnan
14. Open Door Policy
Magiging bukas ang
China sa
pakikipagkalakalan sa
ibang bansa na walang
sphere of influence rito.
15. • Napanatili ang kalayaan
pero nanatiling
kontrolado ng mga
mananakop ang
ekonomiya.
16. • Nawala sa kamay ng mga
Tsino ang kapangyarihan
na magtakda ng kanilang
mga patakaran para sa
dayuhan.
17. • Gumuho ang matatag na
pamamahala ng mga
emperador dahil sa
panghihimasok ng mga
dayuhang dinastiya.
18. • Pumasok sa China ang
iba’t ibang impluwensiya
ng mga kanluranin na
nakaapekto sa kanilang
kultura.
19. • Napaunlad ng Japan ang kaniyang
ekonomiya, napatingkad ang
kultura at pagpapahalaga, at
napatatag ang kaniyang
pamamahala dahil sa pagsasara ng
kaniyang mga daungan mula sa
dayuhan.
20. • Noong 1853, ipinadala ni
Milliard Filmore ng United
States si Commodore Matthew
Perry upang hilingin sa
emperador ng Japan na buksan
ang kaniyang mga daungan para
sa mga barko ng United States.
21. • Sa pagpunta ni Perry sa
Japan ay nakita ng mga
Hapones ang naglalakihang
barko ng United States na
armado ng kanyon.
22. • Ito ay isang babala na kung
hindi bubuksan ng Japan
ang kanilang daungan ay
hindi magdadalawang isip
ang US na gamitin ang
kanilang puwersa.
23. • Tinanggap ng Japan ang US sa
bisa ng Kasunduang Kanagawa
upang maiwasan ang digmaan.
Dahil sa pagbubukas ng Japan
sa US, ay nakapasok na din ang
ibang kanluraning bansa.
24. Emperador Mutsuhito
Siya ang pumalit kay
Shogunato at namuno sa
edad na 15. Ang kaniyang
pamumuno ay tinawag
niyang Meiji era (enlightened
rule).
26. • Ang makabagong mga
kagamitan, teknolohiya, at
paraan ng pamumuhay na
natutuhan ng mga Hapones mula
sa mga dayuhan ay nakatulong
upang siya ay umunlad sa kabila
ng panghihimasok ng mga
kanluranin.
29. • Ang pagbabagong dulot ng
industriyalisasyon ay lalo
pang nagpataas sa pagnanais
ng mga kanluranin na
mapanatili ang kanilang
imperyo.
30. • Ginamit ng mga kanluranin
ang mga likas na yaman na
makukuha sa mga bansa
rito upang makagawa ng
mas maraming produkto.
31. • Ika-19 siglo- nagsimulang
magpalawak ng teritoryo ang US
sa Asya-Pasipiko at isa ang
Pilipinas sa mga lupain na nais
nitong makontrol dahil sa
estratehikong lokasyon nito.
32. • Angkop ang lokasyon ng
Pilipinas sa plano ng US na
sakupin ang iba pang bansa
sa Asya at sa pagkontrol sa
kalakalan sa Asya-Pasipiko.
33. • Noong una, tinulungan ng
mga Amerikano ang mga
rebolusyunaryong Pilipino
sa pamumuno ni Emilio
Aguinaldo na talunin ang
Espanyo.
34. • Natalo ang Espanyol at
idineklaro ni Emilio
Aguinaldo ang kalayaan ng
Pilipinas noong Hunyo 12,
1898.
35. Kasunduan sa Paris
• Kasunduan sa pagitan ng US
at Spain na susuko ang
Spain sa US at isasalin ng
Spain sa US ang karapatang
pamunuan ang bansa.
36. • Sumiklab ang Digmaang
Pilipino-Amerikano noong 1902
kung saan natalo ang mga
Pilipino.
• Itinatag ng US ang Pamahalaang
Militar at ng lumaon ay naging
Pamahalaang Sibil.
37. • Nagpatayo ng mga
paaralan at ginawang
libre ang pag-aaral,
ospital, kalsada, at mga
gusaling pampamahalaan.
40. • Ang mataas na paghahangad
ng mga taga-Europa sa mga
pampalasa at produktong
agrikultural ang nagtulak sa
mga Dutch na ipatupad ang
culture system o cultivation
system.
41. Culture system o cultivation
system
Patakarang ipinatupad ng mga
Dutch sa Indonesia upang
matugunan ang pangangailangan
nito sa pagbebenta ng mga
pampalasa sa pandaigdigang
kalakalan.
42. • Inatasan ng mga Dutch ang mga
magsasakang Indones na ilaan
ang sanlimang (1/5) bahagi ng
kaniyang lupain o 66 na araw
para sa pagtatanim ng mga
produktong iluluwas ng mga
Dutch.
43. • Dahil nagtagumpay ang culture
system, sapilitan na ring
ipinatanim sa mga Indones ang
iba pang produkto tulad ng
bulak, palms, tsaa, tabako, at
iba pang pampalasa.
44. • Dumanas nang lubos na
paghihirap ang mga Indones sa
ilalim ng patakarang ito dahil
hindi na sila makapagtanin ng
produkto para sa kanilang
sariling pangangailangan.
45. • Napasakamay ng mg British
ang Singapore.
• Isa ang Singapore sa may
pinakamaganda at
pinakamaunlad na daungan sa
Timog-Silangang Asya.
46. • Kilala ang Malaysia sa
malawak na plantasyon
ng goma (rubber) at sa
pagkakaroon ng malaking
reserba ng lata (tin).
47. • Kinontrol ng mga British
ang Singapore at Malaysia
at kumita sila ng malaki
mula sa pakikipagkalakalan
at pagkontrol sa mga
produktong iniluluwas.
48. • Ang pananakop ng mga british
sa Malaysia ay nagdulot ng
paghihirap at kaguluhan sa
pagitan ng mga nandayuhang
Tsino at katutubong Malay na
hanggang ngayon ay
nararamdaman pa rin sa bansa.
49. • Ang lokasyon ng Burma
sa India, na sakop ng
England ang dahilan kung
bakit sinakop din ito ng
mga British.
50. • Mahalaga ang Burma sa
British dahil magagamit
niya ito upang mapigilan
ang mga magtatangkang
sumakop sa silangang
bahagi ng India.
51. • Noon ay maayos ang ugnayan ng
England at Burma. Ngunit sa
hindi inaasahang pangyayari,
sumiklab ang mga labanan sa
pagitan ng mga British at
Burmese (Digmaang Anglo-
Burmese).
52. Resident System
• Isang patakaran na ipinatupad
ng mga British sa Burma. Kung
saan ang British Resident
kinatawan ng pamahalaan ng
England sa Burma ay kailangan
niyang manirahan sa Burma.
53. Tungkulin ng British Resident
• pakikipag ugnayan sa mga
dayuhang bansa.
• makipagusap, makipagsundo,
makipagkalakalan, at
magdesisyon sa mga usaping
panlabas ng Burma.
54. Nabawasan ang kapangyarihan
ng hari at nawala sa kaniyang
kamay ang karapatan na
magdesisyon kung kaninong
dayuhan makikipagkaibigan at
makikipag-ugnayan.
55. • Binubuo ng tatlong
bansa: Laos, Cambodia,
at Vietnam.
56. • Ang mga ulat ng pang-aapi
sa mga misyonerong
Katoliko na kanilang
ipinadala ang ginawalang
dahilan ng mga Frances sa
pagsakop sa Indo-China.
57. • Subalit ang pagkontrol sa
mayamang kalikasan at
magandang daungan ng
Indo-China ang talagang
kanilang pangunahing
layunin sa pananakop.
58. • Ang Laos, Cambodia, at
Vietnam ay naging
protektorado ng bansang
France.
59. • Tulad ng pamamahala ng
Espanyol sa Pilipinas,
direktang pinamahalaan
ng mga French ang Indo-
China.
60. • Ang French ang humawak sa iba’t
ibang posisyon sa pamahalaan.
• Ipinag-utos ang pagtatanim ng
palay dahil mahalaga ito sa
pakikipagkalakalan ng mga
French.
61. • Lumaganap ang kagutuman
dahil halos lahat ng
inaaning palay ay kinukuha
ng mga French upang
iluwas.
62. 1.Makikita ba sa kasalukuyang
panahon sa Silangan at Timog-
Silangang Asya ang mga
pagbabagong naganap dulot ng
pananakop ng mga kanluranin?
Magbigay ng halimbawa.
63. Panuto: Gumuhit ng isang
larawan na nagpapakita ng
epekto ng imperyalismong
kanluranin sa mga bansa sa
Silangan at Timog-Silangang
Asya. (20 puntos)